Kabanata 26
Miss
Ito na ang pinakamatagal na minutong dumaan sa buhay ko.
Nanginginig ang kamay ko sa kaba. Kinakabahan, natatakot at masaya, ito ang nararamdaman ko. Sa kabila ng mga nangyari, may dumating paring maganda sa akin.
Inangat ko ang maliit na bagay at halos tumigil ang hininga ko. Damn. I'm pregnant. My baby.
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi pa man nakikita ay mahal ko na ito. Hinaplos ko ang maliit kong tiyan. I love you, baby. Kapit ka lang sa akin.
Lumabas ako ng bathroom at bumungad sa akin si Ate Chrissy at Ate Res na kanina pa nag-aabang. Halata ang kuryoso nila. Lumiwanag ang mukha nila ng ngumiti ako sa kanila.
"Positive po." Mahinang saad ko.
Suminghap sila. Agad akong niyakap ni Ate Chris. "Magandang balita ito, Armelle."
Halos mapahikbi ako sa kanilang yakap. Nalulungkot ako sa katotohanang hindi makikilala ng anak ko ang ama niya. Wala akong balak. I would never tell him about my baby.
Ito ang iniisip ko buong araw. Kinabukasan ay hindi parin maalis ang masamang pakiramdam ngunit hindi na kagaya ng dati na naiinis ako. Ngayon ay natutuwa ako dahil alam kong may nabubuhay sa loob ko. Buong araw ay naging abala ako dahil sa mga bagong dating na turista. Halos maggagabi na ng mawalan ako ng pagkakaabalahan. Masakit ang aking mga binti dahil sa pabalik balik na paglalakad at paghahatid ng mga turista sa kanilang silid.
"Armelle!" napalingon ako sa tumawag sa akin.
Naglalakad si Samuel at may dalang isang plastic. Itinaas niya ito sa akin.
"Sayo yan." Sambit niya. Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
"Ha?" takang tanong ko. Tinanggap ko ang ibinigay niya at sinilip ito.
Halos kunin ko na ito ng makita. Strawberries and marshmallows! Pinigilan ko lamang ang sarili dahil nahihiya ako sa binata. Why would he give me these? At saka pano niya nalamang gusto koi to? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong pinagsabihan ng tungkol dito.
"Wag na, Samuel. Nakakahiya." I shyly pushed the plastic bag away from me.
Humalakhak ito at nagkamot pa ng batok na mistulang problemado kapag hindi ko tinanggap.
"Sayo talaga yan, ma'am Armelle. Tanggapin mo, please?" saad nito saka lumingon sa labas ng El Fredo.
Sinundan ko ang tingin niya at napansin ang isang puting trailblazer car. Hindi koi to napansin kanina pero baka pag-aari ng isa sa mga turista.
Huminga ako ng malalim at ibinalik ang tingin kay Samuel. Kabado na itong nakatitig sa akin. Nagkibit balikat ako.
"Sayo ba galling 'to?" pagkukumpirma ko.
Nag-iwas itong ng tingin. Hindi sumagot.
"Basta sayo iyan, Ma'am---- este Armelle." Hindi na ito mapakali sa kanyang kinatatayuan. Nagbuntong hininga ako at hindi nalang pinansin ang kakaibang ikinikilos ng binata. Wala naman siguro itong ibig sabihin o kung ano.
"Salamat, kung ganoon. I'll accept this because you're pushing it." Pagpapalusot ko nalang para mawala ang awkward na hangin sa pagitan namin. Tumango siya at maya't maya ay nagpaalam na aalis na.
Iyon ang simula ng pagbibigay ni Samuel ng strawberries at marshmallows sa akin. Minsan ko pa itong tinanong kung niya kinukuha ang mga ito pero pilit lamang niyang iniiba ang usapan.
Minsan akong lumuwas sa bayan ng Zambales para magpacheck up sa isang ospital. Hindi ito kilala pero buti na lang at mayroong espesyalista sa pagbubuntis doon. Ang sabi sa akin ni Ate Res ay ngayon lamang daw ulit nagkaroon ng obstetrician gynecologist doon sa hospital. It's a pregnant luck, I guess.
Halos maiyak ako ng marinig ko sa unang pagkakataon ang tibok ng puso ng anak ko. He/she is like little bean inside me but it's alive. I can't wait to see him/her.
Nagbilin ang doctor ng mga dapat iwasan at kailangang gawin ko para sa ikabubuti ng baby. Nagresita rin ito ng mga vitamins sa akin. Kaya naman agad kaming nagtungo sa mismong bilihan ng mga gamot.
Hindi ko maialis ang ngiti sa aking mga labi dahil sa chekup. Ilang buwan pa at makikita at mahahawakan ko na rin ito. Maliit pa ang tyan ko ngunit kung hapit ang damit ay mapapansin ang konting laki nito.
Rest day nang nagdesisyon akong galain ang buong isla. Pwede itong lakarin kaya naman wiling wili ako sa pagtingin sa mga batang nagsiswimming sa pangpang. Hindi kagaya noong nakaraang dalawang buwan, mas marami ang mga turista ngayon. Buti na lamang at mayroong restday kaya hindi ako naiistress. Bukas ay anibersaryo ng resort kaya uuwi raw ang may ari sabi ni Ate Res. Ang tagapamahala ng resort.
Halos hindi kami magkamayaw sa pag-aayos kinabukasan. Ichenicheck ko ang mga table at list of visitors nang mapansin ko ang pagkaway ni Silas ng makita ako. Weird it is. Halos ilang beses na itong nagpabalikbalik rito sa resort. Minsan ay mayroong kasama, minsan ay wala. Nagtataka na nga ako sa mga rason niya sa pagbalik dito. Kagaya noong nakaraang tinanong ko siya.
"I'm watching someone. Iyong kaibigan ko kasi ay mapilit. Halos patayin ako ng tanggihan ko." He said. Tinawanan ko pa ang kanyang accent sa tagalog ng sagutin niya ang tanong kong pagbalik niya.
Ang sumunod na balik niya ay mas ipinagtaka ko. May mga dala itong pagkain para sa akin at ilang vitamins. Alam kasi nitong nagdadalang tao ako. Medyo halata na rin kasi ang laki ng aking tiyan. Halos limang buwan nalang ay makikita ko na ang baby ko. Hindi na ako makapag-antay.
"That's yours. May nagpapabigay nito sayo." Iniabot niya ang isang box na puro gamit ng baby.
Halos manlaki ang mata ko sa nakita. Hindi pa ako gaanong nakakabili ng gamit dahil Matagal pa naman ang kabuwanan ko.
"Kanino nanaman galing 'to? Pinanlilimos mo ba ako sa mga kakilala mo?" nakasimangot kong sambit sa kanya at ibinaba ang box.
Hinawakan ko ang medyo umbok ko ng tiyan. Tumawa lamang ito sa akin si Silas.
"Ang pangit ng accent mo. Hindi bagay sa tagalog." I laughed at him. Ngumiwi siya at pabirong umirap.
Silas become my friend. Sa pagpapabalik balik niya at pangungulit ay naging malapit na ako sa kanya. He's kind and sweet, actually. Tuwing umaalis ito ay nangangakong babalik rin at pagbalik naman ay may kung ano anong dala.
"At least, I'm handsome. Aminin mo, nabighani ka sa kaguwapuhan ko!" halakhak nito. Nag-abot siya ng strawberries sa akin at naupo sa tabi ko.
Umirap ako.
"Assumming ka. Mas gwapo naman sayo si Mig--" napatigil ako sa sinabi. Para akong binuhusan ng tubig.
Why did I remember him? Halos hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan. Gusto kong ideny ang katotohanang namimiss ko na ito, pero hindi ko magawa. I really miss him. I miss kissing his soft lips. Hugging him and sleeping beside him, feeling his warmth.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)