Chapter 13

15.5K 253 131
                                    

Leu's POV

Habang sinusuklayan ko ang buhok ng anak ko ay napatanong nalang ako dito dahil napakatamlay nito. "Anak, why are you sad?"

Agad naman ako nitong hinarap. "Hindi na po ba makakasama satin si Dadi?"Tanong nito.

Parang patuloy na sinasaksak ang puso ko sa tanong nito.Ito nalang kasi palagi ang problema.

Nawawalan na ng oras si Thorine sa anak niya.

"Baby, pasensiya ka na.Pero may check up sila ngayon ni Tita Ilsa mo.Kaya siguro hindi makakasama si Dadi mo ngayon."Malungkot na sabi ko dito.

"Lagi nalang po si Tita Ilsa, Mami.Mas love na ba ni Dadi si Tita kesa sakin?"Naluluhang tanong nito.

Niyakap ko nalang ito. "Lagi mong tatandaan anak na mas love ka parin ni Dadi."Pag kumbinsi ko dito.

Kahit kasi naiinis na ako kay Thorine, di ko parin magawang sirain ito sa harap ng anak namin.

"Mami hindi eh.Kasi kong mas love ako ni Dadi dapat sasama siya!"Biglaang pagsigaw nito sa akin dahilan para magulat ako.

"Yanny, it's bad to shout."Pagpapakalma ko dito.Pero imbis na kumalma ito ay mas umiyak pa ito lalo.

"Bakit ganon si Dadi?Love niya ako diba?Sabi ng mga classmates ko hindi na!Kasi hindi niya na ako hinahatid sundo sa school.Di na daw niya ko love Mami.Lagi ko na lang yun naririnig sa mga classmates ko!Bakit ako nalang palagi ang umiintindi Mami?Paano na yan Family day ko tapos walang Dadi.Mas kukutyain nila ako.Ayaw ko po nun."Humahagulgol na sabi nito.

"Yun ba ang sinasabi ng mga classmates mo anak?Binubully ka ba nila?"Nag aalalang tanong ko dito.

Tumango naman ito sa akin. "Ma, Family day ko po ngayon.Tapos wala akong Dadi.Aasarin na naman nila ako lalo, Mami.Absent nalang po ako please."Pamamakaawa nito sa akin.

Pilit naman akong ngumiti dito. "Pwede naman kahit ako lang baby eh.Kaya kong maging Dadi mo and at the same time as your Mami too.Isn't it great?"Sabi ko dito para rin mapagaan ang loob nito.

"Mami, mas gusto ko parin nandiyan si Dadi.Baka po kasi mag iba pa ang desisyon niya."Malungkot na sabi nito.

"Baby, sorry.Sorry kasi walang kasiguraduhan kong mapapapayag ko ang Dadi mong makasama satin.But I'll try my best."Sabi ko dito saka hinalikan ito sa noo.

"Kung ganon po, okay lang po.Sa susunod nalang uli na family day sa school."Matamlay na sabi nito.

"Now cheer up baby.Let's eat breakfast with them."Sabi ko dito.

Umupo naman kami sa hapagkainan.Nakapwesto narin sila Thorine and Ilsa.

"Napatagal ata kayo?"Takang tanong ni Ilsa sa amin pero di na ako nag aksayang pansinin pa ito.

Nilagyan ko naman ng pagkain ang plato ni Yanny. "You eat now little girl."Sabi ko dito saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

"You didn't greet me earlier Yanny."Sabi ni Thorine sa anak naming tahimik at nakayukong kumakain.

"Uhm sorry po.Good morning Dadi."Nakayukong sabi nito.

"Yanny what's wrong?"Nag aalalang tanong ni Thorine sa anak namin.

"Nothing's wrong with your daughter Thorine.Normal lang sa bata ang mawalan ng gana."Singit ni Ilsa dahilan para mabitawan ko ang aking kutsara at tinidor.

His Desperate WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon