Kabanata 17
Family
"Take care, hija. Dumalaw kayo rito palagi ng asawa mo." Si Dad.
My cheeks heated at what he said. Asawa ko. Hm. Now I can say that he can't escape. Makikipagdivorce man siya ay hindi ako papayag. I won't sign those damn papers in the future. No way. Magkamatayan muna bago ko hayaang magsama sila at siraing pareho ang buhay namin ni Dad.
"Dito nalang kayo tumira." Kuya added. Ngumiwi ako sa sinabi niya.
Hindi magandang ideya ang magsama sa iisang bahay si Migo at Cami. That would definitely make their way to each other easier. Umiling ako sa sinabi ni kuya but before I can answer, Migo answered.
"May bahay ako, Argus. Doon ko ititira ang kapatid mo. I want her all by myself." He added.
Halos masamid ako sa sinabi niya. What the hell is he saying? All by him self, ha! Baka naman si Cami ang tinutukoy nitong ibabahay! Gago!
Kuya groaned at that and daddy laughed. Ang mukha naman ni Cami ay namumula at nakakunot ang noo. I glanced at Migo who's standing on my side. Nakangiti ito ng bahagya.
"Of course, hijo! Argus don't be ridiculous. Malamang ay bubukod sila ng bahay!" Daddy answered at them.
I mentally rolled my eyes at their conversation.
"Huh! I am starting to regret letting her marry someone." Kuya said harshly.
Bumuntong hininga si Migo at hinaharap ako. Ngumiti ito at malamlam ang mata.
"Argus! Mabuti ngang humanap ka na rin ng girlfriend mo!" Daddy said. Tumawa ako ng makita ang pagsimangot ni Kuya sa sinabi ni Daddy.
Kuya is not yet ready to settle down. Ang sabi niya sa akin ng minsang tinanong ko siya ay hindi pa niya nakikilala iyong para talaga sa kanya. Kahit na maraming nagkakandarapa sa kanya ay hindi naman nito binibigyang pansin.
"Stop being grumpy, Kuya. Dadalawin naman kita rito." Pang-aasar ko pa sa kanya saka siya niyakap at hinalikan sa pisngi.
Kahit na parang napipilitan ay niyakap rin niya ako pabalik. He sighed and nodded. Bago pakawalan ay bumulong pa ito.
"Come on. We can run away! Ilalayo kita sa gagong yan." Kuya whispered in my ear. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Kuya!" I warned. Humalakhak lamang siya.
"Just kidding. Pero kung gusto mo, we can do that." He added. Tumawa na lamang ako at umiling sa kanya.
Inihatid nila kami sa labas ng bahay. Dala ni Migo ang ilang gamit ko at ang iba pa ay nakasakay na sa isang van na ipinadala niya kanina para kumuha ng gamit ko. Pinatunog niya ang kanyang SUV at ipinasok ang aking maleta. I faced Dad and Kuya again. Si Cami ay nasa likod ni Daddy at nakatanaw lamang. I smirked at her na agad naman niyang iniwasan ng tingin.
Kumaway na ako kila kuya at lumapit sa sasakyan ni Migo. Hawak niya ang pinto sa passenger seat. Pumasok na ako doon at inayos ang sarili. Nang makapasok siya sa loob ay agad kong nalanghap ang kanyang amoy. I inhaled it deeply. Sa tingin ko hindi bumabaho si Migo. He always smells so good habang ako ay kailangan pang maglagay ng mamahaling pabango para magkaroon ng mabangong amoy. I can't really figured out my natural scent. Ngumiwi ako sa naisip.
He maneuvered the car, bumusina pa ito ng dalawang beses bago makalabas ng gate ng bahay namin. I glanced back and watched them smile at the car. Nang mawala sa paningin ay bumalik ako sa aking pagkakaupo.
"I want my own room." Pagsisimula ko.
Hindi ko kasi talaga lubusang maisip na magkasama kami sa iisang kwarto. I'd rather have my own room. Seryoso itong nakatingin sa daan at kunot ang noo.
"I thought we already discussed that." He said seriously.
Umiling ako sa kanya at hinarap siya.
"Gusto ko ng sarili kong kwarto. I won't stop bugging you until you give what I want!" Pagpupumilit ko.
"Your Kuya spoiled you so much." Bulong niya na narinig ko ng malinaw.
Agad na uminit ang ulo ko. Did he just say that I am a spoiled brat!
"Ano?! I am not spoiled!" Mataas kong saad. I crossed my arms.
"Uhuh." He said while changing the gear. Hindi ko napigilan ang pagsunod ng tingin ko sa kanyang kamay. His muscles are in the right places. Is he regular in a gym?
"Hindi talaga." I said convincingly.
"Kung ganoon, doon ka sa kwarto ko. Sa kama ko. Sa tabi ko. Isn't that what's husband and wife do?" Paglilinaw niya.
Sa halip na malinawan sa kanyang sinabi ay mas lalo lamang naghurumentado ang isip at ang letse kong puso! Slowly, images of us cuddling and sharing each other's warmth bring me to the edge of my emotions. I cursed in my mind.
Hindi ko na siya sinagot pa at pinili nalang na manahimik sa aking pwesto. Nang makarating kami sa bahay niya ay sumalubong ang kanyang kasambahay. Manang Mona smiled widely at us. Ipinarada ni Migo ang kanyang sasakyan sa gilid lamang. Before he opened the car he narrowed his eyea at me.
"I'll open the door." He said. Hindi na niya ako inantay pang sumagot at lumabas na.
Binuksan niya ang aking pinto at inalalayan akong lumabas. My heart fluttered at his simple gesture.
I muttered my thanks and walk to Manang Mona.
"Napakaganda naman ng asawa mo, hijo." Ani nito.
I feel my cheeks burn at what she said. Ang makatanggap ng komplimento mula sa ibang tao ay hindi ako kumportable. I feel so embarrassed.
I glanced at Migo who's walking toward us holding my suitcase. He smiled at the old woman. Hindi ko napigilan ang ngiti na kumurba sa aking labi.
Hindi na ito sumagot at iginaya na kami papasok sa loob ng bahay. Manang mona walked straight to the kitchen. Sinundan ko si Migo na patungo sa taas ng bahay. Nang tumapat kami sa isang pinto na sa palahay ko ay kwarto niya. Humarap ito.
"Our room." Saad niya bago binuksan ang silid. Tiningnan ko ang loob pero hindi ako pumasok. Hila niya ang aking maleta at nang napansin niyang hindi ako sumunod ay lumingon siya at tinaasan ako ng kilay.
Umiling ako sa kanya. "Sa guest room nalang ako, Migo."
Kunot noong bumalik siya sa aking pwesto. Walang sabi sabi niya akong hinila papasok. Sa laki niya ay wala akong nagawa kung hindi ang magpadala sa kanya.
"You'll stay here. End of discussion." Masungit nitong saad at iniwan akong nakatayo sa gilid ng kanyang kama. Pumasok ito sa bathroom.
I relaxed my body and laid on his soft bed. Out of tiredness, my eyelids become heavy. Ang huli kong naalala ay ang paglapit ni Migo sa aking pwesto at pagtitig niya sa akin. He muttered something but I did not catch it.
Nang magising ako kinabukasan ay kaagad kong inilibot ang paningin ko sa kwarto. The other side of the bed is clean and untouched. Wondering where Migo slept last night I sniff the pillow next to mine. Hindi ko alam kung natural lang ang amoy ni Migo na naroon o ito'y mula sa kanya kagabi. Shrugging my thoughts, I started to fix myself.
Humihikab akong nagtungo sa kusina. Sumalubong sa akin si Manang Mona. Nag-aayos ito ng pinggan sa lamesa. Agad ding nalipat ang tingin ko sa mga nagtatawanang Madridejos na papasok sa kusina.
"There she is! Kuya Migo! She's so pretty!" a beautiful girl said. She's young. Maybe seventeen of eighteen.
Yumakap ito ng mahigpit sa akin na ikinagulat ko pero kalaunan ay nginitian ko rin. I pinasada ko ang tingin ko sa mga naroon. Ang mga pinsan niya ang naroon. Sa likod nila ay si Migo na tahimik lamang kaming pinapanood.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)