Kabanata 28

1.1M 29.4K 13.2K
                                    

Kabanata 28

You Lost Me

Dumating na ang mga pagkain. Ginutom ako kaya sumabay na ako sa pagkain ng girls. Naroon din si Warren na hanggang ngayon ay hindi parin ako pinapansin.

"Warren, soft drinks?" sinubukan kong makipag usap sa kanya sa pamamagitan non.

Tumango lang si Warren sa akin nang hindi tumitingin.

Kinuha ko 'yong canned Coke Zero at tinaas para maibigay sa kay Warren na nasa tabi lang ni Wella. Nagtatawanan ang grupo dahil sa mga biro ni Joey pero ako ay abala sa pagsusubok ng usapan kay Warren.

"Soft drinks?" Ulit ko habang inaangat na 'yong canned Coke.

Napatingin siya sa canned Coke at umambang kukunin na ito nang biglang pumagitna si Noah sa amin. Inilag ko 'yong softdrinks at hinanap ko ang sasalubong na kamay ni Warren ngunit wala akong makita kundi ang dibdib ni Noah. Nag angat ako ng tingin sa kanya na nakatitig doon sa mga pagkaing nasa mesa.

"Oh, Noah. Eat, dude. We only have fifteen minutes." Ngiti ni Joey.

Tumango si Noah. "I'm not hungry. Iinom lang ako," aniya at kinuha ang isa pang canned Coke bago tumalikod.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong may binulong siya sa waiter na galing sa labas. Bumaling ulit ako kay Warren at ipinakita ko sa kanya ang inaangat kong canned Coke. Umiling na lang si Warren at pinakita ang bitbit niyang sariling Coke. Meron na siya? Oh... well. Nag kibit balikat ako at nilapag ko na lang 'yong Coke.

Pinangalahati ko ang juice na ininom ko kanina at nilingon si Wella para sana magpasama sa CR ngunit nadatnan kong nag uusap sila ni Joey kaya hindi na ako nagtangka. Inayos ko ang bag na dala ko at tumayo na para makapag CR sa labas.

"Bathroom." Sabi ko kay Thea na papasubo pa lang ng kanyang kanin.

Mabilis siyang tumango. Ngumiti ako at tumalikod sa mesa. Nadatnan kong may inihatid 'yong waiter na isang mamahaling alak sa tray at may apat na shot gloss ang naroon. Nag salin si Noah pagkatapos iyong mailapag sa mas maliit na mesa sa gitna ng mga sofa.

Inayos ko ang aking bag sa aking balikat at nahagip ni Noah ang titig ko ng ilang sandali bago ako naglakad at dumiretso na sa labas. Dumiretso na rin ako sa CR at hindi na masyadong nagtagal doon dahil baka magsimula na ang gig nina Noah. Ngunit pagkalabas ko sa CR ay naroon siya at nakahilig sa dingding.

Unang nagtama ang aming mga tingin. Natigilan pa ako. Unsure of what to say or how to react. He's here. Is he waiting for someone else? Or what?

Bumaba ang tingin niya, dahan dahan, sa aking dibdib, sa aking damit.

"Go home." Aniya, nakatitig sa aking damit.

"Manonood ako sa inyo." Humigpit ang hawak ko sa aking bag.

Nakapamulsa siya at ang kaninang naka hilig na likod sa dingding ay humiwalay na doon para harapin ako. He has this lazy expression. Para bang nauumay siya sa pagsasalita sa harap ko.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon