Kabanata 27

14.2K 278 5
                                    

Kabanata 27

Deserve

Tumatawa kami ni Ate Res at ate Chrissy sa mga kwento nila. Iyong minsan raw na may bumisitang Foreigner mula sa france. Nataranta raw silang lahat dahil hindi ito marunong mag-ingles at tanging french language lang ang kayang sabihin. Halos paalisin raw nila ito doon sa hotel at sinabing nakasara ang El Fredo.

Abala kami sa pagkekwentuhan ng matanaw ko iyong puting kotse hindi kalayuan sa tinatambayan naming cottage sa malapit sa dalampasigan. Nangunot ang noo ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga taong nagkalat malapit sa amin. Hindi na ako nakikinig sa kanilang usapan at nalipat na ang atensyon sa paghahanap kung may pamilyar bang mukha sa akin.

Pakiramdam ko kasi ay lagi ko itong nakikita sa tuwing may lakad o kaya naman ay nasa hotel lamang.

Maybe I am just overthinking. Paranoid.

Napakaimposibleng mahanap niya pa ako rito. Kung naghahanap nga siya o sila. Hindi ko rin naman matawagan ang mga pinsan dahil natatakot akong malaman nila ang pinagtataguan ko at baka habulin pa ako rito. Ayokong mangyari iyon.

Napipilitan kong ibinalik ang aking atensyon sa aming usapan. Ngayon ang rest day namin at buti na lamang dahil walang nagcheck in na turista ngayon dahil nagsisimula ng umulan.

Ang sabi nila Ate Res ay tuwing summer lamang talaga marami ang nagbabakasyon doon pero kapag sumapit na ang tag-ulan. Nawawalan na sila lakas ng loob na magswimming at surfing sa isla.

Buti na lang at hindi mahigpit ang may-ari ng resort kaya hindi naman sila nahihirapan.

"Armelle, anong plano mo kapag nakapanganak ka na?" Napalingon ako kay Ate Chrissy na abala sa pagbabaliktan nung isdang iniihaw.

Kumuha ako ng strawberries na bigay ulit ni Samuel kaninang umaga habang nag-iisip ng isasagot sa tanong niya.

"Hindi ka pa po alam, Ate." Mahina kong sagot.

Nagkatinginan pa silang magkapatid bago sila nagpatuloy sa pagtatanong.

"Yung tatay ng anak mo, Armelle?" Alanganing tanong ni Ate Res.

Napahinga ako ng malalim sa narinig. Alam ko na darating talaga iyon sa ganitong punto. Magtataka sila at isisipin kung sino at saan ang nakabuntis sa akin.

Suot ko naman ang wedding ring ko noong mga nakaraang buwan. Pero noong minsan naghahanda ako ng pagkain para sa hapunan kasama ang magkapatid ay inalis ko ito at hindi na naibalik.

Bahagya kong sinulyapan ang palasingsingan ko.

"Uh... I don't want to talk about him. Sorry." Iwas ko sa kanila.

Hindi naman na sila ulit nagtanong sa akin matapos ang ilang usapan namin ay umalis rin sila.

Kinabukasan ay nagpasya akong maglibot sa harap ng El fredo. Malamig ang hangin at hindi pa gaanong sumisikat ang araw.

Nasa malayong parte ako ngunit tanaw ang kalsada. Nangunot ang noo ko ng makita si Samuel na bumaba mula passenger seat nung nakita kong puting sasakyan. Kilala niya ang may-ari?

Nakangiti siya sa driver at may kinukuhang mga paper bag mula sa likod ng sasakyan.

Sinubukan kong aninagin ang nasa loob ng sasakyan pero masyado itong tinted. Nagbabaka sakali akong lalabas iyong tao sa loob pero hindi ito lumabas. Ang huling nakita ko ay ang pagkaway ni Samuel sa taong naroon sa loob at ang mabilis na pagkawala ng sasakyan.

Sino ba iyon? I touched my baby bump. Hindi naman siguro iyon si Migo o kaya isa sa pinsan ko diba?

What if si Kuya ang may-ari nun? But why would he hide from me? The last thing I know is I am the one who's hiding.

Bat nga ba ako nagtatago gayong hindi naman ako ang may kasalanan.

Baka dahil sa ayaw kong ng masaktan.

Dumaan pa ang ilang araw at mas lalong nadadagdagan ang paghihinala ko dahil sa ilang beses na pagbalik nung sasakyan sa harap ng El Fredo at ang hindi pagpalya  ng mga ibinibigay ni Samuel na marshmallows at Strawberries.

Minsan ko itong tinanong pero pilit lamang niyang sinasabing binibili niya ito sa bayan para sa akin.

Nang minsang pilitin at takutin ko siya kapag nagsinungaling siya ay iniwasan niya ako pero tuloy parin ang pagbibigay. Mabilis lamang siyang magbibigay tapos agad ring aalis.

"Silas!" I shouted when I saw Silas walking at the reception.

Nakangiti ito at maraming dalang gamit. Magbabakasyon nanaman ba ito rito?

"Armelle! Namiss kita!" Mabilis niyang salubong.

"Ang laki na ni baby. Tumataba ka na rin." Halakhak niya.

Hinampas ko siya dahil sa kanyang sinabi.

"I hate you," I said.

Tumawa lamang ito at ginulo ang buhok ko.

"You'll love me in the future!" Saad niya.

Napatingin ako sa kanya. What did he mean?

May gusto ba siya sa akin? But I clearly draw the line between us. Sinabihan ko na ito noon na friendship lamang ang maibibigay ko sa kanya dahil may asawa na ako.

I can't cheat like what Migo did to me.

Hindi ko maatim na gawin iyon.

Malaki ang konsensya ko. At isa pa, kontento na ako sa baby ko.

I love my baby. Kung darating mang magkikita kami ulit at malaki na ang baby ko. Ipapakilala ko siya. But I wont let him get my baby.

Sa akin lang ito. At isa pa, ayokong manlimos ng pagmamahal ang anak ko sa kanya. She deserves more.

Deserve namin iyong willing at hindi nililimos na pagmamahal.

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon