Kabanata 13

1.3M 42.3K 32.3K
                                    

Kabanata 13

You Own Me

Hindi alam ni Noah na pupunta ako doon. I just really want to support him. Show him that I care for his music. Nang datnan ko ang maraming tao sa isang malaking entablado, alas kuwatro ng hapon. Nanlalaki ang mga mata ko nang nakitang sobrang dami ng taong naroon habang tumatalon sa mga kanta ng naunang mga bandang naroon.

"Oh my God! They are gonna play here?" Hindi ako makapaniwala nang ibulalas ko iyon sa mga kasama ko sa club.

Nagmistulang maliit na stage ang naroon sa aming paaralan dahil sa entabladong ito. Masyadong maraming tao ang narito at puro masaya at nakikisabay sa musikang naririnig galing sa tumutugtog.

"Pang ilan sila, Thea?" tanong agad ni Wella doon sa may hawak ng programme.

"Pang pito." Sagot nong freshmen.

Dinumog nila ang programme na naroon habang nakikisiksik kami sa mga tao. Halos mga college boys ang tumutugtog at ibang klase na ang musikang likha nila. Hindi ko maipagkakailang kasing galing din sila ni Noah. Manghang mangha ako sa bawat pagsasambang naririnig ko galing sa audience.

Mabuti na lang at naka shorts ako at midriff tank top dahil medyo umambon kaya nabasa kami ng kaonti. Hindi nagpatinag ang mga audience na lasing na sa musikang tinutugtog ng bawat grupo sa harap.

"Pang anim na!" Patiling sinabi ni Wella nang umakyat ang limang lalaking sumunod sa kumanta kanina.

Dalawa ang kanilang vocalist at medyo malumanay ang mga kanta nila. Humupa ang ingay ng audience pero aliw na aliw parin sila sa kantang pamilyar. Nilingon ko ang katabi kong si Wella na abala sa pag aayos ng mga glow in the dark bracelets. Ngayon ko lang napansin ang pag kukulay baga ng langit dahil sa paglubog ng araw.

Tumalon talon ulit ako nang biglaang umingay ang tugtog ng pang limang banda. Medyo natalisod pa ako ng kaonti dahil sa suot kong boots at mabuti na lang ay may mga kamay na sumalo sa aking gilid.

"Megan? Ngayon lang kita napansin," ngumisi si William.

He's a guy from school. Kaibigan ito ni Rozen, sa pagkakaalam ko. I have met him way back ngunit hindi ko na ulit siya nakausap. May kasama siyang iilang mga lalaking hindi na pamilyar sa akin. Maybe guys from other schools?

"Yeah. I'm supporting Noah." Sinabayan ko iyon ng pagtuturo sa entablado.

Sa tangkad kong limang talampakan at anim na pulgada ay matangkad na sa normal na height ng mga kaedad ko. Ngunit maraming college na pinaghalong babae, lalaki, at bading ang naroon kaya hindi parin ako makapag angat ng tingin ng maayos.

"Holy crap!" Tili ni Wella nang medyo umambon ulit. "May bagyo ba?" Nagtanong siya sa mga miyembrong nasa likod.

Hindi ko kinailangan ng sagot. I'm here for Noah, umulan man o bumagyo. Ngiting ngiti ako nang tinawag ang pangalan ng Zeus sa stage. Medyo lumakas pa ang ambon ay may iilang lalaki sa unahan na nag hubad ng t shirt kaya nag tawanan ang mga naroon.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon