Kabanata 8

13.7K 273 12
                                    

Kabanata 8

Type

Tahimik lamang kami sa aming paglalakad kasalungat ng maingay na alon ng dagat at ihip ng hangin na humahaplos sa aking balat. I watched him walked a little bit ahead of me. Medyo nauuna ito ng dalawang hakbang sa akin. Wearing his black shirt and faded maong pants he's walking like modeling his simple clothes. Kahit kaonti lamang ang liwanag na nagmumula sa buwan ay kitang kita ko siya sa aking harap.

I remembered when I was still a kid asking my mom how does love feel. Iyong pagmamahal ng kasintahan as I see my titas and titos get married.

"Oh, sweetie. You're too young to understand it. Love is magical and as long as you are happy and content then it is love. Someday, you'll experience it but for now, don't mind it. You understand?" mom said.

I smiled at the memory of my mom.

As long as I am happy and contented?

I have experienced having a relationship and found some happiness but am not really contented.

I wonder if I'll be experiencing that when the time comes. Paano kung kontento nga ako at masaya ngunit siya naman ay hindi? Paano matatawag na pagmamahal iyon kung gusto kong ipagdamot siya?

"Tali."

Nabalik ako sa aking sarili ng marinig ko ang baritonong boses ni Miguel. Tumingin ako sa kanya. Nakaharap na ito sa akin at malalim ang tingin. Hindi ako nakaimik.

"Are you okay?" Tanong niya habang pinapanood ako.

Tumango ako sa kanya at inilibot ang tingin. Napadpad ang tingin ko sa isang katawan ng kahoy na nakakalat sa paligid. Naglakad ako palapit doon at walang pasubaling umupo. Nakita ko pa ang pagsunod ng tingin niya sa akin bago sumunod sa aking inuupuan. Umusog ako para bigyan siya ng espasyo ngunit nagulat ako ng lumapit ito ng upo. Umusog ako ulit ngunit ginaya niya rin ang ginawa ko dahilan para matira ang halos kalahating dangkal ng espasyo. Kinilabutan ako sa kanyang presensya.

Napalingon ako sa kanya ng makita ko ang liwanag mula sa kanyang banda, nakita ko ang hawak niya phone. Nagtipa ito at nang mapansing nakatingin ako sa kanya ay pinatay niya ito bago bumaling sa akin ang atensyon.

"Your girlfriend texted you?"

Saad ko sa tanong na unang pumasok sa aking isip. Kumunot ang noo niya sa aking tinanong bago nag-isip ng malalim. He cleared his throat before looking away.

"What are you saying?" Matigas na saad nito. Nakakunot na ang noo.

Huh! Malamang itinext siya ni Cami! Alam ko 'yon. She's enjoying my dad's company and letting Migo around knowing that he still likes her and willing to follow what she wants.

"Baka hinahanap kana nun." Pagpupumilit ko.

"Wala akong girlfriend." Tanging sagot niya.

"Huwag mo ng itanggi." I added, provoking him.

"Ang sabi ko, wala akong girlfriend, Tali." Sambit niya. He seems pissed.

Tumingin ako sa dagat at gumawa pa ng konklusyon na maaaring makapagpaamin sa kanya.

"E'di nililigawan."

He glared at me before looking away again.

Aminin mo na kasi!

"Wala rin. Maliban sa'yo..." He muttered.

Natahimik ako. Seryoso ba talaga iyan? Sabagay, bakit pa siya manliligaw kung si Camilliane naman ang gusto at hinahabol habol niya hanggang sa ngayon kahit na may asawa na ito.

"What? Impossible! Sa itsura mong yan wala kang girlfriend at wala ring nililigawan?" Pagpupumilit ko pa.

He growled at me.

"What do you mean?" He asked looking intently at me.

"You're handsome and rich! Maraming nagkakagusto sayo panigurado!" I exaggeratedly say.

He looked at me. Thinking. Nakatitig lamang siya at naiilang ako sa titig niya. What?

"Hindi ko sila gusto." He said dismissing the topic.

"What? Anong gusto mo, kung ganoon?" I inquired.

"So, you cared now? As I remember you said a while ago that you did not care. A sudden change of mind?" He asked sarcastically.

I mentally slapped my forehead. So stupid, Tali!

"I don't care. Bahala ka nga!" Pagbabawi ko sa kahihiyan at tumayo.

He chuckled and pulled my hand causing me to sit on my spot again.

"Gusto ko iyong mahinhin, mabait, simple at hindi matigas ang ulo." He said while smiling.

Umirap ako sa kanya. That's Cami. P'wede naman akong maging mahinhin at minsan kaya ko ring maging masunurin. Mabait rin naman ako at sa tingin ko ay hindi naman ako ganoon kagarbo sa sariling pananamit? Para akong tanga sa aking mga iniisip.

"Wala akong paki!"

Lalo na akong naiinis sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay wala ako sa kanyang mga sinabi. Pakiramdam ko ay salungat ang kanyang gustong babae sa akin.

Why does it matter to me, anyway? Wala dapat akong paki! Dapat ko lang gawin ang plano ko! That's it! Hindi dapat ganito sa nararamdaman ko.

"How about you, Tali? What do you want?" He asked looking at me.

What do I want? I want someone who is loyal and faithful to his girl! Ayoko nung humahabol sa babaeng mayroon ng asawa at ipinipilit ang sarili! Ayoko!

"A loyal and faithful guy would do. Ayoko ng pumapatol sa mayroon ng karelasyon." I said mercilessly.

Hindi ito umimik at tila naestatwa sa kanyang pwesto. Nakatitig lamang ito sa akin habang matigas at nanlalaban naman ang tingin ko sa kanya.

Yes, I don't like your type, Migueleon Madridejos. I don't like it. I don't like you. I can't.

"Let's go back to your house." Bigla niyang saad at pinutol ang aming titigan.

I watched him stand from sitting. He took a step without glancing at me. Tumayo rin ako at sumunod sa kanya.

I hurt his ego, huh? Sige lang, Miguel. Isipin mo ang sinabi ko. Isipin mo ng mabuti.

Tahimik kaming nakabalik sa tinutuluyang bahay at nadatnan namin si Daddy at Cami sa sala na nanonood ng movie. They glanced at us. Pinanood ko ang pag-akyat ni Migueleon nang hindi lumilingon sa pwesto nila Cami. He's bitter?

Nang tingnan ko sila Cami ay sinusundan niya rin ng tingin si Miguel na paakyat sa silid nitong nakalaan sa kanya.

"Nag-away kayo? LQ?" Dad teased.

Umiling ako sa kanya saka nagpaalam na umakyat sa aking sariling silid. Ibinagsak ko kaagad ang sarili ko sa aking malambot na kama.

Hmm, how can I make my plan successful?

Nag-isip ako. Nang maalala ang isang pangyayari sa nabasang romance book ay napaayos ako ng upo. Am I crazy?

Paano ko naman gagawin yun? Damn. This is all crazy!

Hindi ko namalayan ang unti unting paghila sa aking ng pagod at antok. Ang huli kong iniisip bago makatulog ay ang gagawin kong plano bukas ng gabi. Hopefully, this will work.

I'm sorry, Migueleon.

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon