Kabanata 3

1.5M 37.9K 31K
                                    

Kabanata 3

Leave

I get it. Noah is a cold hearted boy. Magaspang ang kanyang ugali pero hindi ko alam kung bakit lubos na lang ang pagkahumaling ko sa kanya. Inubos ko ang siyam na buwan sa pagiging active sa kanilang fans club.

Siniko ako ni Everlyse nang nakitang papalapit 'yong isang Grade 8 na laging bumibisita sa akin at nagpapacute. Nag iwas agad ako ng tingin. He just won't stop.

"Hi, Meg. Lunch?" Tanong ni William pagkalapit sa upuan ko.

Panay ang pakiusap ko sa Panginoon na sana ay bumalik na ang teacher namin para maibigay niya na ang panghuling exam at nang sa ganon ay matapos na ito at mawala na itong si William sa harap ko. Ngingiti ngiti si Everlyse sa akin, nanunuya. Umiirap naman ako sa kanya.

"Mag aaral pa ako, Will, e." Sabi ko sabay pakita sa mga librong dala ko.

"Oh, then I can help you study." Aniya at nakapamaywang pa siya sa pag aabang sa akin.

"No. Mas effective akong mag study pag mag isa." Sagot ko.

Nagkibit balikat siya. "Alright. Parang naiistorbo kita. See you later then." Malamig niyang sinabi at umalis.

Tumango ako at hindi umimik sa kanyang pag alis. Nang nakalayo na siya ay hinampas ni Everlyse ang desk ko. "Lintik, Meg. Ang gwapo ni William tapos ginaganon mo lang?"

Nag angat ako ng tingin sa mga babae kong kaklaseng nakikiusyuso sa nangyari kanina. Pagod na pagod na akong mag explain kay Everlyse na hindi nga ako pumapatol sa lalaking hindi ko gusto.

"Hindi ko kayang bigyan ng chance kahit sino. Si Noah ang gusto ko." Sa huling pangungusap ay sinabayan pa ako ni Everlyse.

Nauumay na siya sa kaka Noah ko at sa kaka deadma ni Noah sa akin. I don't really mind. I sent him some letters. Hindi ko nga lang alam kung nababasa niya iyon. I find it corny but it's what other girls do so I'll joing the bandwagon.

Summer ng taong iyon, inakala kong pupunta na naman kaming New York pero dahil sa success na natamo ng Moon Records, ang itinayo ni mommy na recording company ay hindi kami natuloy. Masaya ako lalo na't madalas akong pumupunta kina Everlyse para doon makapag sleepover at makapag movie marathon.

"Sumama tayo kina Stan, Meg." Ani Everlyse kakagising ko pa lang.

"Hmm? Saan?" Tanong ko, kinukusot ko ang aking mga mata.

"Diyan lang sa basketball court ng village. E, mag babasketball sila kasama 'yong banda at iilang kaklase nila. Kalaban nila 'yong mga taga village din."

"Kasama si Noah?" Halos napatayo ako sa tanong ko.

Ngiting aso ang sinalubong ni Everlyse. "Oo."

Kapag talaga si Noah ang pinag uusapan ay hindi ako mapalagay. Gusto kong makita siyang nag ba-basketball. Panigurado ay magaling din siya sa larong iyon. Kinagat ko ang labi ko habang nag aayos. Shorts at puting oversized na tshirt ang isinuot ko. Tinali ko lang malapit sa pusod 'yong dulo ng puting tshirt at nag handa na agad ako ng isang cartolina at pentelpen.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon