Kabanata 54
House
Pabalik balik na ako sa labas para manghiram ng bagong projector. Ako na rin ang nag ayos nito ayon sa gusto ni Ysmael. Butil ng pawis ay namuo na sa noo ko. Tulad ng mga kateam ko ay kahit na malamig sa loob dahil sa aircon ay todo ang pawis ko.
Napapalakpak talaga kami nang nakitang gumana na ang projector. Napatingin ako kay Ysmael at nagtaas lang siya ng kilay.
Hinayaan kong magsalita ang mga ka team ko sa harap habang ako ang nag mamaniobra ng laptop. Tuwing may sinasabing magaling si Ma'am Alice ay napapatingin ako sa board members at kay Ysmael. Nakapangalumbaba siya at lagi kong nahuhuling tumitingin sa akin at nag iiwas agad ng tingin pag napapansin ko.
"What about you, Miss Marfori? Anong masasabi mo sa presentation?" Tanong niya nang bahagyang sumang ayon ang isang board member sa presentation.
Napatayo ako sa kinauupuan. Kabado at medyo iritado dahil pinapansin ako ni Ysmael kahit na hindi na naman dapat.
"Well, I agree with Mr. Almazan, Mr. Aboitiz. And I'm sorry kung hindi gaano ako nakakatulong sa pagpepresenta nito. Because you sent me in Batangas for this seminar. I hope you remember." Sabi ko.
Nagtaas siya ng kilay. "Of course, I remember. I remember what happened in Batangas."
Napatingin ang apat kong ka team sa akin. Ilang din akong tumingin sa kanila. Kaya habang nag di-deliberate ang tatlo ay inusisa ako ng mga kasama ko.
"What happened in Batangas, Meg?" Tanong ni Ma'am Alice sa akin.
"Wala." Hindi ako makatingin sa kanila.
"I'm sure may koneksyon kung bakit niya tayo pinapahirapan ngayon. What happened?"
Umiling ako. "Pinuntahan lang niya ako doon. Bukod don ay wala na."
"Pinuntahan ka?" Nagkatinginan silang apat. "That is very unusual. Hindi siya pumupunta sa mga seminars namin."
Ilang ulit ko pang sinabi na wala ngang nangyari. Tingin ko ay hindi na rin naman importante na malaman nila iyon. Kung ano man ang nangyari sa Batangas ay akin na lang iyon.
"I'm not quite convinced with the presentation." Sabi ni Ysmael at medyo itinapon ang soft copy na hawak niya sa kanyang mesa.
Kitang kita ko kung paano nagulat at namutla ang mga kasama ko. Kumunot ang noo ko at tiningnang mabuti si Ysmael. Ayaw kong isipin na namemersonal siya pero hindi ko maiwasan iyon.
"Maybe you should put whatever you learned from that seminar, Miss Marfori, in your presentation? Para mas maging maayos ito."
Umigting ang bagang ko. Gusto kong lumaban pero sana ay kung ako lang ang malulunod, gagawin ko. Isang buong team kaming malulunod pag ginawa ko ito kaya pinigilan ko ang sarili ko.
"W-Wala pong time. Kakarating ko lang kahapon, po, galing Batangas." Sabi ko.
"Maybe you should-"
Kumatok at binuksan ni Fiona ang opisina ni Ysmael kaya naputol siya. Napatingin kaming lahat kay Fiona at ilang buntong hininga galing sa kasamahan ko ang narinig ko.
BINABASA MO ANG
Worthless (Published Under MPress)
RomanceMaria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan...