Epilogue

2.6M 58.1K 72.4K
                                    

Thanks for making it this far.

--------------------------------

Epilogue

Inaayos ko ang relo ko habang nakatayo sa malaking pintuan ng simbahang pinili mismo ni Megan. Sa gilid ko ay si Rozen na humahalakhak at nakikipag kwentuhan kay Kuya Dashiel.

"I still remember it clearly, Noah. 'Yong mga panahong nagtanong ka kung paano makalimot ng babae." Tawa ni Kuya.

"Oh shut it, Kuya." Iling ko nang hindi siya tinitingnan.

Unti unti ko rin iyong naalala. Bitterness was all I felt the moment she left me for reasons I could never understand. Bumagsak ang mga sulat galing sa iba ibang babae pagkabukas ko ng aking locker. Tumikhim ako at yumuko para pulutin ang mga iyon.

"Find another girl, Noah. Life's too short to hope for uncertain things. Besides, I'm sure hindi ka naman baliw na isang babae lang talaga ang kayang tingnan. Just look at Rozen? He keeps on claiming that he's in love with Coreen but the next day, ayun at nakikipaghalikan kay Emerald." Tawa niya.

He's right. I don't get Rozen sometimes. Nong medyo napansin ko si Coreen ay nagkasuntukan kami dahil ayaw niyang pinapansin 'yong 'mahal' niya. What a stupid asshole. Mahal niya ba talaga ang kaibigan ni Reina o ginagawa niya lang na pedestal? Iniwasan ko na lang si Coreen but then I realized, sana pala ay siya na lang ang kinaibigan ko, hindi na sana ako nahulog sa patibong ni Megan.

"Bukas na lang ako sasama sa practice, a?" Sabi ni Stan kay Warren at Joey. "O bukas na lang tayo mag practice. Busy kasi ako ngayon. May handaan sa bahay kasama si tito. Kakabalik galing L.A."

Nakatingin ako sa sulat ni Coreen. It kind of resembled Megan's letters. Ngunit naiwala ko rin iyon sa utak ko nang unti unti kong nakuha ang sinabi ni Stan.

"Your tito is back, Stan?" Tanong ko.

Napatingin si Joey at Stan sa akin. "Uh, yes."

"It's been... three months." My heart raced.

Huminga ng malalim si Stan at tiningnan ako, bigo. "Si tito lang, Noah. Hindi niya kasama si Meg. Nag aaral na si Meg don, e."

"Dude, I heard you're taking Trisha to prom? Totoo 'yon?" Tanong ni Warren at naramdaman kong winawala niya ang usapan.

Sinarado ko ang locker ko at pinilit na huwag magsalita ng masama bago ko binalingan si Warren. "Yes, I'm taking her to prom."

"Akala ko ay si Coreen 'yong kukunin mo?" Tanong ni Warren pabalik.

"Wow! Noah! Ang daming umaasa sayo, a? Pipili ka lang pala." Tawa ni Joey sabay tapik sa balikat ko. Tumawa rin si Warren kasabay niya ngunit si Stan ay nakatitig lang sa akin.

"May pupuntahan lang ako sa court." Ngumisi lang ako at naglakad na palabas ng locker room. Wala naman palang practice kaya hindi namin kailangang magtagal doon. Pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang mga yapak ni Stan sa likod ko. Kahit na ganon ay hindi ko na siya nilingon. Hinayaan ko siyang abutan ako.

"Noah," hinihingal niyang sinabi.

Tumigil ako nang nagkatabi kami at bumaling ako sa kanya. "Bakit?"

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon