Kabanata 50

1.5M 32.1K 21K
                                    

Kabanata 50

I Wanna Be Your Everything

Doble kayod sa trabaho ang ginawa namin sa sumunod na linggo. Araw araw paring dumarating ang pagkain galing kay Noah. Ganon din kay Ysmael. Busy nga lang siya dahil sa iba't-iba niyang mga meeting at kung anu-ano pa.

"Kaya kaya natin ito?" Tanong ni Ma'am Alexis, ilang kape na rin ang nalalaklak namin at gabi gabi kaming dis oras nang umuuwi para sa presentation namin sa isang Pharmaceutical company na sa Lunes na ipapakita.

"Kaya 'yan, Ma'am!" Naghilamos ng kamay si Ma'am Alice. Pare pareho kaming puyat sa team. Nilingon niya ako. "Oh, Meg. Umuwi ka na. Hindi ba ay bukas ng umaga ang alis mo para sa seminar?" Puna ni Ma'am Alice sa akin.

"Oo nga, e." Sabay stretch ko sa aking braso.

Mabuti na lang at pumayag naman si Everlyse at Carlos na ihatid ako sa Batangas. Di biro ang byahe, a. Akala ko nga ay hahayaan nila akong mag commute. Siguro may ibang plano ang dalawa kaya ko sila napapayag? Hindi ko alam. Hindi na ako nagtanong, ang importante ay pumayag sila. Ayaw ko rin kasing magdrive ng ganon ka haba ng mag isa. Iniisip ko pa lang ay inaantok na ako. Kaya mag co-commute na lang siguro ako pabalik.

Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng pagdadrive ko pauwi ng bahay. May nag text yata at paniguradong si Noah ito. Kanina pa siya nangungulit sa akin na umuwi na ako. Gabi gabi siyang ganyan kaya napapaisip ako kung may gig ba sila tuwing gabi.

Noah:

You home yet?

Napansin ko ang isa pang text ni mommy sa akin. Nakarating na sila galing sa kanilang vacation. Nong Lunes ay trabaho kaagad ang inatupag ng dalawa. Hinahanap na rin ako ni mommy. Nagkibit balikat ako at nireplyan si Noah at mommy.

Ako: (to Noah)

Pauwi na.

Ako: (to mommy)

Lapit na po.

"Mag ingat ka doon, a. Text ka sa amin. HIndi mo naman kailangan ng seminar na iyan kahit international pa iyan, Meg. You have greater credentials." Sabi ni mommy habang hinihila ko na ang aking maleta kinabukasan.

Umiling ako. "Believe me, mom, I need it. Kailangan ko pa ng experience at dagdag sa credentials. There's always a room for improvement." Sabi ko sabay halik sa kanya.

"Well then... Sa Sunday ba ang uwi mo?" Tanong niya.

Tumango ako at humalik na rin kay daddy para magpaalam. "Sabihin mo kay Carlos na mag ingat sa pag dadrive." Bilin ni daddy, nagtataas ng kilay.

"Sure, dad." Sagot ko naman at hinila na muli ang stroller palabas ng bahay.

Ang sabi ni Everlyse ay nasa gate na sila ng village kaya naghanda na rin ako malapit sa gate. Nang namataan ko sila sa aming gate ay hindi na ako nagulat sa suot nila parehong aviators at sa mga hinanda nilang pagkain sa loob. They're ready for that long drive.

Tinulungan ako ni Carlos na ikarga ang aking stroller sa kanyang sasakyan at pagkatapos ng ilang bilin ni mommy sa dalawa ay tumulak na kami. Masayahin ang mag irog sa byahe. Kumakanta ng mga awitin galing sa stereo na akala ko'y magiging dahilan ng pagkakadilat ko buong byahe. Nagkamali parin ako, sa puyat ko kagabi ay nagawa ko pang umidlip. Gising lamang tuwing nagugutom o di kaya ay ginigising ni Everlyse para sa kung anu-ano niyang naiisip.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon