Kabanata 1
Noah Reigan Elizalde
Romeo's first love was Rosaline. Hindi siya napagtuonan ng pansin sa sikat na play ni Shakespeare dahil ginawa lang siyang basehan ng pagmamahal ni Romeo. Ihinambing lang ng mga manonood ang pagmamahal ni Romeo kay Rosaline sa pagmamahal niya kay Juliet at napag isipan na mababaw iyong kay Rosaline kumpara sa pangalawa.
Nang nakita ng mga manonood na mas matindi ang pagmamahal ni Romeo kay Juliet ay tinapon na nila ang ideya ni Rosaline.
Rosaline was the reason why Romeo and Juliet met. Hindi ko mapigilang ihambing ang nangyari sa amin simula pa lang.
Grade 7 nang naging magkaklase kami ni Noah Reigan Elizalde. Nakaupo ako sa assigned seat, unang araw pa lang ng pasukan. Ang mga pinsan kong si Everlyse at Stan, also known as "kambal" ay parehong dito nag aaral simula pa yata nong Kinder pa sila. Ako naman ay palipat lipat ng paaralan. I lived in the States for months when I was younger. I will need to live there for God-knows-how-many-years again to complete my naturalization.
Pumasok si Stan, naka ballcap at naka pulang varsity jacket. Nagtataas siya ng kilay sa akin habang kumikinang ang mga piercings niya sa tainga. So... this school allows their male students to have those kinds of piercings inside campus, huh?
Lumakas ang halakhakan at napansin ko ang mabilis na pag galaw ng ibang babae. Ngumisi si Everlyse at kumindat pa sa akin. Her doe eyes became wider.
"What?" Linabi ko sa kanya.
Pinaikot niya ang kanyang daliri sa kanyang tainga sabay turo kay Stan. Oh, yes. She thinks her twin is going crazy over fame.
I think it's not about fame, though. Stan was naturally arrogant. He enjoys the attention of other girls. Nilingon ko ang mga babaeng nangingiti at lumalapit sa kanila. I never thought die hard fans can exist in this school. I was wrong. They exist everywhere. At ang hindi ko alam ay magiging isa pala ako sa kanila nang napatingin ako sa isang lalaki.
Huli siyang pumasok sa classroom. Nasa likod niya nakasabit ang isang, tingin ko, electric guitar. Wala kasi akong alam sa ganong klaseng music. Dad wants me to enjoy violin or piano way back. Kaya kahit na hindi naman talaga ako ganon ka interesado ay pinilit akong matuto.
Isang tingin niya lang sa akin ay agad siyang bumitiw. Hindi niya na ako tiningnan pabalik, kahit isang beses. Hinarap lang ng lalaking ito si Stan, ang pinsan ko. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki. Matangkad siya, hindi gaanong maputi, kulay pink ang manipis na labi, matangos ang ilong, malalim ang mga mata, medyo magulo ang buhok. Nakapamaywang siya nang nakipag usap kay Stan at nakita ko sa braso niyang hindi siya payat dahil sa muscles. Naka itim siyang t shirt at naka faded jeans.
Nagtawanan sila nina Stan kaya medyo napatalon ako at nakabalik sa aking ulirat. He's just another attractive boy. Pumangalumbaba ako at naiwala ko na naman ang sarili ko sa titig ko sa kanya.
Tinanggal niya ang gitarang nakasabit sa kanyang likod at kinagat ang dulo ng isang itim na jacket habang nagsasalita siya. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. Mabilis niyang sinuot ang isang jacket na sumisigaw ng Stussy bago pinulot at pinadausdos ang leash ng gitara sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
Worthless (Published Under MPress)
RomanceMaria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan...