Kabanata 60

1.8M 43.8K 56.7K
                                    

Thank you for reading the whole story. Isang Elizalde na naman ang natapos ko. See you sa next: ONOL.

-----------------------------------------------------------------

Kabanata 60

That's What

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko sa isang maaliwalas na umaga. Ang sinabi ni Noah na dalawang araw ay naging apat pang mga araw. He just didn't want to leave. I just didn't want to face what's out there.

Unti unti akong bumabangon, nahihilo sa biglaang ginawa. Nakabukas na ang pintuan at ang puting kurtina ay umaalon dahil sa hangin galing sa labas. We're leaving today and that's for sure.

Kahapon ay sinubukan naming buksan ang cellphone naming dalawa. Galit ang lahat sa bahay. Pati rin ang mga kilala namin. Alam nila na kasama ko si Noah. He told my dad about it unang araw pa lang na dumating kami sa Amanpulo. But he wanted us back, hindi iyon sinunod ni Noah kaya nagalit siya.

"Yes, please. Aayusin ko pag dating ko." Dinig kong sinabi ni Noah sa kanyang cellphone.

Nakaharap siya sa dagat at ang malapad niyang likod ay kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko. Dahan dahan akong naglakad ng nakapaa.

"Oo nga, uuwi nga kami ngayon. Don't worry." Sabi niya at napatingin sa akin.

Tumitig siya sa akin habang nakikinig sa kabilang linya. Nakapamaywang siya at nag angat ng ngiti.

"Oo, paki sabi na rin kay Rozen, Kuya." Aniya tsaka binaba na ang cellphone.

Naglahad siya ng braso sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap at halik sa noo.

"Good morning, Miss! Sorry, nagising ba kita?" Tanong niya.

Umiling ako. "Good morning!" Medyo inaantok pa ako.

Umangat ulit ang gilid ng kanyang labi at kinalabit ang ilong ko. Hinalikan niya ako sa labi kaya bahagya akong napaatras at nagtakip non. "Don't kiss me. Di pa ako nakakapagtoothbrush."

Tumawa siya. "We make love every morning, Meg. I kiss you the moment you wake up, ngayon ka pa ba mag aalala niyan?"

Hinawakan niya ang kamay kong nakatakip at hinalikan pang muli ang labi ko. Umiling ako ngunit ang dalawang kamay niya ay naglakbay na sa aking likod at inaatras niya na ako papasok sa casita.

"Noah..." Kinagat ko ang labi ko.

Pinaulanan niya na ako ng halik sa leeg. Nang tawagin ko ulit ay tsaka pa lang niya binigay ang kanyang atensyon.

"Do you think it's better if I take... uh, pill or something?" Uminit ang pisngi ko.

Noong nagkaayos kami ay naisip ko ito. Noong una naming dalawa ay siguro sinwerte lang ako at nakaligtas. Nitong mga nakaraang araw ay naisip kong dapat ko nang gawan iyon ng paraan.

"Wag na. Gusto mong mag family planning? Kaya ng pera ko kahit sampu." Tumawa siya.

Matalim ko siyang tinitigan. "Well I'm sure you don't want me to look like a whale, Noah."

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon