Kabanata 34
Closure
Ilang linggo ang aking pinalipas sa paghihintay sa trabahong gusto kong makuha. Nang nakatanggap ako ng text ni Rozen tungkol sa bagong schedule ng aking interview ay mabilis na akong nagbihis para don.
Tumunog ang cellphone ko kaya pinindot ko ito. Patungo ulit ako doon sa building kung saan ako i iinterview nong big boss ng kompanyang nangangailangan ng tulad ko.
"Hello, Meg. Asan ka? Mamayang 2pm 'yong usapan natin ah? Huwag mo kaming indian-in. This is the last time." Ani Wella.
"Holy shit!" Hinampas ko ang manibela.
Ito na ang huling pagpunta ko sa kahit anong event o gig nina Noah. Dito ko rin sana pinlano na magkausap kami ng masinsinan para maisarado ang kung ano mang namamagitan sa aming dalawa noon.
"Ngayon ba 'yon?" Tanong ko. "May interview ako ngayon."
Ala una ang interview ko kaya papunta na ako ngayon doon sa kompanya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon pero baka huli na para sa recording.
"Ano? Hindi ba usapan natin... Then pupunta ka sa next gig nila-"
"No... No, Well. Pupunta ako ngayon. Just chill, okay. I need to do this interview first. Okay? Tatawag ako pag papunta na ako. Bye."
Pinatay ko kaagad ang tawag at dinoble ang bilis ng takbo ng sasakyan. Kung tunay na matanggap ako sa kompanyang ito ay mawawalan na ako ng oras na bumisita sa kanilang susunod pang gig.
Pinasok ko ang sasakyan ko sa parking lot ng building. Pagkapark ay inayos ko ang buhok kong mahaba. Ginawa ko itong malinis na bun at inayos ko ang bangs ko. Huminga ako ng malalim at dinampot ang aking mga dokumento pati ang portfolio.
Sa elevator ay may malaking A na nakalagay. Ito ang simbolo ng buong kompanya. Hindi ito ang unang pagkakataong napunta ako dito pero mas kalmado ako ngayon kesa nong una. Sana lang ay nandoon nga ang big boss at hindi niya ako inindian.
Pagtigil ng elevator sa tamang floor ay lumabas kaagad ako. May lamesa ng sekretarya na nilapitan ko kaagad. Nag angat ng tingin ang babaeng naroon at namukhaan niya yata ako.
"Nandito po ba ang boss?" Tanong ko.
"Opo... Nandito po siya. You're scheduled for an appoinment today? Can I have your I.D?" Aniya.
Nilapag ko kaagad ang I.D. ko at nag hintay sa kompirmasyon niya. Tumango siya at ngumisi. Kinuha niya ang telepono at may sinabi bago tumayo at inilahad ang itim na double doors.
"Ready na po si Mr. Aboitiz." Ngiti ng babae.
Tumango ako ng wala sa sarili pero natigilan nang naalala ang sinabi ng babae. Bago pa ako makareact ay papasok na ako sa malaking opisina. Kulay puti ang dingding ng opisina at maging ang mga muwebles ay simple at halos kulay puti rin. Ang tanging itim lang sa opisinang iyon ay ang swivel chair at ang mesa.
Nasagot lahat ng katanungan ko kanina bago ako pumasok sa sumalubong na nakasimangot na mukha sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
Worthless (Published Under MPress)
RomanceMaria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan...