Kabanata 21

14.8K 310 14
                                    

Kabanata 21

Surrender

Kung pwede lamang akong lamunin ng lupa ay matagal na akong nagpalamon. Hiyang hiya ako sa aking ginawa.

Kung hindi tumunog ang aking telepono ay hindi kami matatapos sa halikan iyon. Hindi ko alam kung paano ko ihaharap ang mukha ko sa kanya dahil sa tuwing nagtatama ang aming paningin ay nag-iinint ang mukha ko.

Why did I even do that? Kaunting halik lamang sayo, Talitha, ayan kana at humahanap pa ng madami.

Pagkarating sa bahay ay kaagad akong pumasok sa aming kwarto at dumiretso sa bathroom. Kung hindi pa ako kinatok ni Manang ay balak ko ng manirahan doon, kung pwede.

"Hija, handa na ang hapunan." Saad ni Manang Mona.

"Susunod na po ako, Manang." I answered at the old woman.

Minadali ko ang aking pagligo. Kung noong nakaraan ay maninipis na nighties ang gamit ko ngayon ay mas pinili kong magsuot ng pares ng pajama. Pagdating sa kusina ay walang imik akong naupo sa upuang nakahanda sa akin. Kahit si Migo ay tahimik lamang akong ipinagsandok kagaya ng dati. Sa ilang beses naming sabay na pagkain ay ngayon lang naging ganito katahimik. Even Manang Mona noticed it. Hindi ito nagtanong ng kung ano ano sa akin, kagaya ng ginagawa niya tuwing kumakain kami.

Kung kanina ay natataranta lamang ako ngayon ay sobrang kaba na! Nakaupo ako sa kama at nakasandal sa headboard at mahinang nagdadasal na sana ay huwag pumasok si Migo at sa kabilang silid nalang matulog. But then, hindi ako ganoon kalakas sa mga santong kilala ko dahil ilang minuto lang ay pumasok ito ng silid. Ang malalim niyang mga mata ay tumama sa akin. My treacherous heart started to beat so fast again.

"U-Uh... uhm... never mind." Pagkukuha ko sana sa atensyon niya ngunit hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Is it about the kiss?" tanong nito ng walang pakundangan

Bumuntong hininga ako at tumango. I watched him walked to me. Umupo ito sa dulo ng kama at hindi lumapit sa akin.

"What about it?" mamumungay ang kanyang mga mata na tumitig sa akin.

Suddenly, all the memories of his kisses run into my mind. Halos itago ko ang aking mukha dahil paniguradong namumula ito. He smiled at me. Probably getting my point.

"Hindi dapat nangyari yun." I muttered.

I know that I didn't have a place in his heart kaya't alam ko na dapat hindi ko tinugon iyong mga halik niya.

Ang kanyang ngiti ay unti unting nawala sa aking sinabi. Huminga ito ng malalim saka mas lumapit sa aking pwesto. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit na nakapulupot sa akin kumot. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa aking kandungan. Immediately. The sparks run into me. I shivered at his touch.

"What do you mean?" I can see the veins in his neck protruding like he's restraining his anger or what.

Mapungay parin ang kanyang mata at seryosong tinitingnan ako. Kung pwede lang na halikan niya ako ulit. Hm.

"Paano iyong girlfriend mo. Malamang ay nagtataksil kana sa kanya. Ayokong maging kabit o kaya sa mayroong kabit." Punto ko.

Dumilim ang kanyang mata. Ang kanyang hawak ay bahagyang humigpit.

"Who give you that idea? Hinding hindi ka magiging kabit." Madiin niyang saad. Galit na sa aking sinasabi.

Hindi ako yung kabit pero mayroon naman siyang kabit. Hinila ko ang aking pulsuhan sa kanyang hawak. Sinundan niya ng tingin ang ginawa ko.

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon