Kabanata 25

1.2M 32.1K 11.3K
                                    

Kabanata 25

Half Crazy

Iniwan ako ni Noah doon na parang nawalan ng lakas. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ang bawat taong dumaraan ay napapatingin na lang sa akin.

"Ayun siya." Narinig ko ang mga yapak nina Wella at Thea.

Hinawakan nila ang magkabilang braso ko. Nakatakip kasi ang aking mga kamay sa aking mga mata.

"Meg, what happened? Tumutugtog na sina Noah," ani Wella.

Hindi ako nakasagot. All I want right now is to go home. No... I'm not dead yet, I'm just broken. Like a soldier injured in war, uuwi lang ako para magpagamot pero hindi pa ako natatalo.

"You can finish it. Uuwi lang ako." Sabi ko nang medyo kumalma na.

"Ha? What happened? May sinabi ba si Noah sa'yo?"

Sinubukan kong ngumiti kahit alam kong useless iyon. Kitang kita ng dalawa ang mga luha ko. Pinunasan ko iyon at muli pang ngumiti. Maasim ang mukha ni Thea habang may simpatya naman ang kay Wella.

"Sinaktan ka ba ni Noah?" Tanong ni Thea.

"Kasalanan ko rin naman. Uuwi na ako. I'll text Carlos and Everlyse, nasa bar sa malapit lang sila. Magpapasundo na lang ako," sabi ko.

"Meg, ihahatid kita sa labas-"

"No, Wella." Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "I-I am perfectly fine." tango ko.

Kinagat niya ang kanyang labi at kita ko parin ang simpatya sa kanyang ekspresyon.

"Pupunta tayo sa gig ulit nila next week sa Hard Rock." Sinabi ko para malaman niya na nandito parin ako at hindi parin ako umaalis sa grupo.

"Okay..." Ani Wella at niyaya ko na silang lumabas doon.

Pagkalabas namin sa maraming tao ay dinig na dinig ko na ang boses ni Liam na umaalingawngaw sa buong restobar. Naghihiyawan ang mga tao at nagtatalunan sa kanilang kanta.

Nilingon ko sina Wella at Thea at sinenyasan na na aalis na ako. Ngumiti si Wella at tumango. Hindi ko na inaksaya ang panahon, dumiretso na ako sa labasan at nag hanap na ng number ni Everlyse para magpasundo.

"Akala ko ba mamaya ka pa? Anong nangyari?" May bahid na duda sa kanyang boses.

"Just... fetch me, alright? Nandito na ako sa labas ng restobar." Sabi ko at niyayakap na ang sarili sa lamig na naramdaman dulot ng panahon at ng mga nagsisiandarang sasakyan.

Binaba ko ang aking cellphone at hinintay ang pag dating ng sasakyang dala ng dalawa. Habang naroon ay natutulala ako sa nangyari. Masakit pala talaga na si Noah mismo ang aamin sa akin na in love nga siya kay Coreen. But if he is in love with Coreen, bakit hanggang ngayon ay hindi nagiging sila? Bakit? Maybe because Rozen's right! Siguro ay mayroon ngang namamagitan kay Coreen at Rozen. Rozen had been my ally for years, ngayon niya pa ba ako lolokohin? At ano ang mapapala niya sa pagloloko sa akin?

More importantly, Meg, anong mapapala mo pag nalaman mo ang katotohanan na mayroon ngang relasyon ang dalawa? It doesn't change the fact that Noah is really in love with Coreen.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon