Kabanata 3

16K 357 20
                                    

Kabanata 3

Eat

"Tali, bilisan mo!" Tawag ni Kuya Argus.

Pinilit kong ibinibilis ang pagsisintas ng aking sapatos. Bihis na si Kuya at handa na para sa aming weekend work out. Nang matapos kong isintas ay kaagad akong tumayo at bumaba. Bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Kuya Argus. Ang kanyang makapal na kilay ay nagsasalubong.

"Ang bagal bagal mong kumilos, Tali." Naiinis na nitong saad.

Hawak ang kanyang tumbler ay nauna na ito sa warm up sa harap ng bahay para sa aming jogging. Nang makalabas ako ay bumungad sa akin ang malamig na hangin. Madilim pa ang kalangitan ngunit mayroon ng sumisilip na sinag ng araw. It's already fivr thirty in the morning. Dapat ay kanina pa kaming alas sinco nagsimula ngunit napasarap ang tulog ko kaya nakabusangot nanaman si Kuya Argus.

I jogged slowly following his trail on the side of the road. Rinig ko ang masiglang beat ng tugtog mula sa aking earphone. Sinabayan ko ang ilang lyrics ng kilalang kanta habang humahakbang. i concentrated on my breathing.

Nang makatapos na kami ay kaagad kaming bumalik sa bahay. Nasa tarangkahan palang kami ay naamoy ko na ang iniluluto sa loob ng bahay. Naglakad na ako papasok at dumiretso sa kusina but I immediately halted when I came face to face with Cami. She smiled widely at me.

Parang nawalan na ako ng gana.

"Good morning!"

Masigla ang kanyang boses habang nakangiti at sinusundan ako ng tingin. Naglakad ako patungo sa refrigerator at kumuha ng tubig. Isinalin ko ito saka ininom. Wala sana akong balak na sagutin siya.

"Morning." Walang emosyon kong sagot.

Pinanood ko ang kanyang reaks'yon. Her sweet smile slightly faded at my cold treatment. She even sighed before turning her gaze at me, again.

"I cooked breakfast." Anito.

Halos dalawang linggo na ng matapos ang kasal nila ni Daddy at nagdesisyun sila na dito na muna titira. That's why I am eager to get my own condo unit so I can get myself out here. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masabi ko pa ang alam kong kalantari niya.

Tumikhim ako saka tumalikod.

"I won't eat here."

Rinig ko pa ang pagpoprotesta niya ngunit hindi ko na siya pinansin at dumiretso nalang sa taas. Papasok na ako ng masalubong ko si Daddy na kakalabas lang ng kanilang kwarto.

"Oh? Let's eat breakfast." Pag-aaya niya.

I kissed his cheeks before looking at my watch. Pretending that I don't have time for breakfast.

"Unfortunately, I have my appointment with the doctor for my monthly check up, dad."

"Kahit kaunti lang, hija." Saad ni Daddy.

Ngumiwi ako at umiling.

"Mag-aayos pa ako, dad. I don't have enough time for that. I'll just grab anything on my way, later." I dismissed, not giving him time to complain.

"Okay, then. But I'll make your tita pack something for you." Pahabol niya.

Hindi na ako nagprotesta dahil mas hahaba lamang ang usapan kapag tumanggi pa ako. Kung gusto ko ng makaalis ay dapat lang na manahimik nalang ako.

Nang makarating ako sa maliit na hospital ng Altagros ay kaagad akong hinarap ni Nurse Letty.
Her dimples are showing everytime she smiles at me.

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon