Kabanata 20

1.3M 36.1K 23.4K
                                    

Kabanata 20

Respect

"You done packing?" humalukipkip si Stan nang sumandal sa hamba ng pintuan, pinagmamasdan ako.

Tumikhim ako at humalukipkip din. Natatawa sa mga titig nilang dalawa ni Everlyse sa akin. Ilang taon na rin ang lumipas simula nong umalis na ako ng tuluyan sa Pilipinas. It's been almost five years!

"Of course, I'm done," ngiti ko kay Stan.

"Ikamusta mo ako sa banda," aniya.

Tumango agad ako. Pinaglalaruan ko ang buhok kong may kulot sa dulo habang nililingon ulit ang TV. Paranoid ang dalawang ito. Hindi ko alam kung bakit sila kabado para sa akin. Well, yes, I'm slightly nervous. But that's because I will temporarily reside in the Philippines for now.

"Antayin niyo ako, a? Maybe, let's say 6 months or a year from now," wika ni Stan na umupo sa sofang nasa harap ko.

"Dapat ay sumama ka sa amin ni Everlyse," ngiti ko kay Stan. "You miss the band."

"I need to prioritize." Iyon lang ang tanging naisagot ni Stan sa akin. "Ilang pasko naman tayong bumisita doon."

Umiling ako, "Not me. Hindi ako bumibisita doon."

"Yup. Hindi ka umuwi ng pasko pero bumisita ka naman ng dalawang linggo years ago," nagtaas ng kilay si Everlyse.

I really can't escape them. Kung bakit malaking bagay ito para sa kanila ay hindi ko alam. Siguro ay dahil nakita nila kung gaano ka bigat ang pakiramdam ko noon nang umalis ako ng Pilipinas. Siguro rin ay dahil kaibigan ni Stan si Noah. Siguro ay dahil nakita nila kung paano kami nag simula. Siguro ay ganon.

Ibang iba na kami ngayon. Tumangkad pa lalo si Stan. I remember him being 5'7 way back in highschool and now he's 5'11. Samantalang ako ay nanatiling 5'6. This is a cruel world. Tumangkad din ng kaonti si Everlyse pero hindi kasing tangkad ni Stan. Stan's still fair while Everlyse is still kind of tan. Maputla naman ako kumpara sa dalawa at hindi ko iyon gusto. Ang buhok na straight ko noon ay kumurba at umalon sa dulo at pinanatili ko naman ang aking timbang sa pamamagitan ng pag g-gym.

Nang matapos ko ang high school ay nag aral din ako ng kursong pang negosyo habang nag pa-part time job. Uso kasi dito ang ganon. Kahit na ayaw ng parents kong ganon ay kinagat ko parin. Everlyse got herself a steady relationship with a Filipino-American, si Carlos. Kasama namin siya sa pag uwi ngayon sa Pilipinas. While Stan likes to play around with girls. Noon ko pa siya nakikitaan ng mga sintomas ng isang lalaking takot sa relasyon, ngayong nagtagal kami dito sa abroad ay napatunayan ko na iyon.

"Look, Meg. Naghahanap ka lang ng sakit ng ulo," seryosong sinabi ni Everlyse.

"I remember what happened years ago, nong bumalik ako dito at bumisita sa mismong unibersidad na pinasukan ni Noah. You don't have to remind me again."

"Because you are too stubborn, Meg. Remember that you left him. It was all your idea."

"Hindi ko ideya ang iwan siya. Iiwan ko siya dahil kailangan iyon ng pamilya-" giit ko.

"Sinaktan mo 'yong tao. Iniwan at sinaktan mo," mariin niyang angil.

"Ano ba ang dapat kong ginawa? Paasahin siya na doon parin ako? Kausapin siya at sabihing aalis ako at pwede bang maging kami kahit nasa malayo ako? That's stupid. I can't make him go through that," umirap ako.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon