Chapter 11

14.9K 256 69
                                    

Leu's POV

Maaga naman akong gumising para maghanda ng agahan at para rin sa babaunin ni Yanny.Actuall it's her first day of school.

Kukuha pa lang sana ako ng mga ingredients nang nakita kong gising na rin pala si Ilsa ng ganito kaaga.

Hindi naman kami nagpansinan.At wala ring rason para bigyan ko ito ng pansin.

I was cooking my specialty which is a carbonara dish.Favorite kasi ng mag ama ko ito.

"You're making a pasta for breakfast?"Tanong nito sa akin.

"Isn't it obvious?"Sagot ko sa tanong nito.

Agad naman siyang pumunta sa ref at may kinuhang mga gulay na labis kong ipinagtataka. "You're going to eat that?"

"I'm going to make a Chop seuy and it's healtier than yours so we'll going to eat this one."Prangka nitong sabi dahilan para taasan ko ito ng kilay.

"So iniinsulto mo yung gawa ko?"Tanong ko dito.

I need to calm myself first.Buntis ang kaharap ko ngayon.

"Yes.As a mother and a wife, you should pick the best.Hindi yung kong ano lang ang masarap ay yun lang rin ang lulutuin mo."Sabi nito.

Napangiti nalang ako ng plastik dito. "Masyado ka namang ambisyosa na feeling mo lahat ng gawa mo ay okay lahat.Let me tell you something, As a woman I am more experienced than you so better mind your own business.Wag kang mag magaling."Sabi ko dito at iniready ang ginawa kong pasta sa lamesa.

She's done too cooking her own dish.Inumpisahan ko namang gawin ang lunch na babauinin ng mag ama ko.

"Thorine wouldn't need that.Pati ba naman siya ginagawa mong bata?"Pagsingit nito uli.

Napakagat nalang ako ng labi.Ang sarap niya lang sabunutan.

Kaya minabuti ko nalang itong hinarap saka dinuro dito ang serving fork na hawak hawak ko. "Wala kang pake kong gagawan ko niyan si Thorine afterall I am his wife.Kakainin niya ang gawa ko.So kung inggit na inggit ka sa mga pinanggagawa ko, humanap ka ng sarili mong asawa."Madiin kong sabi dito.Ang lakas kasi niyang manira ng mood lalong lalo na't umaga palang.

"Asawa ka nga pero hindi ka naman mahalaga sa kaniya."Pabalang na sambit nito.

"Pero atleast akin siya.Hindi niya man gusto, wala parin siyang magagawa."Sabat ko dito.

Ano?May sasabihin ka pa bang babae ka?Ready na ang kutsilyo para putulin yang dila mo.

Sakto namang may yumakap sa likod ko. "Good morning Mami."Bati ni Yanny.

Agad ko naman itong hinarap. "Good Morning too Anak.Sige na baby gisingin mo na si Dadi mo.Breakfast is ready."Sabi ko dito na ikinatango naman nito.

"Ako nalang.Mahirap gisingin si Thorine."Sabi ni Ilsa at aakmang aalis na pero pinigilan ko ito.

"My daughter can handle it.Hindi ka namin kailangan."Seryoso kong sambit dito.

"Why can't you just accept that he needs me more?"Pabalang na sambit nito dahilan para mas mapahigpit ko pa ang pagkakahawak ko sa kaliwang braso nito.

Kita rin sa mukha nito nasasaktan na siya.Halos nagtaka naman ako ng mapaiyak ito.

"M-masakit na Leunice.W-wala naman akong ginagawang masama.Please it hurts."Pag iinarte nito.

His Desperate WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon