Kabanata 39
As You Wish
Alas sais nang nagligpit ako ng gamit sa opisina. Tinapos ko muna ang lahat bago ako umalis. Nilingon ko sina Ma'am Alice at Ma'am Alexis na parehong sumisimsim ng kapeng barako. Niyaya ko silang umuwi na para magkasabay naman kami.
"Naku buti ka pa! Pumunta ka kasi dito nong Sabado kaya tapos mo na, diba? Mukhang mahabang gabi 'to. Wednesday na kasi ang deadline." Sabi ni Ma'am Alice, ginagalaw ang kanyang eye glass.
Tumango ako. "Ako lang pala ang uuwi nito."
"Dala mo naman ang sasakyan mo, diba?"
Tumango ako at ngumiti sa kanila. "Sige, see you tomorrow!"
"Bye, Meg! Ingat!" Sabi ni Ma'am Alexis nang di tumitingin sa akin.
Kumaway na lang ako at tinalikuran ko na sila. Dumiretso na ako ng elevator pagkatapos nagpaalam sa ilan pang mga taga opisina. Hinanap ko rin ang susi ng sasakyan ko sa aking bag. Nang tumunog ang elevator, hudyat ng pagbubukas ng elevator ay lumabas na rin ako. Dire diretso ang tungo ko patungong hall para maka punta na rin sa parking lot nang nakita ko si Mr. Aboitiz sa sofa. Tahimik siyang nagbabasa ng diyaryo. Nong una ay binalewala ko ito pero kalaunan ay bumalik ako sa dinaanan ko para puntahan siya. I need to express my gratitude for the lunch he gave me.
Tumigil ako sa harap niya. Nangangapa ng salita at natatakot na baka maging malupit ulit siya sa akin. Should I say thank you or should I go instead?
Tinupi niya ang dyaryo at nag angat siya ng tingin sa akin. The traces of blue in his eyes are now very visible. Ang buhok niyang naturally brown ay mas lalong nagpatingkad sa kakaibang kulay ng kanyang mga mata.
"Uhm, Mr. Aboitiz..." Naasiwa ako sa tawag ko kay Ysmael. "I just want to say thank you for that lunch." Tipid akong ngumiti.
Matigas ang kanyang tingin. Halos mautal ako sa susunod kong sasabihin para makapagpaalam na.
"No problem." Sagot niya sa matigas na ingles. "Are you free tonight?" Nagtaas siya ng kilay.
Pumasada pa sa gilid ang mga mata ko, naghahanap ng sagot sa tanong na hindi ko gaanong naintindihan. "Huh?"
"Nagtatanong ako kung wala ka bang gagawin ngayong gabi? Maybe you can join me for dinner?" Binaba niya ang dyaryong tinupi kanina at nilapag sa mesa.
"Uh, wala naman akong gagawin pero nakakahiya Ysmael, I mean, Mr Aboitiz." Kinagat ko ang labi ko sa konting pagkakamali.
Tumayo siyang bigla. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"For old time's sake, Megan. Wag ka nang mahiya." Aniya at nagawa pang ngumisi.
"Well," tumango ako. "For old time's sake then." Iyon ang sinabi ko kahit sobrang kabado kong balikan ang nakaraan naming dalawa.
May sinenyas siya sa security guard ng building. May tinawagan naman ang security guard habang nag uusap sila ni Ysmael. Dalawang kamay ang nakabuhat sa aking itim na bag habang naghihintay sa maaaring mangyari.
Naisip kong kung hindi ko siya nilapitan kanina ay yayayain niya kaya ako? He's probably bored tonight that's why. Oh, wait? May girlfriend ba siya? O asawa? Hindi ba iyon magagalit?
BINABASA MO ANG
Worthless (Published Under MPress)
RomanceMaria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan...