Kabanata 35

15K 307 4
                                    

Kuya

Kinahapunan ng araw na iyon ay naging abala ako sa pag-aayos para sa welcome party mamayang gabi. I wore a white maternity dress that Migo gave. Pinagtalunan pa namin kanina ang pagdalo namin sa party. Ipinipilit niya kasing huwag na kaming magtungo pero ipinilit kong tutungo kami kahit dalawang oras lang.

Kaya pagkalabas ko ng silid ko ay ang nakasimangot niyang mukha ang una kong nakita.

“Why does it looks so short to you?” maktol nito habang pinapasadahan ako ng tingin.

Agad kong naramdaman ang pagkailang mula sa titig niya. Kinikilabutan ako sa tuwing tumitigil ang titig niya kasabay ng pagpungay ng mga ito.

Tumikhim ako at hinaplos ang tyan ko. Ilang buwan nalang ay lalabas na baby ko. Excited na ako.

“Okay lang naman ang haba. But it seems short because of my baby bump.” Nguso ko sa kanya.

Pakiramdam ko ay ang taba taba ko na. may pag-asa pa kayang bumalik ang dati kong katawan?

Pagtingin ko ulit kay Migo ay nakangisi na ito sa akin at titig na titig.

“Hmm, let’s stay here. Huwag nalang tayong pumunta.” Masuyong sabi nito habang naglalakad palapit sa akin. Heto na nanaman siya sa gusto niya.

Ang mabilis na pagdapo ng kamay niya sa aking baywang ay kaagad kong pinalis paalis doon. Kinikilabutan ako at nag-iinit sa hawak niya. For sure ay dahil ito sa hormones. Napatigil ako ng maramdaman ko ang kanyang labi sa aking labi. He’s nibbling my lips softly. Ang malambot at magaan niyang halik ay humihila sa akin para pumikit at pakiramdaman ang malamyos niyang halik.iniikot ko ang mga braso ko sa kanyang batok para sumuporta. I moaned when he bit my lower lip. Agad kong naramdaman ang pagngisi niya habang magkadikit parin ang labi namin. I immediately feel the heat in my cheeks when I realized my reaction to his kisses. Agad kong binawi ang aking labi mula sa kanya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at naglakad patungo sa kusina para itago ang kahihiyang ginawa. Narinig ko pa ang halakhak niya at pagtawag sa akin na hindi ko pinansin.
Nagsasalin ako ng tubig sa aking baso ng marinig ko ang doorbell na agad na agad na sinagot ni Migo. Boses kaagad ni Silas ang narinig ko.

“Armelle! I bought strawberries for you!” rinig kong sigaw nito mula sa entrance ng villa. Agad naman akong napangiti sa kanyang sinabi.

Magkasunod na pumasok ang dalawa sa kusina. Nakalapit kaagad sa akin si Silas at inabot ang isang balot ng strawberries. Akmang yayakap na ito ng bigla siyang hilahin ni Migo palayo sa akin. Agad na nakapwesto sa harap ko si Migo, tinatakpan si Silas para hindi makalapit.

“No hugging.” Ani Migo.

I rolled my eyes at him. Masyado naming makabakod ito.

Tumawa si Silas at kumindat sa akin bago ito naupo sa isang stool sa kusina.

“Sasabay ako sa inyo patungo sa venue. Wala akong dalang date kaya sa inyo nalang ako makikikabit.” Napangiwi naman ako sa sinabi ni Silas.

Naalala ko si Cami. Urgh!

“Huwag nalang kasi tayong pumunta.” Bulong ni Migo habang pinapanood akong dumampot at umain ng dalang prutas ni Silas. Umiling ako sa kanya at hindi na sumagot pa sa halip ay iniumang ko sa kanyang bibig ang isang piraso ng strawberry na hindi ko pa nakakagatan. Agad na bumaba ang tingin niya doon at walang alinlangan niyang sinubo habang nakatitig sa akin. He even winked at me making me blushed based on the heat that I feel in my cheeks.

“Urgh! Daming langgam, bwisit!” biglang saad ni Silas na nakapagpalingon sa amin.

Padabog itong naglakad paalis ng kusina. “Kapag ako talaga nagkagirlfriend!” rinig ko pang sabi nito bago mawala sa paningin namin. Napahalakhak ako sa kanyang tinuran. Gwapo naman si Silas. Hindi ko lang alam kung bakit wala itong girlfriend. Nilingon ko si Migo na nagkibit balikat lang sa akin.

Matapos kong kainin ang prutas ay nagpasya kaming magtungo na sa El Fredo ng mas maaga. May ilang bisita na doon at handa na ang ilang magseserve.

Nilingon ko ang pwesto ng table namin nila Ate Ressa at doon sila nakitang nakaupo na at abala sa pag-uusap. Ang mahigpit na hawak ni Migo sa kamay ko ay kaagad kong hinala patungo sa aming pwesto. Si Silas naman ay may kausap na mga bisita sa medyo harap.

Inilibot ko ang paningin ko sa venue para tingnan kung narito na ba iyong may-ari ng El Fredo. Nakikita ko lamang iyon sa ilang litratong nakapaskil sa mismong reception kasama ang buong pamilya nila. Ang sabi ni Ate Ressa ay binata pa ito at panganay sa kanilang tatlong magkakapatid.

Nung una nga ay inaasar pa nila ako na gawin kong boyfriend iyong may-ari na tinatawanan ko lang. Ngayon alam na nilang may asawa na ako ay tinawanan nalang nila ang pang-aasar noon.

"Armelle, Miguel! Dito kayo!" Tawag ni Ate Chrissy sa amin.

Agad naman akong ngumiti at tumango sa kanya. Nag hila ng upuan si Migo at doon ako iginiya paupo.

"Si Sir Silas?" Tanong ni Ate Chrissy pagkaupo namin.

Kinunutan ko ito ng noo.

"May dala kasing siyang kaibigan niya dito kanina, hinahanap na siya. A'yon oh!" Itinuro ni Ate Chrissy doon sa binatang nakatalikod sa amin at nakaupo lamang sa kabilang mesa. Agad akong nanlamig at nanigas sa aking kinakaupuan.

Oh God!

Sigurado ako.

Pamilyar na pamilyar sa akin ang ganyang likod. It's Kuya Argus!

Ang matipunong balikat ni Kuya Argus iyong nakikita ko.

"Are you okay?" Biglang tanong ni Migo.

"Si Kuya..." Mahina kong sagot. Rinig ko pa ang biglang pagtayo ni Migo at sinundan ang tingin ko.

Hindi ko alam kung naramdaman niya ba ang titig ko. Bigla itong lumingon sa aking pwesto. Agad na nagtama ang paningin namin. Right then, my tears fall. Ang luha ko ay tuloy tuloy na nahuhulog habang nakatitig ako kay Kuya. I miss him so much.

"Talitha." I saw him mouthed at me.

He smiled at me. I smiled at him while crying.

Tumayo ito at tuluyang naglakad palapit sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang paglapit ko sa kanya. I miss him so much. I hugged him. Agad itong yumakap sa akin.

"Nawala ka lang ng ilang buwan nabuntis ka na nitong gago." Bulong niya kaagad sa akin na nakapagpatawa sa akin.






Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon