Kabanata 51

1.5M 40.8K 45.7K
                                    

Warning: SPG

--------------------------------------------

Kabanata 51

Big Time

Kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa seminar ang ginawa namin ni Ysmael habang kumakain. Hindi ko maiwasan ang pag kokumento sa dami ng nagsidaluhang importanteng tao at magagaling na speaker. Hindi ko rin pwedeng di punahin ang naglalakihang kompanya na pinanggalingan ng ibang delegates.

"How about you, Ysmael? Kumusta?" Tanong ko nang napansin kong puro ako na lang ang pinag uusapan.

"I'm good. Medyo busy sa opisina." Aniya at humilig sa mesa, pinagsalikop ang mga daliri habang tinitingnan ako. "I missed you."

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung seseryosohin ko ba ang sinabi niya. "M-Miss ko na rin nga ang opisina. Naisip ko tuloy kung kamusta na sina Ma'am Alexis at Ma'am Alice tsaka 'yong buong team. Kinakabahan ako sa sunod na linggo, e. I hope we'll make it." Binalik ko ang ngiti ko.

Ngumisi si Ysmael at bahagyang yumuko ng saglit bago nagtaas ulit ng tingin sa akin.

"I'm sure you can do it. Kaya ng team niyo iyan. Don't you miss me?" Malambing niyang sinabi.

Naglapag ng mga bote ng beer ang lalaking waiter nong kinainan namin. Sinenyasan yata ni Ysmael kanina pagkatapos naming kumain kaya dumating na iyong beer. Mabilis ko itong kinuha at napainom muna ako bago ko siya sinagot.

"Of course, I missed you." Tumawa pa ako para mabalewala ang pagiging awkward ng pangyayari.

Ngumiti siya at nagkatinginan kami. "Ready ka na ba bukas? Want me to help you?"

"Ah! Maayos na rin naman 'yong nagawa ko. Kaya naman siguro bukas." Sabi ko.

"Hindi ka ba nahirapan? You can ask me some questions if you want."

"Hindi na. Ayos lang." Ngiti ko.

Bumalik ulit sa opisina ang aming usapan. Nalaman ko na talaga palang hectic ang trabaho niya at stressful. That's what the top is all about anyway. Ma eenjoy mo ang pera pero bugbug ka naman sa trabaho.

"Your dad must be real proud of you." Sabi ko pagkatapos niyang ibahagi sa akin ang mga nangyayari sa kanya sa trabaho.

Hinawakan niya ang kanyang labi at matagal akong tinitigan. Ngumiti lang ako at naghintay ng kanyang sasabihin.

"My dad will be more proud if I get myself a girlfriend." Tumawa siya.

Namilog ang mata ko at bahagyang hindi naging kumportable. "You should get a girlfriend. I'm sure marami kang kaibigang nagkakagusto sayo. Sa gwapo mong iyan." Umiling pa ako.

Tumitig pang muli si Ysmael sa akin na para bang may sinabi akong hindi niya matukoy. Ilang bote na ang naubos naming beer dahil napasarap na ang kwentuhan. Hindi ko sinasadyang humikab sa kanyang harapan. Alas dyes pa naman pero sa tindi ng trabaho ko ngayong araw ay napagod yata ako ng husto.

"Want to sleep?" He asked.

Ngumiti ako at ramdam ko ang pagod sa aking mga mata. "Maaga pa ako bukas, e. Tsaka pagod ako today. Sa wakas! Last day na tomorrow. Then, I can go home. I miss Manila." Sabi ko at humikab ulit.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon