Gale's POVAntok na antok akong naglalakad papunta sa kusina nang makarinig ako ng malakas na ingay mula sa salas. It's probably dad, again. Drinking and cursing as usual. Nakaligo na ako at nakabihis na rin para sa shool. Buti na lamang ay wala kaming uniform kaya less hussle sa paglalaba.
Inilabas ko na sa refrigerator ang favorite kong cereal box at fresh milk at pinaghandaan ang sarili ko ng almusal. Habang naghahanda ay bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi.
It was a very amazing night. At napakasayang kasama ni Zayne. He's a funny and smart guy. Nag drive kami around the town sa loob ng kotse niya without having any destination. We had fun talking with each other na hindi namin namalayan na umaga na pala. He drove me home around 3 am kaya naman antok na antok ako ngayon.
It's already 7 in the morning at may klase pa ako mamayang 7:30, may kalayuan yung school ko, kaya mabilis kong inubos ang almusal ko nang biglang pumasok si papa na lasing na lasing, as usual. He's wearing the same shirt from yesterday and he reeks of alcohol, at punong puno ng galit ang mukha nya .
Maya maya pa lamang ay bigla akong napatalon sa gulat nang binato ang bote ng bear na hawak nya. Kumalat ang mga bubog sa sahig at natamaan pa ang kanan kong kamay.
"Shit," bulong ko sa sarili ko.
"Ano pang minumura mo dyan?! Linisin mo yan bago ka mag-gala!" sigaw nya bago padabog na pumunta sa kwarto nya.
Naiinis kong tinignan ang orasan na nagsasabing 7:10 na bago ko sinimulang linisin ang kalat ng magaling kong ama.
Kung minamalas ka nga naman oh, at nagkaroon ka ng amang katulad n'yang wala modo. Mabilis kong winalis ang mga bubog sa sahig bago ko hinugasan ang nagdurugo kong kamay na sobrang hapdi.
"Bwiset," bulong ko sa sarili habang nilalagyan ng band aid ang sugat ko. Maliit lang naman iyon pero mukhang medyo malalim ito kaya naman sobrang hapdi talaga.
Great pano na ko makakapag sulat ng notes mamaya? Maraming salamat dad!
Pagtingin ko sa orasan ay nakita kong 7:25 na. Napamura ako ng malutong. Terror pa naman yung first teacher ko kainis! Ba't ba ang malas ko?!
Dali dali kong kinuha ang bag ko bago tumakbo papunta sa labas para mag-abang ng jeep. Hinihingal na ako nang makarating ako dito, at kung sinuswerte ka nga naman, wala pang gaanong dumadaan at kung meroon man ay lagi itong pununan. Haist.
It's already 3 minutes before 7:30. Malapit ko ng isiping mag lakad nang biglang pumara sa harap ko ang isang pamilyar na kotse.
Bumaba ang salamin ng kotse at na realize ko kung sino ang nagmamay-ari nito.
Zayne.
Nakakunot noo sya habang nakatingin sa akin. I cannot see the expression in his eyes since he's wearing a shades, that actually adds up on his charms. Mukha na syang isang aktor star sa action movie, kulang nalang ang yosi sa labi nya para sa get up nya.
"Need a ride?" tanong nya sa akin, agad agad na akong tumungo at pumunta sa passenger seat nya.
No time for modesty, masyado na kong late.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomansaGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...