Kabanata 22
The Same Room
"I won't go to that convention, mom. May usapan kami nina Everlyse at Carlos na mag beach bukas." I insisted.
Hindi nagpapatinag si mommy sa akin. Alam niyang wala akong magagawa sa pinapasalihan niyang convention pero pinipilit niya parin ako. Pinaikot niya ang kanyang swivel chair bago ako tinitigang muli at pinagsalikop ang kanyang mga daliri.
"You are very stubborn, Megan. Are you going to party? Is that the reason?" tanong ni mommy na nagpairap sa akin.
"Oh please, hindi kami sa Bora pupunta. Sa Batangas lang. Kakarating nilang Nueva Ecija, give them a break."
Umiling si mommy at nilapag niya ang kanyang glasses sa mesa. Tumayo na ako at hindi ko kailangan ng sagot niya sa gusto kong mangyari. Sasama ako kay Everlyse at Carlos dahil pagkatapos nito ay mag seseryoso na ako sa mga offer ni Rozen.
"Do what you want, Megan." Tawag niya habang paalis ako sa kanyang opisina.
Bumaba kaagad ako sa building, nginingitian ang bawat guard sa lahat ng pintuang naroon. Binaba ko ang aviators ko nang palapit na ako sa entrance. Susunduin ako nina Carlos at Everlyse sa labas dahil mag sho-shopping daw itong pinsan ko ng swimwear. Inayos ko ang bag ko sa aking braso nang narinig ko ang naghihiyawan sa labas ng aming building at may iilang mga media pang naroon, nag uunahan sa pagpipicture.
May paparazzi pa akong nadatnang kumuha na rin ng picture sa akin, sinamantala ang transparent na double doors ng building. What the hell? Tumigil ako sa paglalakad hanggang sa nakita kong tumakbo ang dalawang matatangkad na lalaking mukhang iritado. Sumunod ang isang natatawa at ang panghuli ay may litaw na dimple habang ngumingisi ng malaki sa dalawang iritado.
"Good morning, miss!" Ngiti nong pangatlong lalaki at nag lahad siya ng kamay sa akin.
Ngumiti ako pabalik. "Good morning!" sabay tanggap sa kamay niya.
Agaran siyang siniko ng kanyang iritadong katabi at may binulong sa kanyang hindi ganon ka pribado dahil narinig ko iyon, "Stop it, Zac. That's the daughter of Madame Alejandra."
Nag angat ulit ng tingin 'yong lalaki. "I'm Zac." Sinapak nong iritadong lalaki ang kamay ni Zac na umambang makipagkamayan ulit sa akin.
Natawa na lang ako at humalukipkip habang sinusulyapan ang hindi pa humuhupang media sa labas. I know them. Tingin ko ay isa sila sa pinaka sikat na banda ngayon. Tiningnan ko ang damit ni Zac at nakita ko roon ang compirmasyon, 'Going South'. Sila ang isa sa mga bandang hinahawakan ng kompanya nina mommy at daddy. Probably one of their biggest artists.
"I have to go..." Sabi ko nang nakitang humupa na ang media.
"Ohhh..." Hihirit pa sana si Zac ngunit sinaway pa ulit siya nong kasama niya at nagmadali na rin ako sa pag alis.
Mabilis na lumipas ang araw. Pakiramdam ko ay pwede na akong pang third wheel kahit kanino. The lovers were heartless. Sa harap ko sila naglalampungan at minsan ay iniiwas ko na lang ang tingin sa kanila para hindi ako maasiwa. Not that I'm not used to it. Syempre, ganong ganon din sina Lyse at Carlos sa Amerika. Iba lang talaga ngayon dahil natatanaw ko ang bawat nilalang na lumilingon sa kanila tuwing nag papaka sweet sila sa isa't-isa. Obviously the people in this side of the world aren't used to it.
Nag stretching ako pagkalabas namin ng sasakyan. Magkakasakit yata ako sa sobrang pagod sa byahe. Ilang oras din iyon, a? Ang init pa. Kinuha ko ang malaking shoulder bag ko na siyang pinaglagyan ng lahat ng damit ko para sa tatlong araw na stay dito. Oo, iyon lang ang dala ko dahil puro shorts, loose shirts, at two piece lang naman ang naroon.
BINABASA MO ANG
Worthless (Published Under MPress)
RomanceMaria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan...