Kabanata 8

1.4M 37.3K 17.1K
                                    

Kabanata 8

That's All

Kahit sa pagbaba sa grand staircase at pagpapaulan ni Ysmael sa akin ng matatamis na salita tungkol sa suot ko ay hindi ko parin naalis sa utak ko ang sinabi ni Noah. Damn he knows how to occupy someone's mind.

"Let's go?" Halos napatalon ako sa gulat nang hawakan ni Ysmael ang kamay ko para lang makahakbang ng maayos sa staircase.

I am too unfair. I should stop thinking about Noah. Hindi ito ang nararapat na isipin ko sa mga sandaling ito. Kaya malaking ngiti ang ipinakita ko sa mga nakatanaw na schoolmate sa baba. I even saw Rozen Elizalde beaming near the staircase. Naroon kasi ang mesa niya. He probably knows that Noah is around. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at nginitian ang iilang mga kakilala na naroon.

Tinawag ang pangalan namin at nang tumapak na ako sa red carpet ay napawi ang kaba sa dibdib ko. Naging abala ako sa pangungumusta at sa mga puring natamo dahil minsanan lang ang mga Grade 10 na naiimbitahan sa prom.

"You really look stunning, Meg," malambing na sinabi ni Ysmael.

"Thank you," ngiti ko sa kanya samantalang pumapalakpak kami sa iba pang estudyanteng bumababa.

Kasama namin ang mga kaibigan niya sa table. Medyo maingay sila. Nagtatawanan habang pinag uusapan ang mga nakakatawang nangyari bago sila pumunta dito.

"You're silent." Pinuna ni Ysmael ang pagiging tahimik ko habang nag poprogramme at nag uusap usap na rin.

Nginitian ko siya. "Nahihiya pa kasi ako."

Sa puntong iyon ay agad niyang tiningnan ang mga kaibigan niya at ipinakilala niya ako sa mga ito. Nawala sa isip ko ang mga bumabagabag sa akin tungkol kay Noah. Nginitian at kinausap ko sila isa-isa kahit na halos hindi ko maalala lahat ng mga pangalan nila dahil sa dami.

Four courses ang meal na kinain namin at pormal na pormal hanggang sa matapos ang programme at umuwi ang officers ng school. Nang nag party na ay sinimulan ng sweet music. Isa isang nagsitayuan ang mga estudyante para makasayaw ang kanilang mga date.

Naglahad agad ng kamay si Ysmael sa akin at tinanggap ko iyon. Tumayo ako at walang kahirap hirap niya akong isinayaw. Tumawa ako dahil isang beses kong naapakan ang kanyang paa.

"I'm sorry." Humalakhak ako.

"It's okay," sambit niya.

Inangat ko ang aking tingin sa kanya at tumagilid ang ulo niya habang isinasayaw ako. "You know what? Lagi kitang pinapanood kapag dumadaan ka sa aming floor."

Nagtaas ako ng kilay. "Oh you are stalking me now?"

Umangat ang gilid ng kanyang labi. He looked dashing too. Hindi ko maipagkakaila na kakaiba talaga ang kanyang mga mata. Hindi ito tulad ng mata kong kulay brown. Ito ay may halong berde at asul. "I like watching you walk, that's all."

Ngumuso ako, hindi makapa ng sasabihin sa guwapong lalaking ito. I am very much flattered right now.

Sa saliw ng I'll Be ni Edwin Mccain ay sumayaw kaming dalawa. Pangatlong kanta na yata iyon habang nagtitigan kami ni Ysmael sa gitna ng dancefloor nang ang kamay niyang kanina ay nasa baywang ko ay humaplos pataas. I am open-minded but my innocent heart still can't handle more moves like that. Nag iwas ako ng tingin kay Ysmael at nginitian ang iilang kilala na sumasayaw na rin.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon