Kabanata 24
Lost
"Cami!"
Napalingon kaagad ang mga kasambahay sa malakas kong sigaw.
"Ma'am!" Sigaw ng isa sa kanila na hindi ko kaagad pinansin.
Patakbo kong inakyat ang hagdan namin at kaagad na pumasok sa kwarto nila Dad. Nadatnan ko doon si Cami na nagpapabalik balik ng lakad at halatang kabado. Nanlaki ang mata niya ng makita ako.
"T-Tali..." Rinig ko ang kaba sa kanyang boses.
I charged at her. Kaagad akong nakalapit sa kanya kasabay ng pagdapo ng kamay ko sa kanyang pisngi. Bumaling ang kanyang mukha sa lakas ng aking sampal. She hold her cheeks and looked at me, surprised.
Masama akong tumitig sa kanya. Nanginginig ang aking mga kalamnan sa inis, sakit at galit. Tears are forming in my eyes as well as her.
"Tali... It's not! It's not what you think!" Nanginginig ang kanyang boses.
Ang kanyang malamyos na boses ay puno ng pangamba.
I can't really stop myself. Kung hindi na ito tumawag pa o kaya'y nagpaparamdam sa asawa ko, siguro ay nakalimutan ko pa ang kanilang ginagawa at hindi na siya guguluhin pa. But right after hearing her plead to Migo. It makes me so hurt and angry.
Lalo pa akong nasasaktan sa tuwing iniisip ang mangyayari kung si Migo ang sumagot. Will he go to her?
"Magsabi ka ng totoo. Anong meron sa inyo ni Migo?!" Malamig ang boses ko at puno ng galit.
I ready myself for this, pero iba parin pala kapag nasa mismong pangyayari ka na.
"T-Tali..." She murmured.
Ikinuyom ko ang kamay ko at akmang lalapitan na siya ng magsalita siya.
"I'm so sorry... I'm sorry. Tali. I love him. I love Miguel!" Puno ng pangamba ang boses niya pero siguradong sigurado sa kanyang sinasabi.
Halos gumuho ang mga bagay na nabuo na sa pagitan namin ni Migo. Nanghihina ako. Pinilit kong palakasin ang loob ko. I need to do this.
"And Dad?! Niloloko mo siya!" Itinulak ko siya na naging dahilan ng pagkakaupo niya sa kama.
Humagulgol ito.
"I like your dad. I like him! Ang akala kong malilimutan ko si Miguel, pero hindi, Talitha. I really love him. Hindi ko siya kayang kalimutan!" Sigaw niya sa akin.
Halos mapamaang ako sa kanyang sinabi. What the fuck is this. How can she do that? Bat niya pa pinakasalan si Dad kung hindi naman pala niya mahal!
"Bullshit! Dapat hindi mo nalang pinakasalan si Daddy, kung ganoon!" I shouted.
Tumulo ang luha ko. I can't bare to see dad hurting again. Pero mas masakit na mawala sa akin si Migo. I can't imagine my life without him.
Ang tanga tanga ko para hayaang mahulog ako kay Migo kahit alam kung mali.
But I can't stop my heart. Sa tuwing pipigilan ko ang nararamdaman ko ay mas nahuhulog ako. So pathetic.
I glared at Cami.
"Nagkamali ako, Talitha... Your Dad courted me. Napressure ako sa family ko. They want me to marry your dad! Wala na akong choice!" She said.
Lalo akong nainis sa kanyang sinabi. Kumikirot ang aking puso at nag-iinit ang ulo. Damn her.
"Don't you even call my name! Ang kapal ng mukha mo para sirain kami!" I shouted at her.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)