Gale's POV"Send this cappuccino to that costumer, Gale." Utos sa akin ni kuya Jay habang tinuturo yung costumer gamit ang nguso niya.
Saturday na ngayon, and it only means work day. Kahit na hindi maganda yung pakiramdam ko ay kailangan ko paring mag-trabaho. Ano nalang mangyayari sa buhay ko diba?
Tumungo nalang ako sakaniya bago ko pinuntahan yung costumer na tinutukoy n'ya. I wince as I feel the pain in my arms. Pero ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi iyon ipahalata. Sobrang sakit parin ng katawan ko dahil sa nangyari sa akin. Pero ipasawalang bahala ko na lamang ito. The last thing I want is to stay at home with my father.
Habang naglalakad ako ay bigla nalang ako nasagi ng isang costumer. Natapon ko yung dala dala kong tray. Nanlaki ang mga mata ko dahil dito.
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" iritang sabi sa akin ng costumer. Agad akong napatungo bago nanghingi ng paumanhin sakan'ya.
Shit shit shit.
Puti pa naman yung uniform namin.
"We're so sorry for the inconvenience ma'am," rinig kong sabi ni kuya Jay na nasa likod ko na pala.
Buti nalang at hindi natapunan yung costumer, umirap na lamang siya bago umupo sa isang upuan na malapit dito. The coffee is spilled on the floor at madami na rin ang nakatingin sa akin. I heard kuya Jay muttered a curse bago niya ako inaalalayan papunta sa kwarto ng mga staff kung saan nakalagay ang mga gamit namin. Tinignan niya ako ng dismayado.
Kuya Jay is only two years older than me. Simula ng bagong salta pa lamang ako dito, tinutulungan niya na ako. Siya na rin yung nagsilbing kuya sa akin. While Cris serves as sister to me.
"Do you have a problem Gale? It looks like you badly need a break," naga-alala niyang sabi sa akin ngunit umiling ako.
"No kuya, baka nag-iintay yung costumer. Ayos lang ako," sabi ko bago ko siya binigyan ng isang pilit na ngiti.
It took a lot of effort for me to smile like that. At kahit sa simpleng pagngiti ko lamang ay nakaramdam na agad ako ng sakit sa mukha ko.
Thank you, Savannah.
"You cannot lie to me," giit niya sabay biglang hablot ng kanang braso ko bago mabilis na itinaas ang long sleeve ko na uniform. Bago ko pa mabawi sakaniya ang braso ko ay nakita niya na agad ang tinatago kong mga pasa at sugat dito. Napapikit nalang ako at napaiwas ng sakaniya ng tingin.
Thank you again, Savannah.
"Anong nangyari sayo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Umiling lang ako at agad agad na tinago ang braso ko sa likod ko.
His brown eyes looked at me sadly as he runs his hands through his hair.
"Gale?" Biglang tawag sa akin ni Cris na kakapasok lang sa staff room.
Nang makita niya kaming dalawa ni kuya Jay ay bigla siyang natahimik.
"May tumatawag sayo," ika niya gamit ang kakaibang tono ng boses n'ya. Tila ba nagbago yung mood niya nang makita niya kami. Hindi ko na lamang ito pinansin dahil gustong gusto ko ng makaiwas sa mga tanong na umiikot na ngayon sa utak ni kuya Jay.
Kinuha ko na yung oportunidad na iyon para umalis sa room naming mga staff—pati na rin kay kuya Jay nanakatingin parin sa akin ng dismayado.
I hate that kind of look.
"Sino yung tumatawag sa akin?" nagtataka kong tanong, ngunit bago pa makasagot sa akin si Cris ay nakita ko na agad si Zayne na naga-aabang sa tabi ng counter.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomanceGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...