Kabanata 48

1.3M 38.6K 23.8K
                                    

Kabanata 48

Please

Mabilis kong nilapitan muli ang aming mesa kung nasaan ang aking bag. Hinanap ko roon ang aking wallet. Kumunot ang noo ni Ysmael sa pagkakataranta ko.

"May problema ba?" He asked.

Umiling ako at dininig muli ang cellphone. "Anong bagay iyan? Nandito naman ang cellphone ko, pati wallet."

"I don't really know, Meg. Sabi lang ni manong na importante ang bagay na nawawala sayo. Kunin mo raw agad sa Lost and Found." Bigong sinabi ni Ma'am Alice.

"Okay," Pumikit ako, nalilito. "Sige, sige. Salamat."

Binaba ko ang tawag at bahagyang nag isip. Hindi pa kami nakakakain ni Ysmael pero ang bastos naman kung aalis na lang ako dahil sa isang bagay na nawawala na hindi ko naman alam kung ano.

"May iki-claim daw ako sa Lost and Found." Sabi ko at umupo na.

Iminuwestra naman niya agad ang pagkaing kanina pa pala nilapag ng waiter. "I'm sure that can wait. Let's eat first?" Anyaya niyang tinanguan ko.

Hindi ako mapakali sa aming pagkain. Pilit kong iniisip na wala lang iyon dahil nandito naman lahat ng importanteng bagay sa akin pero may pangamba parin sa akin na baka nga may nakalimutan lang ako.

Mabilis na lumipas ang pagkain namin. Maraming sinabi ni Ysmael ngunit hindi ko nasundan ng mabuti dahil sa pag aalala ko.

"You enjoyed our lunch?" He asked nang tumayo kami galing sa table at iminuwestra niya ang pintuan paalis sa restaurant.

Bahagya niyang hinawakan ang aking baywang. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"I can't be with you tonight. May board meeting ako. Tomorrow, we'll have lunch again too?" Nagtaas siya ng kilay.

Tinitigan ko siya. Seryoso ba siya? "Hindi mo naman kailangang makipag lunch sa akin araw-araw, Ysmael."

"Hindi ko kailangan pero gusto ko, Meg." Tumitig siya pabalik sa akin ng mas malalim.

Tumango ako at unang bumitiw sa titigan. I didn't know how to turn him down without making him feel rejected. Iyon nga ang sinabi niya, ayaw niya ng rejection.

Nang nakarating kami sa opisina ay sinalubong kaagad siya ng kanyang sekretaryang si Fiona para sa isang meeting. Nilingon niya ako kaya kinawayan ko na lang siya.

"I'm okay. Kukunin ko lang 'yong gamit ko sa Lost and Found. Aakyat ako pagkatapos." Tango ko.

"Okay." Aniya at bumaling agad kay Fiona at pinagkaabalahan ang mga papeles na dala.

Sinundan ko muna siya ng tingin bago ko nilingon ang daanan patungong Lost and Found Center sa building malapit sa Maintenance. Unang beses kong makapasok doon kaya kumatok ako. Binuksan ako ng isang kasing edad kong babaeng naka ngiting aso.

Nagulat ako nang bumugad sa akin si Noah sa mesa na may karatulang "Lost"! Namilog ang mata ko at agad pumasok sa isip ko na siya marahil ang nagpatawag sa akin dito. Humalukipkip siya nang naaninaw ako.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon