Note: I rewrited it and changed some. Narealize ko ngang halos magkasabay lang silang nabuntis. That's why I edited it. Thanks for correcting. Nakakalimot talaga ako kaagad. Hehe.
-Miss A
----------------
Talk
"Kuya.”
Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang luhang lumalandas sa aking pisngi habang yakap ko si Kuya.
Wala akong balak na bumitaw kung hindi ko lang narinig ang tikhim ni Migo mula sa aking likod. Sabay kaming bumitaw ni Kuya at bahagyang nilingon si Migo bago ibinalik kay kuya ang atensyon ko.
“You think I won’t find you?” nakataas ang kilay ni Kuya Argus habang seryoso lamang na nakatingin.
“Miguel.” Bati niya kay Migo ng lumapit ito sa amin at dumapo kaagad ang kamay niya sa aking baywang.
“Pauwiin mo na si Silas, Argus.” Sambit ni Migo.
Nakakunot ang noo ko sa kanyang sinabi habang si kuya naman ay humalakhak lang sa narinig.
“Hindi ko babayaran ang serbisyo nun. I clearly said to him, lead you on the wrong place but here you are standing beside her.” Umiling si Kuya at ngumiti sa akin.
So, tauhan niya si Silas? Kaibigan?
“Argus!”
Sabay sabay kaming napalingon kay Silas na nakangising papalapit sa amin. “Man, why are you talking to her?”
Ngisi nito. Agad na sumama ang tingin ni kuya sa kanya at binatukan siya.
“You didn’t listen to my command, asshole.” Napangiti ako sa kanilang pagtatalo.
So, binayaran niya si Silas para bantayan ako?
Kahit gaano nga yata kalaki ang kasalanan ko kay kuya ay handa itong patawarin ako.
Ito ngang pagpapasunod niya ay hindi ko inaasahan. Ang akala ko ay tahimik lamang ito sa Altagros at walang kaalam alam na nandito ako. Ipinaliwanag nito kagabi kung paano niya nalamang narito ako simula palang.
Inutusan niya si Silas na bantayan ako, Silas is a special agent ayon kay kuya. Dati itong sa ibang bansa pero kadalasan ay narito. At magkakilala na pala sila ni Kuya noon pa.
“Mag-iingat ka doon, Armelle. Tumawag ka palagi at minsan ay dumalaw rito, ha?” naluluhang sabi ni Ate Chrissy.
Ngayon ang balik namin sa Altagros. Kuya and Silas are using one car habang ako naman ay sa kotse ni Migo sasakay. Kahapon ay kinausap namin ang doctor ko para alamin kung okay lang baa ng matagalang byahe sa akin. Kaya ng pumayag ito ay kaagad kaming nagpasya.
“Opo, ate. Dadalaw kami rito kapag nakapanganak na ako.” Sagot ko rito. They smiled at me.
Isa isa silang yumakap bago kami tuluyang sumakay at umalis.
Pagkapasok ko palang sa sasakyan ni Migo ay kaagad akong naluha. Mamimiss koi tong lugar na ito.
Naging tahanan ko rin ito ng ilang buwan kaya napalapit na ako rito.“Are you okay?” sulyap sa akin ni Migo.
Tumango ako sa kanya bilang sagot. Mabigat ang pakiramdam ko. Ayoko talaga ang pamamaalam. Nakakalungkot.
“I’ll bring you back here, baby. Don’t worry.” Dumukwang ito palapit sa akin at hinalikan ang aking labi.
Sandali lang ito at mabilis. I closed my eyes feeling his lips. Ngumiti ito sa akin ng bumitaw sa halik. Hinaplos niya pa ng isang beses ang aking tiyan bago siya umayos sa kanyang upuan at pinaandar ang makina ng sasakyan.
Halos wala pa kami sa kalahati ng byahe ay kaagad akong nakatulog. Nagising na lamang ako ng bandang tanghali at tumigil kami sa isang restaurant.
“You need to eat.” Saad ni Migo ng mapansing kaunti lang ang inilagay ko sa aking pinggan.
Wala akong ganang kumain ngayon. Dinagdagan niya ang nakalagay sa aking pinggan kaya napipilitan akong inubos iyon.
Hindi ko ramdam ang kaba ko habang nasa byahe kami pero ng unti unti ko ng makita ang pamilyar na tanawin ng Altagros ay nagsimula ng magtahip ang aking dibdib.
Nanlalamig ang kamay ko habang palapit kami ng palapit.
"Relax, Tali. They missed you." Pag-aalo sa akin ni Kuya ng makababa kami mula sa sasakyan.
Tanaw ko ang malaking bahay namin na wala pang pinagbago simula ng umalis ako.
"Kuya, paano kapag hindi ako tinanggap ni Daddy?" Bulong ko kay Kuya ng magsimula kaming maglakad papasok.
Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko pero ng maramdaman ko ang marahang pagpisil ni Migo sa aking kamay na hawak niya ay nawala ito.
"This little baby, oh! She smiled!" Rinig ko ang boses ni Cami mula sa sala ng bahay.
"So adorable, kamukha niya si Tali." My heart soften when I heard what dad said.
Nanghihina ang tuhod ko mula sa narinig. He doesn't sounds angry or anything. Kung hindi ko nga alam ang nangyari ay baka isipin kong wala lang ito.
Natigil ako sa aking kinatatayuan.
What if the baby felt my anger before she's born? What if Cami will throw at me again?
Bago pa ako makapag-isip ng maayos ay huli na.
"Talitha?" Nanlamig ako lalo ng marinig ko ang baritonong boses ni Daddy.
Handa na akong ipagtulakan niya paalis pero isang yakap ang isinalubong nito sa akin.
Daddy look so thin. Pumayat ito at mas naging mukhang matanda ito. His hair turned into gray color.
"I'm sorry, dad." I cried.
I missed him so much. Ngayon ko narealize na hindi naman talaga ako galit na galit sa kanya. Nagtatampo, oo. But never mad.
"No. I'm the one who's sorry, sweetheart." Bulong nito.
Nanginginig ang balikat niya habang hawak ang aking balikat.
Pinunasan ko ang pisngi ni Dad.
"Nabulag ako, hindi ko inalam ang pagkakamali ko, Talitha. But she's sorry to everything she did. Anak, patawarin mo rin sana si Cami." Bulong nito.
I nodded at that.
I am ready to forgive her if she's really sorry. Basta mangako siyang hinding hindi na mauulit ito.
"Is she your child?" I glance at dad. Tumango ito sa tanong ko.
Ang maliit na batang babaeng karga karga ni Cami ay kamukhang kamukha ni dad. Her eyes are closed and she's so tiny. Maybe a month older.
"Yes, her name's Gabriela." Rinig kong sagot ni Cami.
I smiled at the baby. My heart falls by seeing her. Ganito rin ba ang mararamdaman ko kapag nakita at nahawakan ko na ang anak ko?
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Seeing her assured me that she's my sister. Kamukha rin ito ni Dad.
"Uhm, can we talk?" Alanganing saad ni Cami.
This is the right time, I think. Narito na rin naman kami kaya mas mabuti ng magkalinawan ngayon.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)