Kabanata 4
Appreciate Attention
"You okay?" Everlyse asked.
"Yeah." Nabasag ang boses ko.
Hindi na ulit siya nagtanong pa. Mabuti na lang at dahil wala na akong maisagot pa. I just want to shut up, stop talking, and think. That was the worst scene of my life so far. Ang sakit!
Sinundo ako ng driver namin ilang sandali ang nakalipas. Hindi ko inasahan iyon dahil buog akala ko bukas pa ako uuwi pero dahil may importanteng dadaluhan ang mga magulang ko at kailangan kong sumama. Palagi kasi nila akong sinasama sa events.
I saw my dad talking to Everlyse, pababa ako ng hagdanan. Inisip ko ay sinumbong ni Everlyse iyong nangyari. Tiningnan ko siya at walang bahid na guilt sa mukha ni Everlyse. Ayokong malaman ni daddy ang nangyari kanina. That was bad enough.
Paalis kami ni dad ay binulungan ko muna si Everlyse.
"What did you say?" Tanong ko.
"Nagtanong lang sa mga hilig mo nitong mga nakaraang araw, sinagot ko lang." Aniya.
Tumango ako at sumunod kay daddy.
Sa labas ay nakaabang na ang driver namin, pinagbubuksan si dad. Pumasok agad si dad sa loob kaya ginawa ko rin iyon. Kinuha ng driver ang bag ko at nilagay sa likod.
"Pupunta tayo sa isang grand opening sa Chinese restaurant ng tita mo." Ani daddy at nilingon ako.
"Okay." Tumango ako. Hindi niya ako tinantanan sa titig.
"Everlyse told me that you like this certain boy..."
Nilingon ko agad si daddy. Ang akala ko ba ay nagtanong si daddy sa kanya na ano ang kinahihiligan ko? Well, siguro nga. At sinagot niyang si Noah ang kinahihiligan ko.
"I'm a fan, dad." Sagot ko.
"Elizalde, right?" Nagtaas ng kilay si daddy.
Tumango ako. "Yup." Alam kong kilala ang mga Elizalde kaya malabong hindi ito kilala ng pamilya ko.
"I expect it's the middle brother. I forgot his name. Magaling 'yon sa business. I encourage you to connect with him." Ani daddy.
Tumango ako at tumingin sa labas.
I'm lucky to have parents that aren't that strict when it comes to boys. Siguro ay dahil masyado na rin silang abala para tingnan pa kung anu ano ang pinag gagawa ko.
Mabilis na lumipas ang summer. My family went to Camarines Sur. Iyon ang naging trip namin sa Summer na ito, dalawang linggo kami doon. Pagkabalik ko naman ay naging abala ako sa pag aaral ulit ng piano. That's what my mom wanted and I've got time to waste so I did it.
Nang bilihan na naman ng mga notebook para sa sumunod na taon ay naexcite naman agad ako. Ngingiti ngiti pa ako sa National Bookstore habang pumipili ng binder at kung anu-anong mga ballpen at papel. Nagkitaan pa kami nina Everlyse at Stan sa National Bookstore, namimili din sila ng gamit.
BINABASA MO ANG
Worthless (Published Under MPress)
RomanceMaria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan...