Kabanata 16

1.2M 31.6K 7.1K
                                    

Kabanata 16

Leaving

"Mom, I can't do that. Hindi ako pwedeg umalis. Hindi ba pwedeng patapusin muna ang high school?" Naghihisterya na ako sa puntong ito.

Hindi ko kailanman inakala na mangyayari ito. Malungkot akong tiningnan ni mommy. Hindi na ako makasubo sa pagkain samantalang walang imik na kumakain si daddy.

"I know you have friends out there, Meg. Close friends at nanghihinayang kang umalis-" pinutol ko si mommy.

"My, I like it here. Yes, sumasama ako sa States pero gusto ko parin dito sa Pilipinas," halos pasigaw kong nasabi ito.

"Megan, huwag kang bastos. Kumakain tayo. Stop shouting at your mom," mariing sinabi ni daddy.

Umawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapalabas itong nararamdaman kong takot at panghihinayang gayong ayaw akong pagsalitain ni daddy sa hapag.

"I am not shouting, dad. I want to know why? Hindi ba pwedeng magawan ng paraan 'to?" halos naghihisterya na ako nang sabihin ko ito.

"Is this about the Elizalde that you like?" mahinahong tanong ni daddy. "Well, you are too young for relationships, Megan. Mag co-college na rin si Rozen. He will study business while you are going abroad with us."

Nagkasalubong ang kilay ko sa sinabing pangalan ni daddy. "Hindi po si Rozen."

Kumunot din ang noo ni daddy sa sinabi ko, "Anong hindi? You told us you like this particular Elizalde?"

"I like his younger brother, dad. Noah Elizalde." Matapang kong sinabi iyon.

Nakita kong hinaplos ni mommy ang kanyang braso samantalang binibitiwan ni daddy ang kanyang mga kubyertos. Medyo lito ang kanyang ekspresyon nang tingnan niya ako dahil doon sa sinabi ko.

"'Yon bang walang interes sa business?" matigas ang kanyang tono.

"'Yong nagbabanda, dad. Their songs are good. Pwede natin silang i-sign ng contract sa company niyo ni mommy-" agaran akong pinutol ni mommy.

"How can we sign them, Megan, if our company isn't established yet? Hindi pa ito matatag. I will need to train. And we need to do it abroad. This is for our business, Meg," malungkot niyang wika.

"That boy still needs to grow up. Lumaki siya bilang Elizalde, mayaman at dapat ay may interes sa business. Fooling around with a band won't do him any good." Ngumiwi si daddy.

"What about Stan? Magkabanda sila. Bakit hindi ganyan makapang husga ang kanyang pamilya sa ginagawa niya. Dad, trust me, their music is good. Pure talent-"

"Stan will soon leave that band. He knows that. Aalis din siya patungong Amerika at doon na sila mamumuhay. That is just a phase to him. You cousin is smart, Megan. And what do you know about music? You can only play the piano and violin."

"George!" Saway ni mommy.

Kinagat ko ang labi ko at tumayo. I want to process this all alone. I can't be with them yet. Masasaktan ko lang ang mga magulang ko kung patuloy ko silang haharapin.

"I'm done eating," marahan kong sinabi at agad iniwan ang hapag kainan.

"Megan," si mommy nang paalis ako ng dining room.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon