Chapter 22: Gone

55 11 0
                                    

Once upon a time, we had it all
Somewhere down the line we went and lost it
One brick at a time we watched it fall
I'm broken here tonight and darling, no one else can fix me
Only you.

-Only you by LM

Gale's POV

Madilim.

Madilim ang paligid ko. I can't see anything but complete darkness. I can feel my head spinning around. Mahirap huminga at sobrang bigat ng pakiramdam ko. I squeeze my eyes shut at unti unti ko ito dinilat. Wala ako maaninag kung hindi ang halos nakakabulag na liwanag sa paligid ko. Kanina, puro dilim lang ang nakikita ko, ngunit ngayon ay halos mabulag na ako sa liwanag sa paligid ko. It took me a lot of effort to fully open my eyes.

"Gale!"

"OMG, she's waking up!"

I can hear a lot of voices around me, pero hindi ko parin maaninag ang paligid ko. I slowly blinked my eyes hanggang sa makita ko na ang ilaw sa harap ko, at ang mga taong nakatingin sa akin ng punong puno ng pag-aalala sa mukha.

"M-mom," I heard myself whisper to the person before me. I saw her smile, and a single tear falls down on her left cheek.

"G-gale, I was so worried," ani n'ya bago hinawakan ang kanang kamay ko.

I looked around the room and saw Candice and Shiela. Punong puno ng saya at ginawa ang kanilang mga mata habang nakatingin sa akin. Muli kong inilibot ang paningin ko sa buong kwarto upang hanapin ang isang tao na nasa isip ko. Agad kong naramdaman ang pagkunot ng noo ko nang hindi ko s'ya makita sa loob. I looked back to my mother with confusion in my eyes. Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon sa mukha niya.

"Z-Zayne?"

Walang sumagot sa akin kaya naman unti-unti na akong nakaramdam ng takot at kaba. Suddenly, I slowly remember what happened inside his car. Ang tanging naalala ko lang ay ang gulat at takot sa kan'yang mga mata habang nakatingin sa kamay niya na hindi niya magalaw. All I can remember is the sound of my scream before everything went black. And after that, nothing. Wala na akong maalala.

What happened to him?

I felt tears streamed down my face as I looked at my mom who still didn't answer my question.

"I d-don't know, Gale. He's.....gone," nauutal na bulong n'ya sa akin. Naramdaman ko ang unting unting pagtigil ng mundo ko.

Mas lalong bumilis ang pagpatak ng mga luha ko. Agad akong tumingin kina Candice at Shiela—hoping that this is some sort of a joke at sasabihin nila sa akin na nasa kabilang kwarto lang si Zayne o kaya nasa labas siya at pinapakinggan ang drama na 'to.

Ngunit, agad na bumagsak ang aking balikat nang makita ko ang lungkot sa mga mata nila. Mas lalong nadurog ang puso ko nang makita ko ang pag-iling sa akin ni Shiela.

~~

Isang linggo na ang lumipas simula ng magising ako sa loob ng hospital. Isang linggo na rin ang lumipas ng mawala si Zayne sa tabi ko. I never thought that I will ever experience this kind of heartbreak. Sa bawat segundo, ang pangalan niya lang ang umiikot sa utak ko. The pain in my chest is heavier than the physical pain that I gained after that accident. Everyday, lagi akong nagtatanong sa mga kakilala niya kung nakita ba nila siya. But their answer are always the same. I even asked the driver of the truck that almost killed us na nasa preso na ngayon. Ngunit, ang tanging sagot lang nila ay,

No.

I'm sorry, hindi ko alam.

I don't know.

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon