Gale's POV
"How's your day, Gale?"
"Nagiging okay naman na ako." nakangiti kong sabi kay Jessy, tumungo siya.
"That's good to hear. Hindi naman na naulit yung nangyari sayo sa pinagta-trabahuhan mo?" tanong niya kaya naman umiling ako.
"I see, mukha namang unti unti ka ng nakaka-recover sa nangyari sayo. I'm so happy for you," nakangiti niyang sabi habang nagsusulat sa maliit niyang notebook.
"Thanks to you," ani ko, tumingala siya sa direksyon ko at binigyan ako ng isang malaking ngiti.
"Ano naman na yung nararamdaman mo ngayon?" tanong n'ya na ikinatigil ko. Napabuntong hininga ako nang biglang may pumasok sa utak ko. Si Candice.
"Medyo malungkot lang ako dahil sa nangyari sa kaibigan ko, pero I'm also happy kasi mukha namang nakakaya niya na ngayon," nakangiti kong sabi habang iniisip si Candice.
"Bakit? Anong nangyari sa kaibigan mo?"
I sighed heabily before pursing my lips. "Nag break kasi sila ng boyfriend niya, 7 years na silang magkasama. I-it broke her. Hindi n'ya inaasahan na mangyayari 'yon. None of us did. That's why she started doing things that are ruining her life, pero luckily, after we had a sleepover nagsimula na siyang mag move on. Pero nakikita ko parin sa kaniya na sobrang nasasaktan parin siya sa nangyari. May mga panahon din na nag b-breakdown siya. That's why I'm happy kasi nagsisimula na siyang mag move on but I'm still sad kasi nakikita ko parin sa kaniya yung sakit na nararamdaman n'ya," ani ko habang inaalala ko kung paano nag b-breakdown si Candice tuwing gabi. Siguro sa tingin niya tulog na ako tuwing iniiyakan n'ya si James but she's wrong. Kapag nasa school kami ay pinipilit niyang ipikita sa amin na okay na siya pero hindi niya ako maloloko. I've known her for more than a year at madami na kaming napagsamahan kaya naman kilalang kilala ko na siya.
"You know what? Never talaga ako naniwala sa process ng moving on." sabi niya bago huminga ng malalim. Nagtataka ko siyang tinignan.
She chuckled at my reaction before speaking. "Once you truly love someone, hindi mo siya basta basta nalang makakalimutan in just a day or a week, or even forever. Moving on is all about leaving the past behind, and I don't believe in such things. Kasi kahit anong gawin mo, you cannot do that. You need to allow yourself to hurt first—to mourn for your loss bago ka maka move forward sa buhay mo. That's why I always prefer moving forward than moving on. Because those things that once hurt you will serve as your strength in the future, and it will mold you into a better person. That's why I believe that we should never forget it. Because the only thing that made our past beautiful is because it can serve as our lesson," malumanay niyang sabi habang mariing nakatingin sa mga mata ko.
"That's why you should tell your friend to start moving forward instead of moving on," she said before giving me a faint smile. "And I hope that you will do the same thing, dear."
~~
"Ouy, Gale sobrang miss na kita. Antagal na noong pumasok ka sa trabaho," sabi sa akin ni Cris na kausap ko ngayon sa cellphone.
"Wala eh, kailangan ko munang magpagaling. Pero kamusta na pala kayo d'yan? Tsaka kailan alis ni kuya Jay?" I said habang naglalakad sa hallway papunta sa garden. Lunchbreak na namin ngayon.
"Ano bang nangyari sa'yo? Hanggang ngayon wala kaming kaalam alam. Nagulat nga kami sa nangyari nung nakaraan," nag-aalala niyang tanong na ikinalungkot ko.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomanceGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...