Kabanata 44

1.3M 35K 28.8K
                                    

Kabanata 44

Boyfriend

Pumikit si Noah habang kinakanta niya iyon ng buong puso ko. Unti unting bumuhos ang mga luha ko. Kinapa ko kaagad ang purse ko at nagmadaling pumihit para umalis. Hindi para gayahin si Noah sa ginawa niya sa akin noon ngunit para hindi niya makita na lumuluha parin ako para sa kanya.

Siguro ay pag minahal mo ng husto ang tao, hindi kailanman mawawala ang pagmamahal na iyon ilang taon man ang lumipas o gaano ka sakit man ang dinanas mo sa kanya. It will remain in your heart. Especially if it's true. And what I had for Noah was really true. Kasi I will never endure too much pain if it wasn't.

Kinagat ko ang labi ko habang kinakawayan ang dumadaang taxi. Nakita kong may sakay ito kaya binaba ko ang kamay ko at nilingon pa ang isang paparating.

"Kung gusto mo ng umuwi ay sana sinabi mo na lang. Pwede naman kitang ihatid." Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking likod. Hindi ko na kailangang lingunin para makumpirma kung sino iyon. I know it was him.

Gumapang ang kamay ko sa aking pisngi. Mabuti na lang at natuyo na ang luha ko kanina. Hindi ko parin siya nilingon. Kumaway ako sa taxi'ng papalapit para makasakay na ngunit ang nakataas kong kamay ay hinawakan niya at binaba.

Pagod na tumikhim si Noah. "I'll drive you home."

"No, thanks, Noah. Magtataxi ako." Sabi ko kahit na hawak hawak niya pa ang kamay ko.

"Wag na natin pag awayan ito. Just get in the car, Meg. I swear I won't talk when you don't need me to. I swear ihahatid lang kita and that's it." Iginiit niya at dahan dahan akong hinila patungo sa parking lot. Hinila ko ang kamay ko ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at binuksan ang pintuan sa front seat. Nilingon niya ako at blanko ang ipinakita kong ekspresyon ko sa kanya.

"Please, get in the car." Aniya.

Tumikhim ako at inisip na sa oras na magsalita ulit siya ng tungkol sa nangyari ay lalabas ako doon kahit na tumatakbo ito. I don't want to talk to him. Takot ako. Takot ako na baka bumigay ako kahit na alam kong hindi tama. It's never enough. Nothing will be. He made me feel so worthless, so hurt. Hindi maaaring sa oras na gusto niya akong pulitin ay available ako para mapulot niya. Hindi. Learn, Elizalde.

Pumasok ako sa sasakyan at halu halo ang naramdaman ko sa aking sarili. Pumasok siya sa loob at naramdaman kong bahagya siyang tumingin sa akin na para bang natatakot siya sa maaari kong gawin o sabihin habang nandoon kami.

Pinaandar niya agad ang sasakyan at tumulak na kami paalis doon. Nakahalukipkip ako at nanonood sa labas. Iyong mga sasakyang dumadaan. Mabagal ang patakbo niya sa sasakyan. Gusto ko sanang mag kumento tungkol doon ngunit ayaw kong magsimula ng mapag uusapan kaya hindi ko na lang iyon pinuna.

Imbes na kayang umuwi galing doon ng mga twenty minutes ay parang isang oras yata ang binyahe namin. Mabilis kong kinalas ang seatbelt na suot at agad na bumaba pagkarating ng bahay.

"Salamat." Sabi ko.

"You're welcome." Sabi niya bago ko sinarado ang pintuan.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon