Wake up
I stiffened hearing him sob.
Nanginig ang tuhod ko ng makita ko siyang nakaluhod at nakayuko pagkaharap ko sa kanya. Ang balikat niya ay nanginginig na tanda ng pag-iyak. This is the first time that I saw him cry. Ang buong akala kong malakas at walang takot naa si Migo ay umiiyak ngayon sa harapan ko.
"I am sorry, baby... Please don't make me stay away from you... Please." Sambit nito. Basag ang kanyang boses at nanginginig.
Nanghihina ang tuhod ko sa nakikita. Ramdam ko ang paglambot ng puso ko sa nakikita. The guy that I love is here in front of me crying.
"Migo." Bulong kong tawag sa kanyang pangalan.
Gustong gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko.
I need to ask him about Cami. Kung anak niya ba talaga ang dinadala noon ni Cami!
"Ayokong mayroong kaagaw ang anak ko. Kung hindi mo siya kayang panindigan, umalis ka nalang."
"Hindi ko anak ang dinadala ni Camilliane, Tali." Rinig kong sambit.
Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko sa narinig. Hindi niya anak iyon?
"Madaling magsinungaling, Migo."
Kita ko ang pag-angat ng ulo niya. Nagulat pa ako ng bigla itong may kinuha sa gilid ng coffee table. Iniabot niya ito sa akin sa nanginginig na kamay. Mabilis ko itong hinablot mula sa kanyang kamay. It's a DNA test. Ang nakalagay doon ay ang pangalan ni Daddy at ng anak ni Cami. At ang patunay na magkadugo sila. Nanginig ang kamay ko sa nabasa. Sa kasunod na papel nito ay ang kay Migo naman. Negative.
Tuluyan ng nahulog ang luhang kanina pa naiipon sa aking mata.
Hindi niya anak. Kapatid ko iyong dinadala ni Cami.
"I only have a child to you. Sayo ko lang gustong magkaanak, Tali." Nakayuko ito sa harap ko.
"Anong relasyon niyo ni Cami?" Matigas kong tanong.
Nag-angat siya ng tingin dahil sa tanong ko.
"Talitha..." Mahina niyang tawag.
Lumapit ito sa akin. Akma niya akong yayakapin pero kaagad akong humakbang palayo sa kanya.
"Ano Migo?" Pagmamatigas ko.
Bumuntong hininga siya. "She's my ex-fiancee. Matagal na kaming naghiwalay, years before I met you."
Paliwanag niya. Years before he met me?
Then why did Cami did that? Gusto pa niya si Migo?
"I love you."
Ang mabilis na tibok ng puso ko ay pakiramdam kong mas bumilis pa. I shut my eyes tightly. Did I heard it right?
"Ikaw ang mahal ko, Tali. I did not cheat on you."
Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at dumapo ang kamay niya sa aking braso. Ang mainit niyang palad ay nagdadala ng kiliti sa aking balat.
Alam ko na napatawad ko na si Migo. Takot lamang akong harapin ang katotohanan. Takot akong masaktan. At sa takot ko ay lumayo ako. Lumayo ako para umiiwas. But then, in the end. Heto parin ako at hinaharap siya, pinapatawad siya.
"I'm sorry too, Migo." I murmured.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya kasabay ng paghila niya sa akin para sa isang mainit na yakap. Right then, I cried in his shoulder.
"Let's start over, baby." Bulong niya sa akin kasabay ng pagpatak ng halik niya sa aking noo.
Yes. I want us to start over. Kakalimutan namin lahat ng mga pagkakamali. And maybe, one day. Mahaharap ko rin ulit sila Daddy.
Kinabukasan ay kaagad akong nagising. Nag-usap pa kami ni Migo kagabi. We talked about going back to Altagros. Ang usapan namin ay dalawang linggo. I agreed. Maybe this is the time to face them. Namimiss ko na sila.
Agad akong nagtungo El fredo ng umagang iyon. Hindi ko na inantay pang magising si Migo.
Bumungad sa akin ang mga nakaayos na table para sa mga bisita.
"Armelle!"
Nilingon ko ang pinagmulan ng tawag sa akin. Silas is half running to me.
Ang suot nitong maong at shirt ay fitted sa kanya. Mukha itong bagong ligo.
"Aattend ka mamayang gabi, diba? I have a surprise for you." Saad niya. Kumindat pa ito sa akin.
"Hmm, aattend ako pero agad ring aalis. Hindi ako pwedeng magpuyat." Nakangiti kong sagot.
Umakbay ito sa aking balikat at sumabay sa paglalakad papasok.
"Magandang umaga!" Bati nila Ate Chrissy sa amin pagkapasok.
Agad na sumalubong si Samuel sa amin ni Silas.
"Asan si sir Miguel?" Tanong nito sa akin at nilingon pa ang likod namin para tingnan kung nakasunod ba si Miguel.
"Umuwi na, Samuel." Pagbibiro ni Silas.
I laughed at that. Kumunot ang noo ni Samuel sa narinig.
"Susumbong ako nito sa asawa mo, Armelle." Bulong ni Silas sa akin na ikinangiwi ko.
Ano namang mali? Wala naman kaming ginagawang masama. Hindi naman magagalit iyong si Migo.
Agad na tumulong kami sa pag-aayos. Ichineck ko lang ang mga baso at platong nakaarrange na sa bawat table. Ilan lang naman ang bisitang darating kaya hindi gaanong mabigat ang preparations.
Halos magtatanghali na ng matanaw ko si Migo na nakabusangot papasok sa reception. Nakasuot lamang ito ng jersey shorts at puting shirt. I smiled at him. Kakagising lang yata.
"Why didn't you wake me up, baby?" Agad niyang salubong sa akin.
Nakasimangot ang mukha nito at mukhang wala sa mood. Umiling ako sa kanya habang nakangiti.
"Mahimbing ang tulog mo. Mukha ring hindi ka nakakatulog ng maayos kaya hinayaan nalang kita." Paliwanag ko.
Agad na pumalibot ang kamay niya sa akin habang tinititigan ako.
"Hmm, next time wake me up." He murmured before planting a kiss directly at my lips.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at uminit ang pisngi. Pagbawi niya ng labi niya ay kaagad siyang ngumisi sa akin.
"Miguel!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya.
Sinubukan kong alisin ang dalawang palad niyang nakahawak sa aking baywang pero hindi naman niya inalis. He even caressed my tummy.
"Silas... Why are you here again?" Nakasimangot nitong tanong.
Humalakhak naman si Silas sa kanya saka iniabot ang isang paper bag na may tatak ng isang mamahaling brand.
"Porke't narito kana ay tinataboy mo na ako. Buti nalang hindi ako natitinag sayo." Halakhak ulit niya.
Sinagot lamang siya ng mura ni Migo at saka hinila ako paupo sa aking pwesto sa reception.
He smiled at me. Susunod pa sana si Silas pero itinaboy niya lamang ito matapos siyang may sabihin dito. Agad namang tumalima si Silas paalis.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)