Kabanata 57
Leave Me Alone
Mabilis akong pumara ng taxi sa labas. Siguro ay sa gulat ng mga tao sa ginawa ko ay hindi na sila nakagalaw sa kanilang mga inuupuan. Nagsimulang bumuhos ang panibagong luha sa aking mga mata.
"Saan po, ma'am?" Tanong ng driver habang naglilitanya ako ng mura.
Pumikit ako ng mariin at inisip kung ano nga ba talaga ang mga tinalikuran ko. Magagalit si mommy. Iskandalo iyon sa party. But then dad would support my decision. Pagtatakpan ni mommy ang nangyari. Kontrolado niya ang media. But then people in that party will talk. Still. Tinalikuran ko si Noah. All because of my doubts. Is it worth it? Did I lose it forever? He will never forgive me. He's proud and his ego won't take this blow. Lahat ng sakit na idinulot ng lahat ng ito sa akin noon ay wala nang silbi dahil sa pagtalikod ko ngayon.
"Maxims, Kuya." Sabi ko at mabilis na kinuha ang maliit na wallet ko.
Tanging wallet at cellphone ang dala ko. Cellphone na sumasabog sa tawag ng mga kilala ko. Pinatay ko kaagad iyon. For once, I want to be alone. I want to be with myself. Gusto kong mag isip nang hindi naiistorbo o naaapektuhan ng ibang tao. Gulong gulo ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Pinagtitinginan ako ng mga tao pagkapasok ko sa hotel. Naka itim pa akong gown at kakagaling ko lang sa pag iyak. Nang tiningnan ko ang mukha ko sa salamin ng hotel ay hindi naman nasira ang make up ko, ngunit kita pa rin ang pamumugto ng mga mata.
Pagkatapos kong ibigay ang ilang impormasyon tungkol sa akin at pagsasabing gawing pribado ang lahat ay binigyan na rin ako ng card para sa room. Sinamahan pa ako ng isa sa mga empleyado nilang palangiti. Tahimik ako sa elevator habang kasama ko siya roon.
"Turista, ma'am?" Tanong niya habang tinitingnan ang damit ko.
Umiling ako at di siya tiningnan. Hindi ba nakikita ng mga tao na ayaw kong magsalita?
Kung sana ay pwede akong magpakalayo. Kung sana ay pwede akong mapag isa na lang muna. Kung sana ay pwede akong lumabas ng bansa. Ayaw ko munang makipag usap kahit kanino. I just want to sort things out my way. I want to listen to myself. Ilang araw na akong nakikinig sa mga tao sa paligid ko. Kay mommy, kay daddy, kay Everlyse, kay Coreen, kay Stan, kay Noah... hindi ba pwedeng sa ngayon ay pakinggan ko muna ang sarili ko?
Ano ba talaga ang gusto ko?
Pagkapasok ko sa loob ay iniwan agad ako ng empleyado. Sa pintuan pa lang ay hinubad ko na ang pumps ko at ang paa ko ay lumapat sa pulang carpet ng buong suit. Natigilan ako at may naalala. Pula rin carpet sa bahay ni Noah. May bahay siya.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa kama. Patalikod akong humiga at gumapang. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Nasa isip ko ay puro mapapait. Pakiramdam ko ay napagkaisahan ako ng lahat. Pakiramdam ko ay nasaktan ko rin silang lahat. I lost Noah years ago, and I will surely lose him now.
Hindi matigil ang pag iyak ko doon. Tahimik at kahit TV ay hindi ko binuksan. Hinayaan ko ang sarili kong tumangis hanggang sa natulog ako katabi ang luha.
BINABASA MO ANG
Worthless (Published Under MPress)
RomanceMaria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan...