Kabanata 33

14.8K 307 4
                                    

Sorry




Halos hindi magkamayaw sa pag-aayos si Ate Ressa at Ate Chrissy para sa mga darating na panauhin sa gaganaping pagsalubong sa may-ari ng El Fredo.

Kahit na ilang pilit kong tumulong ay itinataboy lamang nila ako at pinapaupo sa isang gilid. Migo is helping them. Kanina kasi ay nagpupumilit itong huwag na akong tumulong at siya nalang ang papalit sa aking mga gawain. Wala naman akong magawa dahil ayokong mapahamak ako lalo na't malaki na ang tyan ko.

I almost laughed when ate Ressa scolded Migo for spilling the water in the vase. Nasagi niya ito na naging dahilan ng pagkabuhos sa kakalampasong marble floor sa reception. Nagkamot lamang ng ulo si Migo at nagsorry.

"Doon ka nalang nga kay Armelle!" Inis na sabi ni Ate Ressa sa kanya.

Natawa na talaga ako ng itulak pa siya para umalis na doon. Nakasimangot itong nagtungo sa aking pwesto.

"You're not a big help." Pang-aasar ko pa rito.

Umirap ito at naupo sa aking tabi. Agad na dumapo ang kanyang braso sa aking balikat.

"Balik nalang tayo sa Villa." Bulong niya ng makaupo ng maayos.

I rolled my eyes at him. Ano namang gagawin namin doon? Mas mabuti pang dito nalang kami para naman malibang ako.

"Balik ka na. Dito lang ako." Sambit ko.

Kinuha ko ang nakalapag na libro sa coffee table sa aming harap at binuklat ito sa naiwan kong pahina. Hindi ko na ito nilingon pa. Pero ramdam ko ang titig niya sa akin. He sighed heavily before fixing himself. Nilingon ko siya.

Nakasandal ang kanyang ulo sa sandalan ng sofa at nakapikit. Kita sa kanya ang pagod. Malalim ang kanyang mga mata at medyo kita ang mga tumutubong buhok sa kanyang baba patungo sa kanyang panga. Medyo pumayat rin ito hindi kagaya noong nasa Altagros pa.

Ilang buwan ko siyang hindi nakita pero alam na alam ko ang mga pagbabago sa kanya. Even those little things.

"Are you okay?" Tanong ko ng nanatili lang itong nakapikit.

Nanigas ako ng bigla niyang ilapit ang kanyang mukha sa aking leeg. His hands snaked around me. Yakap niya ako mula sa gilid at nakabaon ang kanyang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat. Kinikilabutan ako sa kanyang hiningang tumatama sa balat ko. Sinubukan ko siyang itulak palayo pero hindi ito natitinag.

"Migo." Saway ko sa kanya.

I felt him sniff me. "Let me hug you, please?" Bulong nito.

Mababa ang boses niya at tila pagod at nagsusumamo. My heart melt at that. Is he tired? Baka naman naninibago ito rito kaya hindi nakakatulog ng maayos?

I let him hug me. Nagsimula na akong magbasa. Halos ilang minuto lang ay naramdaman ko ang paglalim ng hininga niya na senyales na tulog na ito. I sighed and glance at him.

Gustong gusto ko siyang kausapin tungkol kay Cami pero natatakot ako. What if he'll choose Cami's baby over my baby?

Hindi ko matatanggap iyon. Ayokong lumaki ng walang ama ang anak ko pero ayoko namang makihati ito ng atensyon sa ama niya. But then, bakit siya narito kung pinipili niya nga ang anak ni Cami? How about Dad? Paano naman si Daddy?

Sa pag-iisip ko ay bumigat ang pakiramdam ko at hindi namalayang nakatulog ako. Nagising na lamang ako sa aking kwarto at nakahiga. I almost flinched when I felt an arm in my stomach. Nakayapos ito sa akin. Nilingon ko ang kabilang gilid ko at natagpuan si Migo na natutulog. Binuhat niya ba ako pauwi?

Instead of waking him up. I lifted his arms and leave him. Lumabas ako at tumambay sa sala. I caressed my belly. Excited na akong lumabas ang baby ko. Kanino kaya ito magmamana? Siguro ay magiging kamukha siya ni Migo. Hmm. I like that. Iyong mata ni Migo sana ay mamana niya.

"Hey." Napalingon ako sa boses ni Migo.

Nakatayo ito sa bukana ng sala. Magulo ang kanyang buhok at tanging boxer lamang ang suot. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Gising kana pala." Mahina kong saad. Tinitigan ko ang tv na hindi naman bukas para iwasan ang kanyang titig.

Rinig ko ang kanyang yabag na papalapit sa aking pwesto.

"May problema ba? Nagugutom kayo?" Magkasunod niyang tanong.

Agad siyang nakaupo sa tabi ko. Halos taasan ko ito ng kilay. Bat ba palagi itong nakadikit sa akin? Kulang nalang ay idikit na talaga niya ang katawan niya sa akin!

Bigla akong sinumpungan ng inis. Naiirita ako sa kanya.

"Doon ka nga, Migo!" Inis kong sabi. Itinulak ko ang dibdib niya palayo.

Hindi niya inaasahan ang pagtulak ko kaya napaatras ito. Natahimik ito at nakatingin lamang sa akin.

"Ang hirap suyuin ng buntis." Bulong niya.

I glared at him. Anong sinasabi niya?

"Umalis ka nga. Naiinis ako sa mukha mo." I spat.

Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"What?" He murmured.

"Alis!" Ulit ko.

"Naiinis ka sa mukha ko?" Ulit rin niya.

Inirapan ko siya at tatayo na sana para umalis nalang ng hilahin niya ang kamay ko at paupuin ako sa kanyang kandungan.

"You got heavy, baby." Saad niya ng mapaupo ako.

Naiinis ko itong hinampas sa dibdib niya.

"Ouch. What's that for?" Nakangiti niyang tanong.

"Bitaw... Heavy pala ha! Umalis ka rito. Umuwi kana!" Taboy ko sa kanya.

Lakas ng loob niyang sabihan ako ng heavy ha!
Doon siya kay Cami!

"Hey. I'm just kidding. Sorry." Nakangiti niyang saad. Umirap ako sa kanya.

"Doon ka nalang kay Cami. Di kita kaylangan dito." Inis kong sabi.

Natigil ito at nawala ang ngiti.

Huh! Ano? Natauhan na siya? Kung ayaw niya sa akin, e'di huwag!

"Doon kana sa mag-ina mo. Kung gusto mo ng divorce sa akin. Ipadala mo nalang iyong mga papeles rito, Miguel. Huwag kang mag-alala hindi kami maghahabol ng anak ko sayo. Kaya ko siyang palakihing mag-isa. Pwede ka ng umalis."

Tumayo ako mula sa kanyang kandungan at tumalikod.

"Tali." Bulong niya.

Hindi ko siya nilingon. Nanatili akong nakatalikod dahil sa mabigat kong pakiramdam sa aking dibdib. Nangingilid ang aking luha.

If you really love the person. You are always ready to give his happiness. Kung hindi ikaw iyon, then let him go.

"I'm sorry." Dugtong niya. Mahina ang kanyang boses at hindi buo.

I stiffened when I heard a sob. And to my surprise it's not from myself.

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon