Kabanata 52

1.5M 36.5K 25.3K
                                    

Kabanata 52

You Think

Tumunog ang cellphone ko kinaumagahan. Masakit pa ang katawan ko habang kinakapa ang katabing mesa para doon. Di ko pa dinidilat ang mga mata ko ay sinagot ko kaagad iyon.

"Hello, Good morning, Megan!" Si mommy.

"Mom..." Kinusot ko ang mata ko at nilingon ang kama. "Good morning."

Wala na roon si Noah. Kumirot ang puso ko sa libo libong naiisip ko. Bakit wala siya? Iyong gabing iyon ba ay panaginip lang? Pinagtabi ko ang aking binti. Underwear lang ang suot ko at ramdam ko ang sakit at hapdi ng nangyari kagabi. We did it three times and hell I can't move without feeling sore.

"Uuwi ka ba ngayon? Namimili ako ng isusuot sa birthday mo. Alam kong wala ka pang plano pero gumagawa na ako." Nakangiting sinabi ni mommy.

Nanlaki ang mata ko. "Mom, I want it to be simple! Wag mo pong gawing bongga. I mean, ang plano ko lang ay magpaparty kami nina Everlyse, wala nang iba."

"Oh don't say that, Megan. Dapat ay ang uwi namin ng daddy mo galing sa bakasyon ay sa Biyernes pa. I know hindi ka magpaplano kaya umuwi kami ng mas maaga para ako na ang gagawa ng hindi mo hinahanda. You don't say that to me now."

Umirap ako at umiling. "Okay mom. If that's what you like. Anyway, I have to go. May gagawin pa akong presentation. Maghahanda lang ako." Sabi ko at sinubukang tumayo.

"Alright, Meg. You take care and don't forget to eat your breakfast. I love you."

"Love you, my." Sabi ko at binaba na agad ang aking cellphone.

Tumikhim ako at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto na walang bakas ni Noah. Pumikit ako ng mariin at nag isip na imposibleng panaginip iyon dahil masakit. Nang biglang bumukas ang pintuan at napaangat ang tingin ko. Bumungad sa akin si Noah na may kasamang waiter. Namilog ang mata ko nang nagtama ang paningin namin. Ngiti niya ay nanunukso at kita sa mga mata niya na may kahulugan ang titigan namin.

"You can leave it here." Ani Noah nang hinarap ang waiter na may dalang tray. Inilagay nong waiter ang isang tray ng pagkain sa mesa sa tabi ng kama. "Thank you." Bago umalis.

Sinarado ni Noah ang pintuan at bumaling sa akin. Hindi parin ako makapagsalita.

"Ngayon ang uwi mo?" Tanong niya at inilapit sa akin ang mesa.

Tumango ako, naiilang. "Pero mamaya pa kasi may presentations pa kami." Nilingon ko ang orasan at 6:30 na ng umaga. Alas otso ang dapat dating namin sa hall para sa pang huling araw.

"I'll wait for you here. Di ka nagdala ng sasakyan diba? Ako na ang mag uuwi sayo." Aniya.

Tumango ako at tiningnan ang pagkain. Umupo siya sa tabi ko at nilapit ng husto ang mesa. "Eat."

"Hindi ka kakain?" Tanong ko nang napansin kong dalawa ang pagkain sa hapag ngunit hindi niya iyon pinansin.

Umupo siya sa tabi ko at ang isang kamay niya ay nakatukod na malapit sa baywang ko.

"Mamaya na. I want to feed you first." Aniya at kinuha ang kutsara.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon