Kabanata 28
Found
"Ate Res, kanino ba iyang puting sasakyan?" Tanong ko.
Ilang araw ko na itong napapansin. Minsan ay naroon, minsan ay wala. Ang nakakapagtaka kasi ay laging doon ito sa pwestong lagi kong nakikita. Kinilabutan ako. Hindi naman siguro tama ang iniisip ko. Napakaimposible.
"Baka sa turistang kararating, Armelle. Bakit? Nakaharang ba sa entrance?" Sinulyap niya ang sasakyang nakaparada sa harap.
Umiling ako.
"Hindi naman po. Napapansin ko lang." Ipinagwalang bahala ko.
Kinuha ko ang tambak ng tuwalyang naroon sa lagayan ng marurumi. Noong nakaraang kasi ay nasira daw ang washing machine ng El fredo. Kaya't hangga't kaya ay tumutulong ako sa paglalaba. Tinuruan ako nila Ate Chrissy at madali naman ito ang kaso ay nakakangawit.
"Doon ka nalang sa pwesto mo, Armelle. Sasakit ang likod mo rito!" Sita ni Ate Chrissy ng makita niya akong bitbit ang isang basket ng tuwalya.
"Ba't mo to binubuhat?!" Halos mapatalon ako ng makita si Samuel na tumakbo at inagaw ang basket.
Halos manlaki ang mata ko sa kanyang biglang pagkuha. Anong problema nito?
"Wala namang problema sa pagbuhat niyan, Samuel. Magaan naman at kaya ko." Paliwanag ko.
Agad niyang nailapag ang basket sa gilid ni ate Chrissy na nag-aalala narin.
"Ang tigas talaga ng ulo niyang si buntis!" Asar ng sabi nk Ate Chrissy.
Ngumiwi ako sa kanila. Mag-aanim na buwan na ang aking baby. Hinawakan ko ang tiyan.
"Kaya ko naman, Ate, Samuel. Huwag kayong OA." Biro ko.
Nakasimangot si Samuel at parang pikon na pikon sa kung ano.
"Huwag ka na ulit tumulong rito, Armelle. Doon ka nalang sa trabaho mo. Malalagot ako sa ginagawa mo, e." Ibinulong niya ang huling sinabi kaya hindi ko gaanong narinig.
Alam ko namang nag-aalala silang lahat sa akin. Pero wala namang mali. Alam ko naman ang ginagawa ko. I know where to stop. Pinakawalan ko ang hininga at tumango nalang saka naglakad sa aking pwesto.
Nabobored na ako rito. Konti lang ang turista ngayon dahil maulan kaya wala ako gaanong trabaho. It's a good thing, hindi ko kailangang magtagal ng hanggang gabi doon. Kaso nabobored naman ako dahil wala gaanong kausap sa reception.
Napapansin ko nitong mga nakaraang araw na gustong gusto ko ang makipag-usap. Maybe, I already adopted this treat. A polite and friendly one. Back then, I am aloof to people. Pero nang magsimula sa trabaho ay naging palakaibigan. Ang mga pinsan ko rin ay namimiss ko.
Doon ko naalalang magbukas ng social media account. Gagawa nalang ako ng dummy account.
Nang makagawa ay kaagad kong dinalaw ang social media account nila Yazzi at Dash. Iilan lamang ang post nila doon. Ang huli ay iyong sa isang party. Naroon silang lahat maliban sa akin. Si Kuya Argus ay seryosong nakatingin sa camera habang ang ilan pa sa pinsan ko ay nakangiti. I opened the comment box.Maraming comments doon. Natigil ako sa comment ni Yazzi nang may magtanong kung nasaan ako.
Yaz Ramirez
Umalis po si Tali. Pero babalik po iyon, sigurado.
Halos manginig ang balikat ko ng maiyak. I miss her so much. Si Kuya namimiss ko na rin. Hindi ko alam kung ano ang rason na sasabihin ni Dad kung bakit ako umalis. I abandoned them without saying anything.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)