Kabanata 25
Baby
You never know how strong you are, until you realize that you're strong enough when you're there.
Ang mga pagkakamaling tila naging pagsubok sa akin ay nagbigay sa akin ng kalakasan. I choose to let go. Gusto kong lumayo mula sa mga taong nagbigay ng sakit sa akin.
Lumayo ako. Ang huli kong alaala sa Altagros ay ang pagsakay ko ng bus palayo sa lugar. I withdraw enough money for me to survive for months. It is not enough. Naisip kong maghanap ng trabaho kapag nakahanap na ng matitirhan. Ang tanging dala ko lang ay isang traveling bag laman ang aking kaonting mga damit. I brought my important papers and things but I can't use it for sure. Kung gusto kong magtago sa kanila ay hinding hindi ko magagamit ang papel ko na maaaring mag-iwan ng pangalan ko. They'll track me.
Ang teleponong ilang beses na tumunog ay hindi ko pinansin. Ang huling nakita ko rito ay mensahe mula kay Kuya, Dashiel at Migo. Hinahanap nila ako. I didn't bother to answer their call. I even turned it off as I take multiple bus. Palipat lipat ako ng bus para masiguradong walang sumunod o makakasunod.
I didn't have any place in my mind. Hindi ko alam kung saan ako napadpad sa huling sinakyan kong bus. Nagising na lamang ako ng sumigaw ang kondoktor.
"Iba, Zambales! Yung mga bababa!" sigaw nito.
Nilingon ko ang bintana ng bus at hinapit ang jacket na suot. Maliwanag na sa labas kahit na maaga pa at hindi pagaanong nakakalabas ang araw.
Kinuha ko ang bag ko at bumaba na. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Halos ilang oras akong tumambay sa terminal ng bus. Marami akong mga napadaang tao na abala sa kanilang mga sari-sariling buhay.
It's funny that people survive every day, kahit na ang ilan ay wala ng dahilan sa pamumuhay. Ang ilan ay nawawalan na ng gana sa mga napapagdaan, ang iba naman ay hindi na kayang harapin ang mga problema. And here I am, thinking and regretting all the things I did. Hindi ko alam ang magiging resulta nang pagiging padalos dalos ko.
Ang tanging alam ko lang sa ngayon ay kailanagn kong lakasan ang sarili ko at tuparin ang iniwan kong pangakong pagbabalik.
A lost soul.
Ito ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung paaano ako napadpad sa maliit na kumunidad na ito.
Isla de Castares. Ito ang tawag nila. Ang natanong kong tao sa sentro ng probinsya ay itinuro ang lugar na ito.
Sumakay ako sa Bangka at halos mag-iisang oras ang byahe para makapasok sa isla. Maganda ang Isla kagaya ng Isla Lacor. Maputi ang buhangin at asul ang tubig. Ang kabilang banda nito ay may mga malalaking bato kung saan humahampas ang malalakas na alon.
Unang araw ko palang ay nabighani na ako sa maliit na Isla. I really love beaches. Ang mga tao rin dito ay hindi ganoong karami. Mayroong isang resort na pag-aari ng isang half Filipino-half American. Konti lamang ang mga turista pero karamihan ay mga banyaga.
"Ma'am, delivery niyo po." Saad ni Samuel. Ang tauhan ng tinitirhan kong villa resort.
Ngumiti ako ng malawak sa kanya ay tinanggap ang delivery. I ordered some clothes that I can wear here. Hindi ako nakapagdala ng swimwear at kating kati na akong lumangoy sa dagat kaso wala akong maisusuot kaya nag-order na lamang ako. Luckily, umaabot ditto ang delivery.
Masama ang pakiramdam ko tuwing umaga kaya mas ginusto kong magswimming ng maghahapon. May ilang mga turista ang naliligo sa dagat. I saw a couple swimming nearby. Halos mapairap ako ng makita ko ang paghalik ng babae sa lalaki. Hm, magbibreak rin kayo.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)