Kabanata 19
Beats
"Hindi ito ang ibinilin ko sa inyo!" Inis kong saad sa aking trabahador. Si Mang Antonio ay umalis na sa trabaho dahil nastroke nitong nakaraang buwan.
Ang pumalit sa kanya ay hindi ko inaakalang magkakamali ng ganito. Ang kinuha kong materyales ay hindi nila sinipot at pinalitan ng hindi kilalang supplier. Malaki ang nalugi sa akin at wala ito sa budget. I groaned in frustration.
"Magtatanggal ako ng trabahador kapag hindi niyo 'to naayos!" Inis kong sigaw. I even throwed the papers in my big desk. Pasalampak akong naupo sa aking swivel at hinilot ang sintido. Hindi nakakatulong ang mabigat kong pakiramdam. Ramdam ko ang paparating kong lagnat o kaya'y trangkaso. Masakit ang lalamunan at ang aking mga kasukasuan.
"I expect all of these to be done tomorrow. You can go." I dismissed.
Ang tatlong worker ay nakayukong nagpaalam at lumabas ng aking opisina.
I groaned when I feel dizzy. Ipinikit ko ang mata ko at yumuko sa aking lamesa. Hindi ko namalayang nakatulog ako dahil sa sama ng pakiramdam. Nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang panginginig ng kalamnan ko.
Napapikit ako ulit ng maramdaman ko ang hilo ng subukan kong umayos ng upo. Even my neck hurts from the angle I sleep. I can't probably drive myself home. Nang marinig ko ang tunog ng aking phone ay kinapa ko ito sa aking drawer. I groaned when I pulled myself to the back of my chair.
"Damn cold," I muttered as I fix my blazer to stop the cold air from coming. I answered the phone.
"Where are you?" Madiin ang boses ni Migo. He sounds mad.
"Urgh. I-I'm here at my... my office." I stuttered. Ang sama ng pakiramdam ko.
Natahimik ang linya at rinig ko ang pagbuntong hininga ni Migo. An engine was turned off from his background, probably his car. Kakauwi lang ba nito? Doon ko naisip na sulyapan ang aking relo at nagulat ng makitang past eight in the evening na. Hindi ko namalayan ang oras. That's why he sounds mad.
"Wait there. I'm coming." He said and abruptly ended the call. Hindi na ako nakasagot pa.
Pinilit kong ayusin ang aking sarili. I am feeling so cold. Ang aking mga kasukasuan ay masakit at ang kaninang mahapding lalamunan ay mas lumala kasabay ng pagsinghot ko.
I am busy fixing my things when the door opened. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin. Sumalubong sa akin ang mga asul na mata ni Migo. Sa kabila ng sakit at lamig na nararamdaman ay hindi nakatakas sa akin ang kilabot na dulot ng titig niya. I looked at him panting. Nangunot ang noo niya at walang pakundangang lumapit sa akin. I feel his hand snaked around my waist. Kinabahan ako.
"Are you okay? You're pale, baby." Puno ang boses niya ng pag-aalala.
I almost closed my eyes when I felt my emotions heightened because of what he's showing. I bet that's not really for me. Ang pag-aalalang ipinapakita niya ay pag-aalala lamang ng isang kaibigan. I wonder if he's caring when he's around Cami? Malamang.
Ang nanghihinang tuhod ko ang naging dahilan ng pagkapit ko sa kanya.
"I'm not feeling well," I answered, half closing my eyes.
I saw him clenched his jaw and his hands grasp at the side of my waist. The sparks from his hands ran into my spine making me shiver.
"Why didn't you call me right after feeling sick?" He whispered, slightly pulling my body to his.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)