Gale's POV
"Shiela will kill me." Bulong ko nang makapasok na sa kotse ko si Summer sa kotse ko.
Kunot noo ko siyang tinignan. Nakasuot siya ng white na t-shirt na may nakalagay na printed name ng banda nila Zayne. Naka black siya na skirt ay high heeled boots. At napansin ko rin na naka make-up siya.
Iba na talaga mga bata ngayon.
Ganun ang suot niya habang ako naman ay nakasuot lang ng black printed shirt, denim jacket at ripped jeans. Naka bun rin ang buhok ko kaya kitang kita yung maliit kong peklat na nakuha ko mula sa car accident, which I don't mind dahil hindi naman ito kapansin pansin.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya, ate." Sabi niya nang tuluyan na siyang makapasok sa kotse ko.
"Alam ko, just make sure that you don't cry around me." Irita kong sabi sakaniya bago sinimulan ang pagmamaneho ko.
Buti nalang ay wala si Shiela sa bahay nila dahil may inaasikaso ito sa trabaho niya, kaya naman mas napadali sa amin ang pag-alis ng hindi niya nalalaman. Hindi nga lang namin alam kung anong oras siya babalik.
Huminga ako ng malalim at ibinaling ang atensyon ko sa daan. Kahapon pa na-text sa akin ni Summer ang venue ng concert nila Zayne. Hindi naman ito ganun kalayo sa amin, kaya malipas ang ilang minuto ay nakarating na kami dito.
Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang kapit ko sa manibelo. Magsasalita pa sana ako ngunit pagtingin ko sa tabi ko ay nakita ko na lumabas na si Summer sa loob.
Great, mukhang wala ng atrasan to.
Pagkababa ko ng kotse ko ay halos mahilo ako sa dami ng tao sa lugar na ito. Open air yung concert nila kaya naman talagang kumpulan yung mga tao dito.
"Woah, hindi ko alam na ganito kadami yung fans nila." Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid ko.
Halatang halata na papunta sila sa concert nila Zayne dahil sa mga damit at banner na dala dala nila. May mga nakita pa nga ako na tarpauline kung saan nakalagay ang mukha ni Zayne. Agad na umasim ang mukha ko dahil dito.
"Tara na!" Sigaw sa akin ni Summer bago ako hinila patungo sa nagkukumpulang tao sa harapan ko.
Nagpahila nalang ako sakaniya hanggang sa makarating kami harapan. Hindi ko alam kung paano niya nagawa yun sa kabila ng sobrang daming tao dito. Napatingin ako sa kinatatayuan ko at napagtanto na hindi ito ganun kalayuan sa malaking stage na nasa gitna. Walang upuan dito sa baba ng stage kaya nakatayo lang lahat ng tao. Maya maya pa lamang ay unti unting dumadami ang tao sa paligid ko kaya naman tuluyan na kaming nagsisiksikan dito.
"This is gonna be so fun!" Sigaw ni Summer na tumatalon talon pa. Bumuntong hininga ako at sinimulang paypayan ang sarili ko. Nagsisimula na kasing uminit dahil sa dami ng tao sa paligid ko.
Bakit ba kasi dito nila naisipan ganapin yung concert nila?
Naghintay kami ng ilang mga minuto bago nagsimula ang count down. Agad akong napapikit dahil nang mas lalong umingay yung paligid ko. Ang ingay na nga ng malalaking speaker sa paligid namin dinagdagan pa nila ng mga hiyawan nila. Pakiramdam ko tuloy ay mababasag na eardrums ko.
I began to hear people screaming different names as they watched the count down on the big screen before us. Habang tinititigan ko ang malaking screen sa harap ko ay mas lalong lumalakas ang pagtibok ng puso ko.
"3!"
"2!"
"1!'
Maya maya pa lamang ay narinig ko na ang malakas napagtugtug ng drums. Agad akong tumingala sa langit at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na medyo madilim na pala. Nang muli kong ibaling ang paningin ko sa stage ay agad kong nakita ang pagtapat ng spotlight kay James na kasalukuyang nag d-drums. Mas lalo tuloy lumakas ang mga sigaw ng tao sa paligid ko.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomanceGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...