Kabanata 16

13.7K 300 7
                                    

Kabanata 16

Upset

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tulog pa si Migo ng magising ako. He's sleeping peacefully on the couch. Ang buong katawan niya ay bitin sa haba ng sofa. He's too big. Ipinilig ko ang ulo ko at nagsimula ng mag-ayos. Nagshower at nagbihis.

Nang makababa ako ay nadatnan ko si Camilliane sa kusina. Agad na pumangit ang timpla ng mood ko. I rolled my eyes and ignored her.

"Kamusta, Talitha?" she asked. Nakangiti ito ng bahagya, nag-aalangan.

Kung noon ay itinatago ko ang pagtataray ko sa kanya, ngayon ay harap harapan koi tong ipinakita sa kanya. Inirapan ko siya.

"Mind your own business," I said harshly.

Nawala ang ngiti niya ng dahil sa sinabi ko. Inayos niya ang pinggan sa kanyang harap. Inabot ko ang coffee maker at nagsimulang paandarin ito.

"Nagtatanong lang naman ako. Why are you so mad at me?" She added. Nag-init ang ulo ko sa narinig.

At tatanungin niya pa ako kung bakit ako naiinis sa kanya? Eh, kung sabihin ko kayang galit ako sa kanya kasi pinakasalan niya si daddy. Na galit ako sa kanya kasi may relasyon sila ni Migo kahit na pareho naman silang may asawa. Same unfaithful person.

"In the first place, hindi naman talaga tayo magkakasundo, Camilliane. If you're hoping that one day I'll finally accept you then, think again." I spat.

Hindi ko na mapigilan ang pagiging suplada ko. That conversation last night triggered me. Ang mga walang hiya, sa gabi pa ng kasal ko!

Buong araw ay hindi maganda ang mood ko kay Camilliane. Napansin ito ni Kuya Argus.

Pinagsabihan niya ako ngunit hindi na kagaya ng dati. Iniiwasan ko rin si Migo. Kanina pa ito pasulyap sulyap sa akin nang magkaroon kami ng barbeque party sa bakuran pero hindi ko siya pinansin at ipinagwalang bahala ang malalalim niyang titig.

I invited my cousins. Si Yazzi, Kael, ate Lira at Kuya Oli lamang ang nakarating. Si Dashiel ay maglakad kaya hindi makakapunta.

"Kanina pa pasulyap sulyap, oh!" inginuso ni Yazzi si Migo na nakaupo sa mahabang mesa na inihanda namin.

Kasama niya ang ilan pang mga pinsan ko at sila Kuya. Dad and Cami are also there. Tumatawa sila sa sinasabi ni Ate Lira pero si Migo ay seryoso lamang na sumisimsim sa kanyang baso at patingin tingin sa pwesto namin ni Yazzi.

Umirap ako sa kanya ng magtama ang paningin namin. Nagtiim bagang ito. I even give him a mocking smile. Akala niya siya lang kayang magsuplado? Kaya ko rin.

"Patay ka." Humalakhak si Yazzi habang pinapaypayan ng baga at binaliktad ko naman ang hawak kong barbeque para ang kabila naman ang maluto. Nilingon ko si Yazzi.

Umiiling ito at nakangisi na ipinagtaka ko. Magtatanong pa sana ako pero nakuha ko na ang tinutukoy niya ng makita ang nakatayong tao sa tabi ko. Tindig palang ay alam ko ng si Migo ito. Nagsimula nanamang magtambol ang dibdib ko.

"Talitha." Ang baritonong boses nito. I am supposed to look at him but I keep my gaze at the barbeque that I am holding.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Yazzi sa ginawa ko. Gusto ko man itong irapan ay hindi ko magawa dahil pinapanood ako ni Migo ang kilos ko. I am damn nervous!

"Talitha. Look at me." Mahina nitong saad. His voice is itched with authority."

"Luto na 'to. Dadalhin ko lang sa lamesa." I said trying to escape. Kinuha ko ang nag-iisang stick ng barbeque at tumalikod sa kanila.

"Are you mad at me?" Napatigil ako sa kanyang tanong. Malakas ang boses niya at narinig ito ng mga naroon.

Tumingin si Dad sa akin patungo kay Migo. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa aking siko at hinila ako paharap sa kanya. Tinitigan niya ako bago kinuha ang hawak ko at inilapag sa lamesang malapit sa amin.

"Excuse us." Paalam niya sa mga naroon at tuluyan na akong hinila palayo.

Nang makapasok sa bahay ay akala ko sa sala lamang kami ngunit hinila niya ako sa kusina at ipinanghila ng high stool. Umupo ako at hindi umimik. Kumuha siya ng fresh juice sa ref at inilapag ito sa aking tabi kasama ang baso. Nagsalin siya sa baso at iniabot pa ito sa akin. Tiningnan ko ito at ang mukha niya. Is he playing with me? Dadalhin niya ako ditto para uminom ng juice?

Inilapag ko ang baso.

"Are you mad at me? Kanina mo pa ako iniiwasan." Napapaos niyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin bago tumikhim.

I can't tell him that I overheard their conversation last night. Ano na lamang ang iisipin niya sa akin kapag nalaman niya ito. I need to make a reason to divert.

"Bat naman kita iiwasan?" pagbabalik ko sa kanya.

Naghila siya ng upuan at mas inilapit ito sa akin. Umupo siya at humarap sa akin. Sa lapit niya ay nararamdaman ko ang tuhod niya sa aking likod. Sobra ang tibok ng puso ko at kung hindi kakalmahin ay hihingalin ako. And that will embarrass me! Huminga ako ng malalim.

"What's wrong, then?" bulong niya.

I almost wavered when I feel his hand tucked the strands of my hair behind my ear. Napapansin kong nagiging libangan niya na ito. Ang kanyang kamay ay tumigil sa dulo ng aking buhok at pinaglaruan ito.

"Wala. Naisip ko lang iyong girlfriend mo. Malamang ay galit na ito at baka magfile pa ng divorce!" eksaheradang sambit ko sa kanya.

What if Cami will do that? Naiimagine ko itong nanghahanap ng abogado para sa divorce papers namin ni Migo. Nanghina ako. Probably, Migo would sign that without hesitation! Pero paano naman si Dad? Iiwan ito ni Cami? Damn her.

"Hmm? Bakit mo naiisip yan? At wala akong girlfriend, Tali." Mahina niyang saad at nilalaro parin ang aking buhok. Will he stop that? it's distracting me!

"Itinatanggi mo lang yan. Ramdam kong may girlfriend ka, Migo." dagdag ko.

Natatawa itong nakatingin sa akin. I drink the juice before glancing at him but immediately look away. Hindi ko matagalan ang makipagtitigan sa kanya. Kinakabahan ako.

"Instinct?" he laughed. Umiling ito at mas inilapit ang upuan niya na ikinataranta ko.

"Lumayo ka nga!" hindi ko napigilang sabihin sa kanya at bahagya siyang itinulak.

Nagulat ito pero sa huli'y tinawanan lamang ang reaksyon ko.

"My baby is upset and doesn't want me near, huh?." He murmured in my ears. His voice itched with amusement.

Napakabilis na ng aking tibok ng puso. That endearment sound so good to me. Para itong humihile sa aking tainga.

  

Ano ba Talitha Armelle! Huwag kang bibigay sa 'baby-baby' niya sayo!

Huwag kang marupok, gaga!

Kinilabutan ako sa klase ng pagkakabulong niya. I feel something in me arouse. Paano niya ba nagagawang baliwin ako ng ganito? Damn. I think I'm falling.

"Don't call me baby. Lalo kapag mayroon ka ring tinatawag na ganyan. Huwag mo akong igaya sa mga babae mo." I said harshly at him.

Imbis na magalit ay nanatili ang nakangiti niyang ekspresyon na mas ikinaiinis ko but right after he muttered his words I feel my heart fall. Fall so deep.

"Don't worry. Ikaw lang ang tatawagin kong baby. And someday, our children." He whispered huskily.

Namilog ang mata ko at hindi na nakapagsalita. I am so lost for words. Hindi nagpoproseso ang utak ko at paulit ulit lamang na naglalaro sa isip ko ang huling sinabi niya kasabay ng malakas na tibok ng puso at mga kiliti sa aking sikmura.

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon