Kabanata 11

1.4M 35.7K 21K
                                    

Kabanata 11

Look At Me

"Saan tayo?" tanong ko pababa kami ng palapag na iyon. Napansin ko kasing hindi kami patungo sa cafeteria.

"Sa benches tayo kakain. Ako na ang bibili ng pagkain," aniya.

Tumango ako at sumunod sa gusto niya. Naglalakad pa nga lang kami ng magkasama ay may mga nakikita na akong halos mabali ang mga leeg sa kakatingin. Hindi ko alam kung anong mga nasa isip nila. And I wouldn't care anyway. Ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang panginginig ng aking tuhod sa saya at ang kagalakan sa pagkakaamoy ng bango ni Noah sa distansya namin.

"You stay here," aniya at agad akong umupo sa bench na katabi ng malaking puno.

Tumingala ako sa kanya at tumikhim siya nang may nakitang paparating sa kabilang banda. Nilingon ko ang babaeng may side bangs na magulo at may kaonting pimples sa mukha. It's his sister.

"Kuya..." Nagpabalik balik ang tingin ni Reina sa akin at sa kanyang kuya.

"What?" tanong ni Noah.

"Your tone." Hindi ko maiwasang punahin ang kanyang iritadong tono.

Sumulyap si Noah sa akin ng isang beses. "What is it, Reina?" Mas mahinahong tanong niya.

Tumitig si Reina sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Tumingala na lang ako kay Noah at naghintay sa sasabihin ng kanyang kapatid.

"Sinabi kasi ni mommy na sa bahay na lang daw kayo mag practice mamaya kasi may lakad silang apat ni Kuya Rozen, Kuya Dash, at daddy." Hindi niya parin ako tinantanan. Habang nagtatanong ay sa akin ang kanyang mga mata.

"Okay." Tikhim ni Noah na mukhang namalayan ang titig ng kapatid sa akin. "This is Megan Marfori."

"I know..." ani Reina na ikinagulat ko.

"Oh... Hi!" Tumayo ako at naglahad ng kamay sa kanya.

"Hello, ate. A-Ako po si Reina Elizalde." Matamis na ngiti ang isinalubong ni Reina sa akin.

Ate. Tinawag niya akong 'ate'. Sumilay ang ngisi sa kanyang labi. Nahuhulaan ko na kung anong nasa utak niya.

"Dito kayo mag la-lunch, Kuya?" tanong ni Reina.

"Yup. Gutom ka na ba, Meg?" Bumaling si Noah sa akin.

"Medyo." Ngiti ko.

Tumango si Noah at bumaling kay Reina. "I'll leave you two here. Bibili lang ako ng pagkain namin."

Mabilis akong kumuha ng pera sa wallet na agad namang sinimangutan ng masungit na si Noah. Tumitig siya sa akin kaya agad kong binalik ang wallet ko. Umangat ang gilid ng kanyang labi sa ginawa ko. Tinalikuran niya na agad kami. Tinanaw ko lang siyang palayo sa amin ng biglang nagsalita si Reina.

"Bagay kayo ng Kuya Noah ko." Ngiti niya sa akin.

Kahit na medyo mukhang mahiyain, may bangs, at may konting tigyawat ay bakas sa kanyang mukha ang pagiging Elizalde. Her brothers must be thankful that she's not yet grown up. Sasakit ang ulo ng mga kuya nito sa oras na magkaroon siya ng lalaking mamahalin.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon