Kabanata 31
Scared
Halos magsalubong na ang makakapal na kilay ni Migo. Kanina pa ito nagpupumilit na huwag akong pumasok sa El fredo. Hindi ko naman daw kasi kailangang magtrabaho lalo na't buntis ako. But I can't really do everything he wants. Wala pang malinaw na dahilan sa akin. Hindi ko pa alam kung anak niya ba iyong ipinagbubuntis ni Cami noon. Hindi ko rin kayang tanungin pa.
"Please, baby? Hindi mo namang kailangang magtrabaho." Nakasimangot na saad nito habang pinapanood akong nagsusuklay ng buhok ko.
Inilapag ko ang suklay sa harap ng salamin sa loob ng kwarto ko at hinarap siya. Ang suot nitong puting sando at itim na boxer ay mas nagpapadepina ng kanyang malaking katawan. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Not because you're here I'm stopping my daily routine, Migo. Kung hindi ka pabor ay bumalik ka nalang sa Altagros."
"I'm not going anywhere. Kung saan ka doon ako." Maagap niyang sagot.
"Wala ka namang gagawin rito, Migo. Umuwi ka nalang. I'm staying here." Pagmamatigas ko.
"Okay, fine. I'll let you work but I'm going with you!" Frustrated nitong sabi.
Mabilis siyang kumuha ng damit niya at pumasok sa bathroom para magshower. Hindi ko na siya napigilan sa balak niya.
Habang naglalakad kami patungo sa El Fredo ay tahimik itong sumusunod sa akin. I can feel his eyes following me.
It's strange that I can feel his eyes looking at me even I am not looking at him. Ramdam ko. Maybe, instinct?
Nakangiti ako at magaan ang pakiramdam habang papasok sa El Fredo. Bumungad sa akin si Samuel na naglilinis kasama si Ate Chrissy sa reception. Agad silang ngumiti sa akin nang makita ako. Sabay rin silang tumingin sa likod ko ng tumunog ulit ang bell ng pinto at sa palagay ko'y sumunod papasok si Migo.
"Sir Miguel!" Gulat ang boses ni Samuel at parang hindi makapaniwala sa nakita.
Nagtaas ako ng kilay ng dahil doon. Kilala niya si Migo?
Nilingon ko si Migo. I saw him mouthing something at Samuel but when he feel my gaze agad siyang ngumiti na tila walang alam sa nangyari.
"You know him, Samuel?" Maagap kong tanong.
Kinakabahan namang tumingin sa akin si Samuel. Nagkamot ito ng kanyang ulo bago lumingon ulit kay Miguel.
"Uh... Ano kasi ma'am, siya iyong---"
"Napagtanungan ko lang siya ng address noong unang punta ko rito, Tali." Migo said. Nakangiti ito sa akin.
Tinaasan ko ito ng kilay. Bat parang hindi kapanipaniwala iyang sinasabi niya?
Umiling ako at hinayaan sila. Dumiretso ako sa pwesto ko at naupo.
"Dapat ay nagpahinga ka na muna, Armelle." Lumapit si Ate Chrissy at nag-abot ng isang baso ng juice.
I smiled at her. Kinuha ko ang baso at sumimsim doon.
"Ayos lang po. Wala rin namana kong gagawin sa villa. I'd rather stay here." Ngiti ko.
Lumingon siya kay Migo na kausap si Samuel. She wiggled her brows and smiled maliciously at me. Napangiwi ako.
"Di mo sinabing gwapo at macho pala ang asawa mo!" Halakhak niya.
Nag-init ang mukha ko roon. Kailangan pa ba iyong sabihin?
"Hanggang kailan siya rito?" Tanong ulit ni Ate Chrissy at naupo sa upuang nasa tabi ko. Nakaharap ito at malawak parin ang ngiti.
"Pinaaalis ko na nga, Ate. Ayaw lang." Irap ko.
Suddenly, remembering our arguing early in the morning.
"Naku, mukhang wala namang balak na iwan ka pa niyan rito. Tsaka sa kanya pala iyong puting sasakyan? Matagal ko ng nakikita iyon rito, ah?" Tanong pa ni Ate Chrissy.
As she said that, I immediately remembered the car. At minsan ko pang nakitang bumaba roon si Samuel! At si Samuel rin iyong nagbibigay ng mga pagkain sa akin kahit hindi ko namans sinabi sa kanya na gusto ko iyon. Maaari kaya? Maaaring kay Migo galing iyon? Kay Migo galing iyon!
Then that means that he already know that I am here. Simula palang! Pagkatapos kong malaman na nagdadalang tao ako ay nagsimula na rin ang pagbibigay niya noong marshmallows at Strawberries!
Napatayo ako roon. Mabilis ang tibok ng puso ko at gulat sa naiisip.
Damn. Nagtatago pala ako sa wala!
"Migo!" Hindi ko napagilan ang malakas kong boses.
Mabilis itong lumingon sa akin. Nagtigil ang kanilang pag-uusap ni Samuel saka nagtatakang lumingon sa akin. I saw how his expression from questioning to concern.
Mabilis itong nakalapit sa akin ng ilang hakbang lang.
"What? Why? May masakit ba sayo?" Taranta niyang tanong habang hinuhuli ang kamay ko at tinitingnan kong may mali ba sa akin.
Mabilis akong umiling. I am overwhelmed by his reaction. He really cared, huh?
"Nothing's wrong." Hinarap ko siya ng mabuti at tinitigan ang kanyang asul na mata. Huminga siya ng malalik na tila kumalma sa sinabi ko. "Thanks god." Bulong niya. I almost smiled at that but I stop my self.
"Tell me, ikaw iyong nagbibigay ng strawberries?" Walang pakundangan kong tanong.
Para itong nahuli sa kasalanang nawala ng bigalang mawala ang kulay ng kanyang mukha.
Tinitigan niya ako. After a minute he sighed heavily. Kinuha niya ang aking dalawang kamay gamit ang kanya at hinawakan ito ng mahigpit. My heart beats are fast and loud again."Please don't be mad." Humakbang siya palapit sa akin bago nagsalita ulit. "I am. Binayaran ko si Samuel para bantayan ka, Tali. I just can't stay in my car seeing you doing work and you're carrying our baby! I'll die because of worry."
Ang reaksyon ko dapat na magagalit ay napunta sa malaking ngiti. Hindi na nakayanang pigilan at itago ito. I didn't expect my reaction to be like this! Kinikilig ako!
Kahit na ganito ang nangyari ay natutuwa parin ako. Having someone who really cared makes me so happy.
"Ayokong mapahamak kayo ng anak natin. I want you to be comfortable that's why I did that." Malamyos ang boses niya at mapupungay ang mata.
My heart melts at the sight of him.
"Bakit hindi ka nagpakita, kung ganoon?"
He stared at me. Ang mata niya ay napalitan ng emosyong hindi ko inaakalang ipapakita niya sa akin.
"I'm scared that you'll run away from me. Like what you did. Please, don't do it again, baby. Promise me." Bulong niya.
My heart dropped. I never saw him like this. Iyong tila hinang hina at takot na takot na mawalan. I squeeze his hand. Sinalubong ko ang kanyang malamyos na titig. I sighed heavily and answered him with a nod.
No. I won't leave him again. Kung maulit man ang nangyari noon. Hindi ko na gaagawin iyong ginawa kong pag-alis. I'll talk to him first, but when he'll say that he doesn't love me. Then, that's my time to let go.
Alam ko rin sa sarili ko na nagawa ko iyon dahil sa takot ko. Sa takot kong mas masaktan pa kapag siya na mismo ang nagtaboy sa akin palayo. I can't take that. Hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)