Gale's POV
"Madami ko ng araw na wala ah. Anong nangyare sayo?" nagtatakang tanong sa akin ni Cris habang gumagawa ako ng kape.
Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa tanong niya. Mukhang hindi niya nabalitaan ang nangyari sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Nginitian ko muna siya bago ako sumagot.
"Busy lang sa school," ani ko, tumungo siya bago ipinagpatuloy ang ginagawa niya.
Once I'm done with the coffee, dinala ko na ito papunta sa costumer na malapit sa bintana nakaupo. Habang naglalakad ako ay bigla kong narinig na magsalita yung isang costumer na nadaanan ko.
"Nakakaawa naman siya."
Agad agad akong napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon. Pero paglingon ko, ang tanging bumungad sa akin ay ang isang costumer na babaeng estudyante na abala sa kausap n'ya sa kan'yang cellphone. I must've been staring at her for a long time dahil napatingin din siya sa akin at kumunot din ang noo niya. Maya maya pa lamang ay bigla akong napasigaw nang mabangga ko ang isang upuan na nakaharang pala sa daan ko. Hindi ko ito agad nakita dahil nakatingin ako sa likod ko. Dahil dito ay tuluyan ng natapon sa akin yung kape na hawak ko. Agad akong napapikit dahil sa sobrang init nito.
Mabilis ang tibok ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang kaba ko habang nakatingin sa akin ang mga tao sa paligid ko. Suddenly, I started to hear those voices again and when I tried to look for where it came from, wala akong nakita maliban nalang sa mga dismayado at gulat na mukha ng mga costumers sa paligid ko.
"Ano bang ginagawa niya?"
"Kawawa naman siya."
Patuloy kong naririnig ang mga boses na iyon. Agad kong naramdaman ang biglang pagbilis ng hininga ko, napapikit ako ng mariin hoping that those voices will be gone. Pero sa pagpikit ko ay napalitan naman ang mga boses na iyon ng isang mukha na nagdala sa akin sa bangunot na nararanasan ko ngayon.
"Gale! Gale!" Bigla akong napadilat at natauhan nang marinig ko ang boses ni kuya Jay na nandito na pala sa harap ko. Napasinghap ako nang makita ko ang natapon na kape sa sahig. I tried to focus my gaze on kuya Jay when he staryed shaking me.
"Anong nangyayari sayo?" natatataranta niyang tanong habang punong puno ng pag-aalala ang kaniyang mga mata.
Sinubukan kong mag-pokus sa mukha niya habang unti unti ng humihina ang boses na naririnig ko. Dahan dahan akong tumayo mula sa sahig, at sinundan ko kuya Jay na inalalayan ako papunta sa staff room. Nakita ko ang pagtataka ang pagaalala sa mukha ni Cris habangn pinagmamasdan akong inaalalayan ni kuya Jay papasok sa loob. Nang tuluyan na akong makapasok ay pinaupo niya ako sa upuan bago ako inabutan ng tissue.
"Hindi ka na dapat muna pumasok, Gale," seryoso niyang sabi sa akin habang patuloy akong inaabutan ng tissue. Maya maya pa lamang ay kumuha narin siya nito. Tangkang tutulungan n'ya ako sa ginagawa ko, pero bago pa makalapit ang kamay niya sa damit ko ay agad agad ko na itong itinabig na naging dahilan ng pagkatigil niya.
"Sorry." Agad akong nanghingi ng paumanhin sa ginawa ko, pero hindi nito nabawasan ang gulat sa mga mata n'ya.
Napuno ng katahimikan ang loob ng kwarto hanggang sa magsalita na si kuya Jay.
"Is this about your father?"
Pagkabanggit na pagkabanggit niya pa lang sa salitang 'father' ay napatigil na ako sa ginagawa ko. I stared at the floor blankly bago ako huminga ng malalim at tumingin sa mga mata niya. Napalunok ako nang makita ko ang awa at pag-aalala sa mata n'ya. Dahan dahan akong tumungo sakaniya. Pagkatapos noon ay bigla ko nalang naramdaman ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomanceGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...