Kabanata 30

15.7K 313 0
                                    

Kabanata 30

Adorable

Nang umalis ang mga kasama namin sa villa ay kaagad akong kinabahan.

Nakita ko ang mga pagsulyap ni Migo sa akin habang nasa may lamesa siya. Inilapag ko ang babasaging baso sa sink bago ko siya nilagpasan ay dumiretso sa sala. I opened the tv trying to avoid his gaze.

Sumusunod lamang siya sa akin at tahimik.

"Do you want milk?" Tanong nito.

Sinulyapan ko siya. "S-sige." Pag-aalinlangan kong sagot.

Mabilis naman itong bumalik sa kusina. Nang mawala siya sa aking paningin ay napahinga ako ng malalim.

Magtatanong ba siya tungkol sa mga nalalaman ko? Baka naman makikipagdivorce na siya kaya siya narito?

Isa pa, kilala pala niya si Silas? Hindi kaya? Kilala na ako ni Silas bago pa kami magka-usap? Could be Migo who ave thise things for my baby? Pero paano?

"Here's your milk." Napaangat ako ng tingin.

Inilapag niya ang baso na may lamang mainit na gatas sa harap ko.

Umupo siya sa tabi ko. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango rito. Gusto ko sitang yakapin at amuyin nalang pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Masama ba ulit ang pakiramdam mo? You're quiet." Sambit niya.

Nanigas ako sa kinauupuan ng maramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa aking kamay na nasa kandungan.

"Okay lang ako." Bulong ko.

"Hm, sure?" He murmured.

Ang mabilis na tibok ng puso ay lalo pang bumilis ng maramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Ang kanyang mukha ay nasa aking pisngi at ang hininga ay tumatama sa aking leeg. Kinikilabutan ako sa nararamdaman.

"M-Migo." I stuttered.

"I miss you." His husky voice made me shiver. Ang kuryente ay umabot sa aking likod pababa.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang kamay sa aking likod patungo sa gilid ng tyan.

"I missed my babies." Bulong niya pa.

Mabilis ang tibok ng puso ko at umiinit ang pisngi sa kanyang mga sinasabi. He can always make me feel these weird things. Siya lang.

"How's your stay here? Mabait ba sila sayo?" Tanong niya. Bahagya siyang lumayo at tinitigan ako.

Hindi ako makapag-isip dahil sa haplos niya sa aking tiyan. He's making circles in my stomach.
Kinikilabutan ako sa kanyang haplos and at the same time it makes me feel safe and comfortable.

"What's his name?" Tanong niya.

Sa kanyang sinabi ay sumagi rin sa isip ko ang ipapangalan sa baby. Hindi pa ako nanakapagisip ng ipapangalan sa kanya simula ng nalaman ko ang gender nito. Masyado akong nagulo sa pagdating ni Migo rito sa Isla.

"Wala pa." Mahina kong bulong.

I wonder if he's thinking of something?

"Gael, sounds great?" Pagkukumpirma niya.

Napakurap ako sa kanyang sinabi. Gael. Bakit nga ba hindi ko naisip ito?

"You want to name him Gael?" Kumpirma ko rin.

Nakita ko ang pagtango niya at masayang pagngiti sa akin. Naisip niya na ba ito dati pa?

"Gael Madridejos. It is." Sagot ko.

"Ayaw mo bang lagyan ng second name?" Dagdag niya.

Tumawa ako. I'm not really good at picking names. Malaki ang pasasalamat ko sa magulang ko kasi maganda ang kanilang ipinangalan sa akin. Unique and rare.

"Gael Remeir?" I asked.

Ngumisi naman siya sa sinabi ko at mistulang masayang masaya sa narinig. Gusto niyang ipinapangalan sa kanya  ang anak niya, huh?

I smiled. He would be a great father.

Hindi ko nga lang alam kung pinapili siya sa pagitan ng anak ko at anak niya kay Cami. Kung sino ang pipiliin niya. But I don't want him to choose. Ayokong mangyari iyon. I'll keep my son if he didn't want him. Kasi ako mahal na mahal ko ang anak ko.

"I love it." Bulong niya.

Naramdaman ko ang paghila niyasa akin para mapasandal ako sa kanya. Natahimik ako at pati na rin siya.

Pareho kaming nakatingin sa harap at nag-iisip.

"Kelan ka pa rito, Migo?" Basag ko sa katahimikan.

Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya at pag-iwas ng tingin.

Nilingon niya ang relong pambisig bago ulit humarap sa akin.

"It's late. Kailangan mo ng magpahinga, Tali." He speaks.

Umiiwas siya sa usapan. That's what I thought. Baka naman matagal na siyang narito? But that's impossible.

Bitbit ang baso ng gatas ay iginiya niya ako papunta sa aking silid. Ang kanyang kamay ay nasa baba ng aking likod. Magaan ang hawak niya ngunit nakaalalay.

Agad akong humiga ng gabing iyon. Kahit na gusto ko pang tanungin siya ay agad akong tinangay ng antok.

Kinaumagahan ay bumungad sa akin ang mukha ni Migo na natutulog sa aking tabi. Payapa ang mukha niya. Sinipat ko ang kanyang mukha. His long and thick lashes are defined on this angle. Ang kanyang ilong ay matangos. Napunta ang tingin ko sa kanyang labi. That little soft thing. I missed those lips kissing me.

Tinitigan ko siya ng ilang minuto.

I flinched when he opened his eyes. Hindi ako nakabawi sa gulat. Nakatingin lamang siya at maya't maya ay ngumiti.

"Good morning, baby." His husky voice greeted me.

Kinilabutan ako. Images pop out in my mind. Nag-init ang pisngi ko sa naisip.

His arms snake around in my waist. I groaned at that. Dahil sa malaking tiyan ko ay hindi kami nagkadikit ng sobra. He glanced at my big belly. He smiled.

Nanlaki ang mata ko ng bumaba siya at tumapat sa aking tiyan. Itinaas niya ang aking suot na blouse at naramdaman ko roon ang kaninang tinititigan ko lamang. Ang malambot niyang labi.

I blushed at that.

Nakangisi siyang nasa tapat ng aking tiyan.

"Good morning, my baby." He whispered in my stomach.

Akala naman niya maririnig siya ng baby. But I was surprised even more when I felt the baby kicked. Masakit iyon pero kaya namang tiisin. I touched where the baby kicked. I groaned when it kicked again.

"What is it? Are you okay?" Tarantang umupo si Migo at nag-aalalalang tumingin sa akin.

"The baby... He kicked." Nakangiwi kong sabi.

Nanlaki ang mata niya. At mistulang naiiyak sa narinig.

"Can he do that again?" He asked.

Hinawakan niya ang tiyan ko at mistulang inaabangan ang pagsipa ulit ng baby. Natawa lang ako sa reaksyon niya.

He's adorable.

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon