Kabanata 5
Lunch
"Tali!"
Hawak ang aking bag ay lumingon ako sa aking likod. Kita ko si Dash na nakapamulsa habang naglalakad palapit sa akin. Ngumiti ako sa kanya at agad rin naman niyang sinuklian ito. Nang makalapit siya ay niyakap niya ako.
"Tito called me a while ago. Ang sabi niya'y samahan kang tingnan ang site." Anito.
Tumango ako sa kanyang pahayag. Last year I graduated my degree in Bachelor of Science in Civil Engineering. Nang maka-graduate ay kaagad akong nag-take ng board exam matapos ang ilang buwan na review at nang makapasa ay kaagad akong isinabak ni Dad sa mga site na hawak ng kumpanya dito sa Altagros. Nitong nakaraang buwan ay naging abala ako sa pagtitingin ng construction nang ginagawang mall dito sa probinsya. Hindi ko na namamalayan ang mga araw dahil sa pagoging abala. Ni hindi ko nga namalayang halos dalawang buwan ko na atang hindi nakikita yung manliligaw ko "raw" ayun sa lalaking yun. How dare him say that he's courting me yet he won't show up? What a jerk!
"Masyadong abala sa site, Dash. Paniguradong hindi kita mahaharap doon at makikita mo lang kung paano ako magalit sa ilang mga construction worker na hindi kumikilos ng maayos." Kunot noo kong paliwanag sa kanya ng maalala ang inis ko nung nakaraan ng mali ang binili nilang materyales para sa semento.
Humalakhak si Dash sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko.
"You're stress, Tali. Kitang kita na iyang wrinkles mo." Saad niya na nakapagpalaki ng mata ko.
What the hell?
Hinampas ko siya dahil sa kanyang sinabi. Tumawa ito habang ihinaharang ang kanyang mga braso para protektahan ang kanyang sarili mula sa hampas ko.
"You rude guy! Wag ka na nga lang sumama!"
Nagmartsa ako palayo sa kanya. Humalakhak ulit ito bago sumunod sa akin.
"Just kidding. Actually, Tito asked me to say that one of your investors pulled out his shares but it is immediately sold. Balak ko pa naman sanang bumili ng stocks sa kumpanya niyo dahil mukhang yayaman ako kapag rito ako mag-iinvest." Nakangisi nitong saad.
Nangunot ang noo ko. Who pulled out? Sino naman ang bumili kaagad? Hinanap ko ang phone ko sa bag ko ngunit di ko nakita ito. Mas hinalughog ko pa ito ng magsalita ulit si Dash.
"Oh! I almost forgot. Naiwan mo raw ang phone mo sa bahay niyo sabi ng Kuya mo."
Napabuntong hininga naman ako. I thought I lost it. It's too hassle to change a phone.
"I'll talk to them later. Let's go." Pag-aaya ko sa kanya patungong site.
Nang makarating kami sa site ay sumalubong sa akin si Mang Antonio. Ang tagapamahala sa mga trabahador.
"Magandang umaga, Engr. Ramirez." Nakangiti nitong bati.
Ang kanyang namumuting buhok ay hinahangin ng alisin niya ang kanyang hardhat. Sa tuwing ngumingiti ito ay lumalabas ang mga wrinkles niya sa mukha.
"Magandang umaga rin po. Kamusta po ang trabaho?" Tanong ko habang sabay kaming naglalakad.
Dash is still on his car. Sabi niya ay tatawagan niya lamang saglit si Yazzi dahil nagpapasundo ito sa kanya ngunit nandito siya sa site kaya nagdesisyun siyang maya maya siya babalik para kunin si Yaz.
Pumasok kami sa loob ng container room na nagsisilbing opisina ko dito sa site. Malamig na sa loob dahil sa air conditioner. I grabbed my hardhat and waer it before grabbing the blueprint.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)