Kabanata 4
Court
Hindi ko mapigilan ang ngiting kumakawala sa labi ko habang naglalakad kami sa loob ng mall. I can't stop myself from feeling contented.
Nang matapos kaming kumain kanina ay nag-aya ako sa kanyang samahan akong magshopping. Nung una ay hindi niya ako pinapansin but right after a call from his phone he answered me a yes kaya heto kami at naglilibot at humahanap ng kung anong magustuhan ko.
Tahimik lamang siyang nakapamulsa at seryoso habang dala ang ilang napamili ko na. Hindi maipagkakaila ang ilang babaeng lumilingon sa kanya at tila mga kinikilig tuwing masusulyapan niya. Is he even aware? Mukha kasi itong may malalim na iniisip. He's just staring in front. Or baka naman bored na siya?
"I'm buying shoes." Banggit ko.
Agad itong tumango at lumingon pa sa aming paligid na tila naghahanap ng store kung saan namin mahahanap ang sapatos na gusto ko. Akmang papasok na ako sa isang kilalang boutique nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napalingon naman ako sa kanya ng makitang nakakunot ang noo niya pero sa iba nakatingin. Sinundan ko ang kanyang paningin at nanlaki ang mata ko ng makita si Daddy at Cami sa loob ng shop. Agad akong nainis. He really knows her, huh? I composed myself and smiled slightly, hiding my anger.
"May problema ba, Migo?" Pagtatanong ko sa kanya.
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa loob at mahigpit ang hawak sa aking palapulsuhan at nang ibaba niya ang tingin sa akin ay lumamlam at unti unting nawala ang kunot ng kanyang noo. He sighed deeply.
"Let's buy your shoes." Mahina niyang saad at pinangunahan pa ako sa pagpasok sa shop habang hawak parin ang palapulsuhan ko kaya napasunod ako sa kanya.
Nang makita ko sila Dad ay nagkunwari akong nagulat at hinila siya palapit ng akma siyang pupunta sa kabilang parte ng shop.
"It's my dad over there!" I said smiling.
"Dad!" Tawag ko pa sa pansin ng dalawa.
Lumingon ang dalawa at pinanood ko ang ekspresyon ni Cami, kita ang paglipat ng tingin niya mula sa akin patungo kay Migo. I arched my brow. See this man? Nang bumalik ang tingin niya sa akin ay agad itong nag-iwas ng tingin. Sinalubong ko agad ng matalim na tingin ang mga mata niya.
"Hi!" I greeted.
Nasa likod ko lamang si Migo habang bumabati ako kila dad. Dad runs his eyes to the guy behind me.
"Oh! I forgot! Dad, Cami this is Miguel Madridejos. Migo this is Dad and Cami." I introduced.
His eyes looked at me before looking at the couple in front of us. He clenched his jaw before getting dad's offered hand to shake hands.
"Nice meeting you, Hijo." Bati ni Dad.
"It's a pleasure, Sir." He politely answered dad.
Kita ko naman ang pag-aalangan ni Cami. Hindi sila nag-shake hands at tanging tango at kiming ngiti lang ang ibinigay ni Cami sa kanya. I wanted to smirk at her. Hindi man lang siya magkunwaring interesado?
"Boyfriend mo, Talitha?" My Dad asked making my jaw dropped. I did not expect that.
What? Wait.
Boyfriend?
"Huh? Dad! --"
"Not yet, Sir but I am courting her." Putol niya sa aking sinasabi.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)