Kabanata 14

13.4K 281 9
                                    

Kabanata 14

Remember

Nang makapasok sa sasakyan ni Migo ay kaagad na kumaway ang Mommy niya sa amin. Dad is smiling at us while Camilliane is timid next to him.Kuya Argus smiled at me. Tumango ako at kumaway. We are on our way to his house. Ito ang sabi ng kanyang parents. Ang bahay niya ay medyo malayo sa amin kaya nagtagal kami sa byahe.

"How about my things? Hindi ba natin dadaanan?" I asked a little bit nervous.

He's seriously driving the car at mukhang malalim ang iniisip.

"Ipapakuha ko nalang sa inyo at ipapadala sa bahay. Magdidinner din tayo sa inyo mamaya." Anito.

Kanina lang din ibinalita sa kamag-anak namin ang civil wedding. Unang una ang pagtawag ng aking mga pinsan. Yazzi's so hyper about that while the others are just fine. They said their congratulations to us. Ang huling tawag ni Yazzi ay nang-aasar. Hindi niya mapigilan ang tuwa at excitement sa boses niya.

"You just married a Madridejos! That's a big news!" Matinis ang boses niya sa kabilang linya ng phone.

"Calm down, Yaz. It is not a big deal. Ano naman ngayon kung Madridejos? Anong pinagkaiba nito sa iba pa?" I joked at her.

Narinig ko pa ang exaggerated niyang ubo sa aking sinabi.

"You're kidding, right? Kapag nalaman ito ng mga kababaihan ng Altagros malamang magluluksa sila! Marami ang nagkakagusto riyan!" She added.

Slowly, I remember those girls staring at him whenever he's outside. Sa itsura niya ay malamang marami talagang magkakagusto sa kanya.

"Remember, Oriana Lopez? The daughter of the Mayor at La Isabella? May gusto iyon kay Migueleon. I met her last last week and she mentioned Migueleon. Kapag nalaman niya to malamang magtatantrums yun!" Tumawa ito.

I smiled at the thought of it. The whole conversation was cirling about those girls who likes him.

Nang makarating kami sa bahay niya ay namangha ako. It has a touch of modern design. Maganda at pulido ang pagkakagawa. The house is a three storey. Mayroong malawak na bakuran at mayroon pang swimming pool sa gilid. Karamihan ng parte ng bahay ay mayroong floor to ceiling glass wall. It is mesmerizing to see. Ang bahay naman ay ancient design and I really wanted to have a modernized house. Nang tumigil ang sasakyan ay inayos ko na ang ilang gamit ko.

"I'll open the door." He said as he half run to my side.

Gentleman? Hmm.

I muttered my thanks before settling my foot on the ground. Iginala ko ang aking paningin sa buong bahay. The whole house was painted in the combinations of white, grayish-black and brown color. I admired the whole house.

"This is yours?" Pakukompirma ko.

I glanced at him. Pinapanood niya ako habang inililibot at namamangha ako sa bahay niya. Tumango ito.

"Sa atin." He said.

I can feel that weird feeling in my chest. Hearing those words gives me so many emotions. I smiled at that.

"Can I have my own room?" Walang alinlangan kong tanong.

Naglakad ito patungo sa kusina at hindi sinagot ang tanong ko. Kumuha siya ng tubig sa isang pitsel at isinalin ito sa isang tall glass. Inilapag niya ito sa aking harap. Kinuha ko iyon at pinangalahatian. Pinanood niya ako. His expression is hard. Tiim ang bagang at seryoso.

"Your own room." He muttered.

Ang kanyang mata ay tila nanunuya. He arched his brow and looked at me.

"Sa kwarto ko ang tutuluyan mo, Tali." He said.

Namilog ang aking mata sa sinabi niya. What? Pero! I can't imagine myself sleeping in his bed next to him! Hindi ko kaya! Bakit nga ba hindi ko ito naiisip. This is the worst!

"S-sa ibang silid nalang ako." Pagpapalusot ko.

Kabado at hindi na mapakali. Tumalikod ito.

"I can't agree on that. there's nothing wrong about sharing one room. We're already married, it's a normal thing." He said.

Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito. I walked to him. I want to see his reactions but right after he face me I immediately regretted coming near him. It's a dangerous space. Napaatras ako sa kanyang pagharap. Gusto kong magmura ng makita ang pagdilim ng kanyang mukha ng makita ang reaksyon ko. Nagtiim bagang ito.

"And to remind you na nagpakasal tayo dahil sa nangyari. Right?" pagkukumpirma nito.

I want to shout him that nothing happened pero masyado na akong kabado sa pagkain niya ng distansya namin. I swallowed hard.

"U-uh, Kasi..."

I did not finish my words ng mas lumapit ito. His dark blue eyes are staring at me.

"Kung may nangyari nga." He said huskily.

Kung nasa tamang pagkakataon at tamang sitwasyon ako ay malamang namumula na ako sa kanyang sinabi pero sa halip na iyon ang maramdaman ko ay salunggat ang naging reaksyon ko. Mistulang nawala ang lahat ng dugo ko sa naramdamang panlalamig. Ang kamay ko ay nanginginig kabasay ng tuhod ko. Alam ko ang kanyang tinutukoy pero ang utak ko ay hindi maka proseso ng maayos.

Alam niya. Ito ang unang tumakbo sa isip ko. He fucking know it! Alam niyang wala naming nangyari!

"Did something happen, Tali? Tell me." He whispered.

Ang kaunting distansya kanina ay mas lumiit pa. Ang kanyang hininga ay tumatama sa aking pisngi. Hindi ako nakapagsalita.

Nanigas ako nang hawakan niya ang hibla ng buhok ko sa gilid ng mukha at inilagay ito sa likod ng aking tainga. I feel so cold yet so warm. Ang mabilis na tibok ng puso ang tanging naririnig ko.

"Tell me the truth." Pag-uulit niya. Doon ako nabalik sa sarili ko.

Kailangan kong humanap ng palusot. Hindi niya dapat malaman ang plano ko.

"What are you saying?" pagmamaang maangan ko sa kanyang tanong.

Ang akala kong mananahimik ito ay o kaya ay magagalit ay napalitan ng ngisi. A mocking smirk. He even chuckled!

"You can't remember it, too? Sadly. I want to remember it. Kung paano ka naligayahan. Kung paano mo narating ang rurok ng sinisigaw ang pangalan ko." He darkly said with his smile.

Nag-init ang pisngi sa kanyang sinabi. Slowly, many censored images entered my mind. His lips wildly ravishing me. Ipinilig ko ang ulo para alisin ang iniisip. Itinulak ko ang kanyang dibdib.

"Wala akong maalala!" pagkakaila ko.

Humalakhak ito nang tumalikod ako. I marched to the living room of his house. Narinig ko ang yabag niya sa aking likod.

"Maybe I can help you remember, wife." He said loudly. Hinting his voice with something. Obviously, teasing me.

Nangunot ang noo ko at pilit na tinignan siya ng masama kahit na iba ang nararamdaman at iniisip.

"Shut up, Migo!" inis kong sabi.

Umalis ako sa harap niya at umakyat na sa taas ng bahay. Ang puso ko ay malakas ang kabog. Hindi ko napigilan ang ngiti na kusang kumawala sa aking labi nang tuluyan nang makalayo. Damn, Migo.

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon